Lesson 3. Persuweysib

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 91

Mga dapat tandaan sa

pagpasok sa paaralan
1.UGALIING MAGHUGAS NG
KAMAY.

2. MAGSUOT NG FACEMASK
TUWING LALABAS NG BAHAY

3. PANATILIHIN ANG SOCIAL


DISTANCING.
Layunin:
a.) Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahalagang salitang ginamit ng tekstong
Persuweysib. (FIIPT-IIIa-88)
b.) Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong
Persuweysib. (F11PU – IIIb – 89)
c.) Nagagamit ang mabisang paraan ng
pagpapahayag: kalinawan, kaugnayan at bisa sa
reaksiyon ng sinulat. (F11PU – IIIfg – 90)
BALIKAN
ANG
NAKARAAN
1. Ano ang Aralin na
ating tinalakay noong
nakaraang linggo?
2. Ano naman ang
Tekstong Deskriptibo?
Ang tekstong deskriptibo
ay isang pagpapahayag ng
mga impresyon at
kakintalang likha ng
pandama.
3. Ano- ano naman ang mga
elemento ng
tekstong deskriptibo?
Karaniwang Paglalarawan
at Masining na Paglalarawan
4. Ano- ano naman ang
mga uri ng tekstong
deskriptibo?
Obhektibo
at Subhektibo
Ano ang pangalan ng
produktong nakita ninyo sa
komersyal?
Batay sa ipinakita kong
komersyal, naging madali ba
sa inyo na kilalanin ang mga
produkto? Bakit?
Halimbawa ay nangangailangan
ka ng gamot, makukumbinse
ka bang bumili ng RiteMed?
Sa palagay niyo bakit may mga
“commercial” ang mga
produkto?
Sa palagay ninyo ano ang
Araling ating tatalakayin?
PAUNANG
PAGSUSULIT
PANUTO: Tama o Mali. Batay sa sariling
paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag
ay tama o mali. Isulat lamang ang salitang
MATA kung ito ay tama, at LIMA naman
kung ang pahayag ay mali.
1. Isa sa mga layunin ng
tekstong persuweysib ay ang
manghimok o mangumbinsi
sa pamamagitan ng pagkuha
ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa.
Tamang
Sagot:

MATA
2. Ang Pathos ay
tumutukoy sa
emosyon ng
mambabasa o
Tamang
Sagot:
MATA
3. Ang Ethos ay
tumutukoy sa Opinyon o
Lohikal na
pagmamatuwid ng
manunulat/
Tamang
Sagot:
LIMA
4. Ang plain folks
ay kabilang sa
propaganda device.
Tamang
Sagot:
MATA
5. Isang katangian
ng Tekstong
persuweysib ay may
obhektibong tono.
Tamang
Sagot:
LIMA
TEKSTONG
PERSWEYSI
B
KAHULUGAN
Isang uri ng teksto na umaapela o
pumupukaw sa damdamin ng
mambabasa o tagapakinig upang
makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang
inilahad.
LAYUNIN
1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng
teksto.
2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa
mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at
mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad
3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan
ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng
mambabasa
MGA KATANGIAN
1. May subhetibong tono
2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-
akda
3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa
patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at
pagrerekrut para sa isang samahan o
networking
ELEMENTO NG
PANGHIHIKAYAT
AYON KAY
ARISTOTLE
Ethos
logos
pathos
Ethos
Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/
Tagapagsalita -Ang salitang ethos ay salitang Griyego
na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong
angkop ngayon sa salitang “Imahe”. Ginamit ni
Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o
kredibilidad ng tagapagsalita batay sa paningin ng
nakikinig. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig
kapag ang tagapagsalita ay kilalang may pag-uugali,
maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda
ang hangarin.
LOGOS
Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng
manunulat/ Tagapagsalita- Ang salitang
Griyego na logos ay tumutukoy sa
pangangatwiran. Nangangahulugan din itong
panghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman.
Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na
nilalaman o kung may katuturan ba ang
sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang
tagapakinig na ito ay totoo.
PATHOS
Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig -Pathos ang
elemento ng panghihikayat na tumatalakay sa
emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig.
May kakayahan ang tao na gumawa ng sariling
desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng
ginagawa ng tao ay bunga ng kaniyang pag-iisip.
Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang
impluwensiya ng emosyon kagaya ng galit, awa, at
takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang
tao.
PROPAGANDA
DEVICE
NAME-CALLING
Ito ay ang pagbibigay ng hindi
magandang puna o taguri sa isang
produkto o katunggaling politiko
upang tangkilikin. Karaniwang
ginagamit ito sa mundo ng politika.
Ang “Brand X” na taguri ng tide sa ibang uri ng
produkto ng sabon.
GLITTERING
GENERALITIES
Ito ay ang magaganda at nakakasilaw
na pahayag ukol sa isang produktong
tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.
TRANSFER
Ang paggamit ng isang sikat na
personalidad upang mailipat sa
isang produkto o tao ang
kasikatan.
TESTIMONIAL
Kapag ang isang sikat na
personalidad ay tuwirang nag-
endorso ng isang tao o
produkto.
PLAIN FOLKS
Karaniwan itong ginagamit sa
kampanya o komersiyal kung saan ang
mga kilala o tanyag na tao ay
pinalalabas na ordinaryong taong
nanghihikayat sa boto, produkto, o
serbisyo.
CARD STACKING
Ipinakikita nito ang lahat ng
magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit
ang hindi magandang katangian.
BANDWAGON
Panghihikayat kung saan
hinihimok ang lahat na gamitin
ang isang produkto o sumali sa
isang pangkat dahil ang lahat ay
sumali na.
“PAGSULAT
NG Tekstong
Persweysib”
GAWAIN
Sitwasyon: Halimbawa ay
nagtitinda ka ng isang produkto,
paano mo kukumbinsihin ang
iyong mga mamimili na
tumangkilik sa iyong produkto?
Gagawa kayo ngayon ng sarili mong
patalastas. Mamili ka ng kahit na anong
bagay na makikita sa loob ng inyong bahay.
Gumawa ka ng iskrip ng magiging artista sa
iyong patalastas. Buuin lang ang hinihinging
detalye sa ibaba. Bibigyan ko lamang kayo ng
pitong (7) minuto sa pagsulat at paghanda ng
iyong teksto. Isulat ito sa likurang bahagi ng
papel.
Para sa mga magagaling sumayaw,
isasayaw ninyo ang inyong nagawang
patalastas.

