Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

EPP-AGRI.

Aralin 16 Paraan ng Paggamit


ng Kagamitang Paghahalaman
TEODORA M. JAVIER
. LAYUNIN:
 
1. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa
paghahalaman
2. Naipakikita ang pamamaraan sa
paggamit ng mga kagamitan sa
pagtatanim ng halamang ornamental
PANIMULANG PAGTATASA:
 
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Sa palagay ba ninyo ang isang uri ng
kagamitan tulad halimbawa ng dulos ay
maaaring gamitin sa pagputol ng damo?
2. Paano ba ang tamang pamamaraan sa
paggamit ng mga kagamitan?
Nakakita na ba kayo ng
dulos?
Paano o saan kaya
maaring gamitin ang dulos?
 
Narito ang ilang kagamitan sa
paghahalaman.
1.Asarol – ito ay ginagamit sa
pagbubungkal ng lupa upang ito ay
mabuhaghag.
2.Kalaykay – ginagamit ito sa paglilinis
ng bakuran. Tinitipon nito ang mga
kalat sa halaman tulad ng mga dahong
tuyo, tuyong damo, at iba pang kalat.
Maaari din itong gamitin sa pag-aalis
ng malalaki at matitigas na tipak ng
lupa at bato sa taniman.
3.Piko – ito ay ginagamit upang
durugin at pinuhin ang mga
malalaking tipak na bato.
4.Dulos – ay ginagamit sa
pagbubungkal ng lupa sa paligid ng
halaman. Mahusay rin itong gamitin
sa paglilipat ng mga punla.
5.Regadera – ginagamit ito sa
pagdidilig. Ito’y may mahabang
lagusan ng tubig na may maliit na
butas sa dulo.
6.Pala – ito’y ginagamit sa paglilipat
ng lupa. Ginagamit din ito sa
paghuhukay ng butas o kanal sa lupa
at pagsasaayos ng lupa sa tamang
taniman.
7.Itak – pamutol sa mga sanga at
puno ng malalaking halaman.
8.Tulos at Pisi – ang mga ito ay
ginagamit na gabay sa paggawa ng
mga hanay sa tamang taniman sa
pagbubungkal ng lupa. Tinutusok ang
may tulos sa apat na sulok ng lupa at
tinalian ng pisi upang sundin bilang
gabay.
Ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga
kagamitan sa paghahalaman ay nagdudulot ng
mahabang kapakinabangan at napapabilis ang
gawaing paghahalaman.
Isulat at iguhit sa papel ang mga
kagamitan at paraan ng paggamit nito,
gayundin ang mga kagamitang mayroon
kayo sa bahay.
PAGLALAHAT
.

Ano-ano ang
mga kagamitan sa
pagtatanim ng
ornamental at paano ito
Lagyan ng tsek (a) kung tama ang
pangungusap at ekis ( x ) naman kung mali.
Isulat sa patlang.
1. Maaring gumamit ng lata ng gatas at
bubutasan ko ito at gagawing pandilig
kapag walang regadera na magamit.
2. Ang dulos ay angkop gamiting
pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
_____ 3. Ang regadera ay ginagamit
pangbungkal ng halaman.
-_____4. Ang asarol ay ginagamit
pandukal sa lupa.
5. Ang piko naman ay ginagamit
upang hukayin at durugin ang lupa.
PANGWAKAS NA
PAGTATASA:
Bakit kailangang
angkop ang kagamitang
gagamitin at tamang paraan
ang paggamit nito?
PAGPAPAYAMAN NG
GAWAIN:
Pag-aralan ang iba’t ibang
paraan ng pagpapatubo ng
halaman.
 

You might also like