Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Pakikipaglaban ng mga

Pilipino sa Pag usbong ng


Nasyonalismong Pilipino
Inihanda ni : Bb.
Mary Ann M.
Base
Sa araling ito, matutunan mo ang kahalagahan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong ng
nasyonalismong Pilipino. Kaya bilang mag-aaral ikaw ay
inaasahang:

Naipaliliwanag ang konsepto ng


nasyonalismo
Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng
mga Pilipino sa pagusbong ng nasyonalismong
Pilipi
Naipapamalas ang pagpapahalaga sa
nasyonalismong Pilipino
Panuto: Buuhin ang mga sumusunod na titik
Title
sa bawat bilang upang makabuo ng mga
salita.
Lorem
1. N A B A L G A P I K I K A P
2. G M A G N
3. L I P I O N I P
Ipsum
A S
4. G A P S U N O G B G N
5. L I S N A M O Y A N G L I P
I O N I P
Ano ang
Nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal
na lumaganap sa bansang England noong ika-18
siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao
ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang
pinagmulan o sinilangan (Gabuat et al. 2016). Ito ay
ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon
ng pananakop ng kolonyalismong Espanyol na
kung saan buong tapang nilang nilabanan ang mga
mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang
kakulangan sa armas at kasanayan.
Ang mga pagbabagong ipinatupad
ng mga Espanyol sa Pilipinas ay
nagtulak sa mga Pilipino upang mag-
alsa at magsagawa ng pakikipaglaban
sa kolonyalismong Espanyol.
Tinutulan ng mga Pilipino ang mga
maling pamamalakad at
pagmamalabis sa kapangyarihan ng
mga pinunong Espanyol.
Ang mga mapang-abusong patakaran at
mga kaganapan sa loob ng bansa ay
nagpaigting sa kamalayan ng mga
Pilipino na kumawala sa kapangyarihan
ng Espanya at magsagawa ng mga pag-
aalsa at pakikipaglaban. Ang ipinamalas
na kagitingan sa pakikipaglaban ng mga
Pilipino ay nagpamalas ng matinding
pagmamahal sa bayan.
Ang pagnanais na muling
maibalik ang nawalang kalayaan
laban sa mga mananakop na
Espanyol at muling mamuhay ng
payapa at may dangal maging
kapalit man ito ng kanilang
sariling mga buhay ay sadyang
hindi matatawaran.
Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong
sagutang papel.

1.Ano ang nasyonalismo?


2.Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng
mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino?
3.Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang
Pilipino nang kanilang kalabanin ang mga
mananakop na Espanyol
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 Panuto: Pagsusuri ng pahayag. Basahin at unawaing mabuti
ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang salitang NASYONALISMO kung ang
pahayag ay lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo at HINDI NASYONALISMO kung
hindi lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Ito ay ideolohiyang politikal na lumaganap sa


England noong ika18 siglo.
2.Paggamit ng kapangyarihan sa marahas na
paraan.
3.Pagtutol at paglaban sa kalabisan na
nararanasan laban sa mga makapangyarihang
bansa.
4. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay
iniuugnay sa lugar na pinagmulan.
5. Pagpapatupad ng mga patakarang
kokontrol sa mamamayan.
6. Pagsasamantala sa kahinaan ng maliliit
na bansa.
7. Pagpapasailalim sa kagustuhan ng mas
makapangyarihang bansa.
8. Pagpapamalas ng malalim na pagmamahal
para sa bayang sinilangan.
9. Pagtatanggol ng karapatang mamuhay nang
malaya upang mapaunlad ang pagkakakilanlan.
10. Pagpapanumbalik ng hangaring pamunuan
ang sariling bayan sa pamamagitan ng mga pag-
aalsa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Pag-aanalisa ng mga pangyayari. Basahin at
unawaing mabuti ang ipinahahayag ng bawat
pangungusap. Isulat ang mga titik na PNP kung
lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino at HPNP naman kung hindi lumilinang sa
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1.Pagsuway sa mga patakarang ipinatutupad ng
kolonyalismong Espanyol.
2.Pagbabayad sa mga ipinapataw na buwis ng mga
Espanyol.
3.Pagkilala sa taglay na kapangyarihan at pagsunod sa
mga namumunong Espanyol.
4.Hindi paglimot sa kinagisnang pagkakakilanlang
pangkultura at panlipunan.
5.Paglunsad ng iba’t ibang pag-aalsa upang makawala sa
kapangyarihan ng mga mananakop.
Ang Pag-usbong ng
Nasyonalismong
Pilipino
Ang mga Espanyol ay naging masigasig
sa pagpapalaganap ng kolonyalismo sa
Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo
at iba’t ibang mga patakaran tulad ng
reduccion, polo y servicio, tributo, at
ang sistemang encomienda upang
mapasunod ang mga sinaunang Pilipino at
mapasailalim sa kapangyarihan nito.
Dahil sa kahirapang naranasan sa mga
patakarang ipinatupad ng kolonyalismong
Espanyol ay maraming mga Pilipino ang
nagnais makawala sa kapangyarihan ng
Espanya. Nagbigay daan ang kolonyalismong
Espanyol upang matuklasan ng mga Pilipino
ang kaya nilang gawin. Hinamon nito ang
kanilang katatagan at nagbigay daan upang
mapaunlad ang pagkakakilanlang Pilipino.
PAKIKIPAGLABAN NG MGA SINAUNANG
PILIPINO

