Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

Magandang Buhay

Klase!
Sabihin mo batay sa
emosyon!
Pumasa ako sa
pagsusulit kahapon.
Nagtatanong Masaya Nalilito
Nalulungkot
Gabi na nang maluto ni nanay ang sinigang
na may gabi. na nilahukan ng pang-asim na
galing sa puno ng sampalok kaya ito ay puno
ng asim. Ibinigay ito bandang hapon ng tita ko
na may asawang hapon. Ang ulam na ito ay
iniluto sa baga ng uling na gusting gusto ng
bunsong kapatid ko na may sakit sa baga.
gaBI Gabi

puNO PUno

haPON HApon

baGA BAga
Patinig
Patinig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na
may kasabay na tunog ng lalamunan o walang
antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng
salita.

A, E, I, O, U
Katinig
Ang Katinig ay isang paraan ng artikulasyon ng
tunog.
binubuo ng dalawampu't dalawang
b._c._d._._f._g._h._j._k._
l._m._n._ng._p._
q._r._s._t._v._w._x._y._z.)
A B A K A
Morpema
tumutukoy sa pinagsama-
samang tunog upang makabuo
ng salita. Ito ang pinakamaliit
na yunit ng salita.
Ang mga ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga
makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng
mga letra sa pagsulat.
Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong ponemiko o
transkripsyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
Sa pagbigkas ng salita nagpapahayag tayo ng mga impormasyon na
mas higit pa sa kahulugang sinasaad lamang ng isang salita gaya ng
mga makahulugang tunog na ponemang suprasegmental, salitang
hango sa Griyego kung saan ang unlaping “supra” ay
nangangahulugang “higit” o sa salitang Ingles ”above”.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
Diin - ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa isang salitang binibigkas.
Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago ng kahulugan nito.
• Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may
diin ang malaking titik.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
Haba – Tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng
nagsasalita sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/(life) ng tao.
2. Sila /LAmang/(only) ang /buHAY/(alive) sa naganap na
sakuna, masasabing /laMANG/(swerte) siya.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
Apat na Uri ng Diin
Malumay= Mabagal ngunit walang impit
Malumi= Mabagal ngunit may impit sa dulo.
Mabilis=Mabilis ang pagbigkas ngunit walang
Glutal stop.
Maragsa- Mabilis ang pagbigkas na may impit sa
dulo.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-
diin, karaniwang nababago ang kahulugan ng salita. Tulad nito:

(BAlah) /ba:lah/ - bullet Paalala: Ang ”h” at “(?)-Glutal stop ang


(baLA?)/bala?/ - threat mga sumusunod ay hindi tumutukoy sa
/TU:boh/ - pipe /maŋ:gaga:mot/
letra - doctor
at bantas bagkus ito ay simbolo na
/TU:bo?/ - sprout /maŋga:gamot/
nagpapakita at -paglalaan
to treat ng hangin sa
/tuBOh/ - sugar cane /kaibi:gan/ - friend
pagbigkas
/paso?/ - flower pot /ka:ibigan/ - lover
/pa:so?/ - burn
/pasoh/ - expired
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
Intonasyon - Tumutukoy ang intonasyon sa
pagtaas at pagbaba ng tinig na inuukol sa
pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o
pangungusap upang higit na maging mabisa ang
ating pakikipag- usap sa kapwa.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental
 Parang musika ang pagsasalita nang may tono.
 May bahaging mababa, katamtaman at mataas.
 Maaaring nagpapahayag ito ng iba’t ibang damdamin,
 Magbibigay kahulugan o makapagpahina ng usapan
ang pagbabago ng tono / tinig.
Ang mga uri ng ponemang suprasegmental

• Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais


ipabatid sa kausap tulad ng pag - awit.
• Sa pagsasalita ay may bilang 1- sa MABABA,
bilang 2- KATAMTAMAN, at bilang 3 -
MATAAS na tono.
Halimbawa:
Nag - aalinlangan Nagpapatibay

3 3
2 2
1
1

1 - MABABA 2 - KATAMTAMAN 3- MATAAS


Halimbawa:

Jopay, kamusta ka na?


Palagi kitang pinapanood, nakikita
Jopay, pasensiya ka na
Wala rin kasi, akong makausap at kasama
Halimbawa:
Magaling? Sila?
Magaling sila.
Ikaw ang may sala sa nangyari?
Ikaw ang may sala sa nangyari!
Mahal ka niya?
Mahal ka niya.
Hinto/Antala

 Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita.


 Maaaring huminto nang panandalian habang
sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa
katapusan na ng pangungusap ang paghinto.
Sa pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang
paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng
pangungusap.
Sa mga pangungusap sa baba, nilalagyan ng isang bar
(/) ang isang saglit na paghinto at ng dobleng bar (//)
ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang
kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa
pangungusap.
Sa maikling salita ang antala ay saglit na pagtigil
sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at
mabisa ang kaisipang ipinahahayag.
Halimbawa:

Tito Juan Anton ang pangalan niya//

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya//

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//

Tito/ Juan/ Anton ang pangalan niya//


Pagsasanay!
Panuto: Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares na salita na
pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas

1. /SA:ya/_________________/sa:YA/________________
2. /PI: to/ _________________/pi:TO__________________
3. /BA:gah/ ________________ /ba:GA?_______________
4. /BU:kas/_________________/bu:KAS:________________
5. magsaSAka_______________magsasaKA______________
6. kaWayan___________. ____kawaYAN________________
Pagsasanay!
Panuto: Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga
sumusunod na pahayag.

1. Atty./ Juan Manuel Miguel po ang pangalan ko.


2. Atty.Juan / Manuel Miguel po ang pangalan ko.
3. Atty.Juan Manuel / Miguel po ang pangalan ko.
4. Atty.Juan /Manuel / Miguel po ang pangalan ko.
Pagsasanay!
Panuto: Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga
sumusunod na pahayag.

1. Atty./ Juan Manuel Miguel po ang pangalan ko.


2. Atty.Juan / Manuel Miguel po ang pangalan ko.
3. Atty.Juan Manuel / Miguel po ang pangalan ko.
4. Atty.Juan /Manuel / Miguel po ang pangalan ko.
Gng. Daisy-Mae B.
1.tasa-tasa
2.Bukas-bukas
3.Pako-pako
4.Lobo-lobo
5.Sikat-sikat

You might also like