Para sa mga magagaling kumanta, gagawa


Kayo ng jingle para sa produktong
gagawan ng patalastas.
Para sa mga magagalingsumulat, gagawa
Kayo ng isang iskrip para sa inyong
patalastas
Para sa mag-aaral nating IP’s, gagawa
kayo ng patalastas at gagamitin ninyo ang
sarili ninyong dayalekto sa paghikayat
sa mamimili
Tayo ka,
Pagnahuli ka
sasagot ka!
1. Paano mo magagamit ang
tekstong persuweysib sa iyong
pang araw-araw na
pamumuhay?
2. Paano mo masasabing
mahalaga ang tekstong
persweysib lalo na ngayong
panahon ng halalan?
Tayo ka,
Pagnahuli ka
sasagot ka!
1. Ano nga ang araling ating
tinalakay?
2. Ano-ano ang mga elemento
ng tekstong persuweysib?
1. Ano-ano naman ang mga
propaganda devices?
PAGSUSULIT
PANUTO: Piliin
ang
pinakaangkop na sagot sa
bawat katanungan. Titik
lamang ang isulat na sagot sa
nakalaang espasyo.
______1. Ang salitang Griyego
na____ ay tumutukoy sa
pangangatwiran.

a. Logos c. Pathos
b. Ethos d.Ethospathos
 ______2. Paraan ito ng panghihikayat
kung saan ginamit ni Aristotle upang
tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
tagapagsalita batay sa paningin ng
nakikinig

a.Logos c. Pathos
b. Ethos d. Ethospathos
 ______3. Ito ay elemento ng
panghihikayat na tumatalakay sa
emosyon o damdamin ng mamababasa
o tagapakinig

a. Logos c. Pathos
b. Ethos d. Ethospathos
 ______4. Ito ay ang pagbibigay ng hindi
magandang puna o taguri sa isang
produkto o katunggaling politiko upang
tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa
mundo ng politika.

a. Name -Calling c. Transfer


b. Testimonial d. Plain folks
 ______5. Ito ay isa sa propaganda
devices na ginagamit kapag ang isang
sikat na personalidad ay tuwirang
nag-endorso ng isang tao o produkto.

a. Name –Calling c. Transfer b.


Testimonial d.Plain Folks
 ______6. Ito ay panghihikayat kung
saan hinihimok ang lahat na gamitin
ang isang produkto o sumali sa isang
pangkat dahil ang lahat ay sumali na

a. Name -Calling c. Transfer


b. Band wagon d. Plain Folks
 ______7. Ipinakikita nito ang lahat
ng magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit
ang hindi magandang katangian

a. Name -Calling c. Transfer b.


Bandwagon d. Card Stacking
 ______8. Karaniwan itong ginagamit sa
kampanya o komersiyal kung saan ang
mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas
na ordinaryong taong nanghihikayat sa
boto, produkto, o serbisyo.

a. Name -Calling c. Plain Folks


b. Bandwagon d. Card Stacking
 ______9. Ang paggamit ng isang sikat
na personalidad upang mailipat sa
isang produkto o tao ang kasikataan.

a. Name –Calling c. Transfer


b. Bandwagon d. Card Stacking
 ______10. Ito ay ang magaganda at
nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala
at pagpapahalaga ng mambabasa

a. Glittering Generalities c. Transfer


b. Bandwagon d. Card Stacking
KARAGDAGANG
GAWAIN
Tukuyin kung anong propaganda
device ang ginamit sa mga
sumusunod na commercial taglines at
KARAGDAGANG
GAWAIN
Maraming salamat
sa pakikinig !

You might also like