Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANO ANG KAKAYAHANG

PRAGMATIKO?
2

✘ Ayon kay Lightbown at Spada(2006), ang pragmatiko ay


tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular
na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may
paggalang. Ibig sabihin, ang isang taong may kakayahang
pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugang naaayon sa
konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig
ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap.
3

Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng


Speech act.para sa wika na si J. L. Austin ( 1962; sipi kay Hoff
2001), ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit g mga salita
upang maglalarawan ng isang karanasan kundi “paggawa ng mga
bagay gamit ang mga salita” o speech act. Halimbawa nito ay
pakikiusap. pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako, at iba pa.
 
Halimbawa, sa pahayag ng isang amo sa kanyang empleyado na
Magpaalam ka na sa iyong mga kasama, higit pa ito sa isang linggwistikong
pahayag. Maliban sa gramatikal na kahulugan nito, maaring pamamaraan
ito ng pagsasabing tinatanggal na ang nasabing empleyado sa trabaho. Isa
itong halimbawa ng tinatawag ng speech act.
4

✘ Samantala, tinawag ni Austin( sa Clark, 2007) ang


berbal na komunikasyon bilang speech act at
tinutukoy niyang sa bawat speech act, may tatlong
magkakaibang akto na nagaganap nang sabay-sabay.
✘ Ang mga ito ay tinatawag niyang locutionary act
perlocutionary act, at illocutionary act. Inilahad
niya na:
5

Sangkap Kahulugan Halimbawa

Illocutionary force Sadya o intensyonal na Paki-usap,utos,pangako


papel

Locution Anyong linggwistiko Patanong, pasalaysay

Perlocutionary Epekto sa tagapakinig Pagtugon sa hiling,


pagbibigay-atensyon
6

 Ang locutionary act ay ang batayang akto ng pahayag o ang paggawa ng isang
makabuluhan na lingguwistikong pahayag.
 Ang illocutionary act ay tumutukoy sa intensyon at gamit ng pahayag. Ang
paggawa ng mga lingguwistikong pahayag ay hindi lamang ginawa nang walang
dahilan. May nasasaisip na tiyak na paggagamitan sa mga ito.
 Ang perlocutionary act naman ay tumutukoy sa epekto ng mismong pahayag.

• Locutionary act. - “Mayroon ba kayong tubig na walang yelo?”


• Illocutionary act. - paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na walang
kasamang yelo
• Perlocutionary act - pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan.
Locutionary act : Nagtimpla ako ng lemonade.
Illocutionary act : _______________________________________________
Perlocutionary act :_______________________________________________
 
 
Locutionary act : May dala ka bang sasakyan?
Illocutionary act : _________________________________________________
Perlocutionary act:_________________________________________________

• Sa nabanggit na sitwasyon, mahihinuha kung gaano kahalagang


linangin ang kakayahang pragmatiko upang umayon sa hinihingi ng
konteksto at makamit ang inaasahang resulta mula sa kausap.
8
BERBAL AT DI-BERBAL NA
KOMUNIKASYON
Sa paglilinag ng kakayahang pragmatiko, mahalaga isaisip ang pag-iral ng dalawang uri
ng komunikasyon – ang berbal at di-berbal na komunikasyon.
 
 Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng
salita sa anyong pasalita at pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan,at kakilala ,
pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa usapan sa kumperensya at
seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng
blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na liham, at iba pa.

 Ang di-berbal naman, ayon sa pag-aaral , ay lubhang napakalaki ng


elementong ito sa pakikipag-usap sa mga taong napapaloob sa sariling kultura.
Ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon ang mga sumusunod;
9
1. Kinesika ( kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekspresyon
ng mukha galaw ng mga mata , kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.

2. Proksemika ( Proxemics) - tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap. Ang oras


ay maaring pormal gaya ng isinasaad ng relo, o impormal na karaniwang nakadikit sa
kultura gaya ng mga terminong “ngayo na”, “mamaya na”, at “sa lalong madaling panahon”.
10

3. Pandama o paghawak (Haptics) – itinuturing na isa sa mga


pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito ng
positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan.

4. Paralanguage -tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.


Halimbawa: bigkasin ang oh sa iba’t ibang paraan: nanghihinayang, nagulat,at iba
pa.
 
11

5. Iconics o simbolo - tumutukoy sa mga


sagisag na kumakatawan sa isang
bagay o mensahe.

6. Colorics o kulay – maaaring nagpapahiwatig ng damdamin o


oryentasyon.
✘ Ano ang ipinahihiwatig ng damit na pula?
______________________
✘ Ano ang kahulugan ng kulay puti?
_____________________________
 

You might also like