Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

OP

Y
HA
NG
GA
L A
-AA
P AG
22 SA
L I N OT
R A UL R
I . A G D VIE
G R N . JA
-A IHA M
PP UT A
E B OR
KA OD
TE
LAYUNIN:
 1. Natatalakay ang kabutihang
dulot ng pag- aalaga ng hayop
sa tahanan
2. Natutukoy ang mga hayop na
maaaring alagaan sa tahanan
 

 
PANIMULANG PAGTATASA:
1. Kasiya-siya ba ang pag-
aalaga ng hayop sa bahay o sa
likod bahay?
2. Nakakatulong ba ito sa
pamilya o mag-anak?
 
Naranasan na ba ninyo
ang mag-alaga ng
hayop sa loob o sa labas
ng inyong tahanan?
Anong hayop ang
inalagaan ninyo?
Ang aso ay tinatawag na
pinakamatalik na kaibigan ng tao.
Maraming pagkakataon nang
napatunayan ang katapatan ng aso
bilang kaibigan.
Mainam itong alagaan.
Nakatutulong ito bilang gabay sa
paglalakad at maging bantay ng
tahanan. Ngunit nakakatakot kapag
sinasaktan dahil ito ay lumalaban.
Ang pusa ay isa ring hayop na
mainam alagaan. Maraming tao ang
nagsasabi na ang pag-aalaga rin ng
pusa ay nakakatanggal ng stress at
nakapagpapababa ng dugo.
Ang pusa ay mahusay din alagaan
dahil bukod sa ito’y taga-huli ng daga
mabait din itong kalaro ng mga bata.
Ang mga ibon bilang alagang hayop
sa bahay ay madaling maturuan.
Maraming ibon ang natututong
magsalita. Sila rin ay natututong
gumawa ng iba’t ibang antics kaya
maraming tao ang nahuhumaling
mag-alaga ng ibon. Sila ay madaling
alagaan. Maliban sa nakapagdudulot
ng kasiyahan sa nag-aalaga, ito rin ay
maaaring pagkakitaan.
Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan
sa bahay dahil sa sila ay eco-friendly animals.
Isang hayop na mainam alagaan dahil mabait
at nagbibigay ito ng masustansyang karne at
hindi madaling dapuan ng sakit. Ang pagkain
ng kuneho ay maaaring itanim sa ating mga
bakuran dahil sila ay kumakain ng halamang
dahon tulad ng letsugas, kangkong at repolyo.
Hindi sila maselan sa pagkain, maaari mong
bigyan ng butil ng mais o giniling na munggo.
Ang dumi ng kuneho ay
maaring ipunin at gawing pataba
sa ornamental na halaman dahil
ito ay mayaman sa nitrogen at
phosphorus. Ang mga patapong
bagay tulad ng old towels, mga
lumang kuwaderno at iba pa ang
gustong laruan ng mga kuneho.
Tutukuyin isa-isa
ng mga hayop na
maaaring alagaan
sa loob at sa likod
bahay.
1. Ano-anong mabubuting
bagay ang naidudulot sa
pag-aalaga ng hayop sa
tahanan?
*Nakapagbibigay saya at
nakakaalis ng inip.
*Nakapagpapabuti sa
kalusugan.
*Nakakadagdag ng kita sa mag-
anak.
*Nakapagbibigay ng pagkain
tulad ng itlog at karne.
*Nakapagbibigay pagkakataong
mag-ehersisyo.
*Nagiging mabuting kasama sa
bahay.
*Nagkakaroon ng pagkakataon para
sa pakikisalamuha sa tao.
*Magandang kasanayan sa bata na
magkaroon ng responsibilidad sa
pag-aalaga.
Pangkatang Gawain:
Sa inyong pangkat,
tumukoy ng isang hayop na
maaaring alagaan sa bahay
at isa-isahin ang mga
kabutihang maidudulot
nito. Iulat ito sa klase.
Maraming kabutihan ang naidudulot ng
pag-aalaga ng hayop sa tahanan. Ito ay
nakabubuti sa ating kalusugan dahil naka-
aalis ito ng stress at nakapagpapababa ng
dugo. Ang alagang hayop sa tahanan ay
maituturing na isang magandang kasama
sa bahay. Kung ang mga alagang hayop ay
pinararami, ito ay maaaring maipagbili
upang makadagdag kita sa pamilya.
1. Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa
bahay at bigyang linaw ang sumusunod na mga
tanong.Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?
_____________________________________
Gaano karami ang inaalagaan mo?
______________________________________
Ano-ano ang mga kapakinabangan nito sa iyo?
______________________________________
1. Ano-ano ang mga hayop na
mainam alagaan sa loob o sa
likod bahay?
2. Ano ang kapakinabangang
makukluha ng mga mag-anak
sa pag- aalaga ng hayop o mga
hayop.
 
PANGWAKAS NA
PAGTATASA:
 Ipasagot sa mga mag-
aaral ang sumusunod:
 Magbigay ng mga
kabutihang dulot ng pag-
aalaga ng hayop sa bahay
at likod bahay:
1. Bakit mo nagustuhan ang
hayop na nasabi upang
alagaan sa bahay ninyo?
2. Nakatutulong ba ito sa
pangangailangan ng inyong
pamilya? Sa paanong paraan?

You might also like