UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FIlipino Reviewer

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

UNANG MARKAHANG

PAGSUSULIT SA
FILIPINO 2
Inihanda ni: Bb. Emily Kinna B. Caluza
I.
Panuto:
Tukuyin ang salitang-ugat sa
salitang may salungguhit sa
pangungusap.
Salitang Ugat
- Payak o simpleng salita na may buong
pagkilos na dinadagdagan ng panlapi.
Salitang Ugat
- Mga Halimbawa –
nag + aral = nag-aral
tulong + um = tumulong
tulog + an = tulugan
1.Maliban sa kahirapan, isa pang malaking
hadlang sa pag-aaral ng mga bata ngayon ay
ang banta sa kalusugan.

a.harap c. kaha
b. hirap d. parihap
2.Sa kabila nito, ang pag-aaral ay hindi
maaaring ipagpaliban kahit sa panahon ng
pandemya.

a.ipagliban c. liban
b. laban d. paliban
3.Upang matugunan ito, patuloy tayong
sumunod sa mga health protocols.

a.mata c. tugon
b. tugma d. unan
4.Sa tulong at gabay ng mga guro at mga
magulang, tiyak ang kalusugan ng bawat ay
mapoproteksiyunan.

a.posisyon c. prosesiyon
b. proseso d. proteksiyon
5.Mahalagang pangalagaan ang ating
kalusugan upang hindi tayo magkasakit.

a.alaga c. laga
b. gaan d. panga
6.Panatilihin din natin ang kalinisan sa loob at
labas ng ating tahanan.

a.asin c. lisan
b. linis d. salin
7.Ang Ikalawang Baitang ay tumutulong sa
kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.

a.utol c. tulong
b. tulog d. tutulong
Basahin ang Pabulang
B. “Si Paruparu at
Langgam”.
“Si Paruparo at Langgam”
Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si
Langgam na pabalik-balik sa paghahakot ng pagkain sa
kaniyang lungga sa ilalim ng puno.
“Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang
Langgam? Mukhang pagod na pagod ka at di ka man
lang nagpahinga?” tanong ni Paruparo. “Bakit di ka
magsaya na tulad ko?”
“Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tagulan. Iba
na ang may naipon na pagkain bago dumating ang tag-
ulan.”
“Kalokohan iyan. Tingnan mo ako.
Hindi natitinag,” pagmamalaki ni Paruparo.
“Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam.
“Ganito iyon, eh. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan?”
itinuro niya ang nasa di kalayuan.
“Sino?’ tanong ni Langgam.
“Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan
ko. Nabibigyan niya ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa
kanya walang bagyong darating sa akin,” pagyayabang ni
Paruparo, “A, ganoon ba?” sabi ni Langgam. “Utak lang, utol.
Oh, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang eh,” sabi ni
Paruparo.
“Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod
dito, kayod doon,” mababa subalit madiin ang tinig ni
Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang aking
gawain.”
a

Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.


a

Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang


mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at baha.
Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring
matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig
dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal ang baha.
Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin
ang pagbuhos ng ulan. Ano kaya ang nangyari kay
Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga.
Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang
dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba,
ano ba ang kanyang nakita?
Nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: “Kung sino ang may
tiyaga, siya ang magtatamong pala.”
8. Anong insekto ang nasa
larawan
a. Baka at Kalabaw
b. Kabayo at Muning
c. Oso at Pagong
d. Paru-Paro at Langgam
9. Ano ang katangiang ipinakita ni
Langgam mula sa nabasang Pabula?

a. Masipag c.Palaasa
b. Matulungin d. Tamad
10. Sino sa mga tauhan sa binasa mong
pabula ang nararapat na tularan ng isang
batang tulad mo?

a.Si Baka c.Si Paruparo


b. Si Langam d. Si Tutubi
11. Sino ang magkaibigan sa kuwento?