Dahilan ng Pakikipaglaban Mga Pakikipaglabang Naganap

A. Pag-aalsang Politikal
1. Pagtutol sa monopolyo ng 1. Pag-aalsa ni Lakandula at mga Datu
tabako. ng Tondo
2. Pagtutol sa sapilitang B. Pag-aalsang Panrelihiyon
pagbibinyag at Kristiyanismo 2. Pag-aalsa ng Igorot
3. Pagtutol sa labis na 3. Pag-aalsa ni Tamblot
4. Pag-aalsa ng mga Itneg
pagbubuwis, polo y servicio at C. Pag-aalsang Ekonomiko
paghihigpit sa produksiyon ng 5. Pag-aalsa ni Magalat
produkto. 6. Pag-aalsa ni Sumuroy
4. Pagbawi ng kalayaang 7. Pagtutol ni Maniago
mamuno at karangalan 8. Pag-aalsa ni Malong
9. Pag-aalsa ni Diego at Gabriela Silang
5. Okupasyon ng British sa 10.Pag-aalsang Basi
Maynila
Pamprosesong tanong:

1.Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa pamumuhay ng


mga sinaunang Pilipino?
2.Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo?
3.Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng
mga Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino?
4.Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan
at kalayaang muling mamuno?
5.Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila ang hangaring
makipaglaban ng mga Pilipino?
6.Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga isinagawang pagaalsa ng
mga sinaunang Pilipino? Bakit?
Panuto:
Tunghayan at suriin mo ang Pambansang Awit na nasa ibaba. Subuking
sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.
Pamprosesong tanong:

1. Sino ang tinutukoy na Perlas ng


Silanganan sa pambansang awit?
2. Ano ang nilalaman ng ikalawang
saknong?
3. Ano ang ipinamamalas ng
huling linya ng awit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga
sumusunod na pahayag ang bubuo sa
paksang napag-aralan. Itala ang mga
pangyayari na nagbigay daan sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino sa
panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Mga
pagbabagong
ipinatupadng
mga Espanyol
Pagbibigay ng
Maling
labis na
pamamalkad ng
Gawaing
mga pinunong
pampamahalaan
Espanyol
sa mga Pilipino
Dahilan ng
Pag-usbong
ng
Nasyolismon
g Espanyol Pagnanais ng
Pagmamalabis mga Pilipino na
sa muling
kapangyarihang maibalik ang
ng mga Kalayaan ng
Espanyol bansa
Mapang-
abusing
patakaran na
pinairal sa mga
Pilipino
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Ipaliwanag mo kung paano naipamalas ng mga sinaunang bayaning
Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1.Diego at Gabriela Silang (1762-1763) Pag-aalsa ni
Diego Silang nang dahil sa mabibigat na pagpapataw
ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng
alcalde-mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang
kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong
1762 ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela
ang pag-aalsa ng siya ay masawi.
2. Francisco Maniago (1660-1661) Pinangunahan ni Francisco
Maniago mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at
Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap
ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng polo y
servicio, bandala at sapilitang paggawa.

3. Juan Sumuroy (1649-1650) Taong 1649 nang ipag-utos ng mga


Espanyol na magpadala ng mga polista na taga-Samar sa Cavite upang
gumawa ng mga barko ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-Samar. Sa
pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy, lumaban sila sa mga Espanyol.
Sinunog nila ang mga simbahan at namundok bilang mga rebelde.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Panuto: Punan ng angkop na salita ang


mga patlang na lilinang sa paksang
nakalahad. Piliin ang angkop na salita sa
loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
A. Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang ____________
na lumaganap sa bansang England noong noong ika-18
siglo. Kung saan ang____________ng isang tao ay kaniyang
ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o
____________ . Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang
Pilipino sa panahon ng pananakop ng kolonyalismong
Espanyol. Kung saan buong tapang nilang
______________ang mga mananakop na Espanyol sa kabila
ng kanilang kakulangan sa armas at _____________.
Pagkakakilanlan politikal kasanayan
Sinilangan nilabanan
B. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang
pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga ________________ sa mga
Espanyol upang _________________ sa malupit na
pamamahala ng mga ito. Handa nilang
______________ ang kanilang mga buhay maibalik
lamang ang pamumuhay na ______________ at
___________ ng bansa.
Makawala pakikipaglaban
Kalayaan
ibuwis mapayapa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung kahalagahan
ng pagtatanggol ng mga Pilipino ang isinasaad at Mali naman kung hindi.
1.Nakipagkasundo ang mga katutubong Pilipino sa mga
Espanyol.
2.Sinuway ng mga katutubo ang patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol sa bansa.
3.Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang
kabayanihan ng mga katutubong Pilipino.
4.Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga
Pilipino,
5.Ipinamalas ang kagitingan ng mga Pilipino laban sa
kolonyalismong Espanyol.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Panuto: Bilang mamamayan na iyong bansang kinabibilangan, paano mo
maipapamalas ang nasyonalismo o pagmamahal sa iyong bansa? Kumpletuhin mo
ang pahayag na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bilang mamamayang Pilipino ay maipakikita ko ang


nasyonalismo o pagmamahal sa bansang Pilipinas sa
pamamagitan ng ________________
_______________________________________________
________________________
_______________________________________________
________________________

You might also like