a.Aso at Baka
b. Kalabaw at Kabayo
c. Oso at Pagong
d. Paru-Paro at Langgam
12. Anong Aral ang natutunan sa kuwento?
a.Maging masipag
b. Maging matulungin
c. Maging pabaya
d. Walang pakialamero
Piliin ang angkop na
magagalang na
C. pananalita para sa
bawat sitwasyon.
13. Isang Sabado ng gabi, pumunta sa inyong
bahay ang iyong Tito. Ano ang sasabihin mo
sa kanya?
a. Magandang gabi po, Tito
b. Magandang Tanghali po, Tito
c. Magandang hapon po, Tito
d. Magandang umaga po, Tito
14. Isang hapon, nasalubong mo ang nanay ng
iyong matalik na kaibigan. Ano ang iyong
sasabihin?
a. Magandang hapon po.
b. Salamat po.
c. Paalam po.
d. Pasensiya napo, hindi ko po sinasadya
15. Habang gumagawa kayo ng proyekto ay
biglang natapakan mo ang isa sa mga gamit
ninyo. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga
kagrupo?
a. Magandang umaga.
b. Salamat.
c. Aalis muna ako.
d. Pasensiya na, hindi ko sinasadya.
16. Mataas ang nakuha mong marka. Bilang
regalo, binigyan ka ng bagong damit ng iyong
ama at ina. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
a. Magandang umaga po.
b. Maraming salamat po.
c. Aalis na po kami, paalam po.
d. Pasensiya na po.
17. Isang umaga, nakita mo sa pamilihan ang
kapitan ng inyong barangay. Ano ang
sasabihin mo?
a.Magandang umaga po.
b. Salamat po.
c. Paalam po.
d. Pasensiya na po.
18. Sa simbahan, napulot mo ang nalaglag na
panyo ng isang ale. Iniabot mo ito sa kanya at
siya ay nagpasalamat sa iyo. Ano ang iyong
itutugon?
a. Magandang umaga.
b. salamat
c. paalam
d. Walang anuman po.
19. Sa loob ng sasakyan ay naapakan mo ang
paa sa isa sa mga pasahero ng jeep ng hindi
mo sinasadya. Ano ang sasabihin mo?
a. Magandang Umaga
b. Paalam Po
c. Salamat Po d.
Paumanhin Po.
Basahing Mabuti ang
talambuhay ng ating
pambansang bayani at
C. sagutin ang mga
tanong. Piliin ang letra
ng tamang sagot.
Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

 Ang kabuuang pangalan ni Dr. Jose


P.Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y
Alonso Realonda.Siya ay isa sa labing-
isang anak nina Francisco Rizal Mercado
y Alejandro at Teodora Alonzo Realonda y
Quintos. Dalawa lang silang magkapatid
na lalaki ng kaniyang Kuya Paciano.
Si Dr. Jose Rizal ay ipinanganak sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861.Bukod sa Jose, tinawag rin siyang
“Pepe” sa bahay at lugar nila. Siya ay
isang matalinong bata. Ang Pambansang
Bayani ay ipinadala ng kaniyang mga
magulang sa ibang bansa upang mag-aral.
Naging isang doctor siya sa mata at
sumusulat rin siya- siya ay may akda ng
tanyag na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
Ang kaibahan ni Dr. Jose Rizal sa iba pang
mga bayani ay ang kaniyang pamamaraan
ng pagtatanggol sa bansang Pipilipinas
Idinaan nya ito sa kanyang mga panulat.
Inaresto siya at hinatulan ng kamatayan.
Namatay si Dr. Jose Rizal noong
Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan sa
Maynila sa kasalukuyan, mayroon siyang
mga monumento sa Luneta Park, Maynila.
Calamba. Laguna, Camarines Norte, at sa
iba pang lugar.
20. Kaninong talambuhay ang iyong binasa?

a.Lapu-lapu
b. Dr. Jose Rizal
c. Apolinario Mabini
21. Saan siya ipinanganak?

a.Pasig City
b. Muntinlupa City
c. Calamba, Laguna
22. Kailan siya ipinanganak.

a.Hunyo 19, 1861


b. Pebrero 5, 1861
c. Setyembre 14, 1861
23. Anong klase siyang doctor?

a.doktor sa mata
b. doctor sa puso
c. doctor sa tenga
24. Kailan siya hinatulan ng kamatayan?

a.Setyembre 14, 1898


b. Nobyembre 22, 1898
c. Disyembre 30, 1898
25. Saan makikita ang monumento ni Dr. Jose
P. Rizal?

a.Luneta Park
b. Look ng Maynila
c. Simbahan ng Quiapo
Unawaing maigi ang
mga pangungusap.
D. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
26. Gumuhit ng isang tatsulok sa loob ng
bilog. Sa loob ng tatsulok ay may puso. Anong
imahe ang nabuo?

A. B. C.
27. Gumuhit ng tatsulok sa taas. Gumuhit ng parisukat
sa ibaba ng tatsulok. Sa loob ng parisukat ay gumuhit
ng maliit na parisukat sa kanan at nakatayong parihaba
naman sa kaliwa. Anong imahe ang iyong nabuo?

A. B. C.
28. Anong titik ang mabubuo kung ikaw ay susulat ng
tuwid na linya, isang palihis sa kanan na linya at isang
tuwid na linya ulit?

a. N
b. M
c. A
29. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa
paggawa ng Kalamansi Juice.

I. Lagyan ng tubig at haluin.


II. Pigain ang hiniwang kalamansi sa baso.
III. Lagyan ng wastong dami ng asukal.

a. III, I, II b. II, I, III c. II, III, I


30. Ano ang huling hakbang bago pumasok sa
paaralan?

a. Magbihis ng damit.
b. Magsepilyo ng ngipin.
c. Magsuot ng sapatos.
Susi sa Pagwawasto:
1. B 6. B 11. D 16. B 21. C 26. B
2. C 7. C 12. A 17. A 22. A 27. A
3. C 8. D 13. A 18. D 23. A 28. A
4. D 9. A 14. A 19. D 24. C 29. B
5. A 10. B 15. D 20. B 25. A 30. C

You might also like