Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Physical

Education
IKATLONG MARKAHAN-WEEK 6-8
Sa aralin na ito ay matututunan natin kung paano
makisali at magsagawa ng mga larong relay at
unahan. Sa aralin din na ito ay kinakailangan natin
ng kasama habang inaaral at isinasagawa ang mga
aktibidad o gawain na nakahanda.
Pakikiisa sa mga Masasayang
Gawaing Pisikal
Nakapunta ka na ba sa isang handaan o
birthday party?
Mayroon bang palaro ang mga
handaang iyong napuntahan?

Nakilahok o sumali ka ba sa kanilang


mga palaro?
Maraming klase ng mga laro
ang isinasagawa sa isang
handaan o mga party, at isa
na ang paglalaro ng mga
relay at races.
Calamansi Race
Sack Race
Relay at Races
Ito ay halimbawa ng mga relay o races na madalas
na naisasagawa sa mga palaro. Ngunit sa
pagkakataong ito ay ibang klase ng relay at races
ang ating isasagawa. Ang relay o races ay isang
gawain na isinasagawa ng may mga kasama o
pangkat. Ito ay unahan na makatapos sa isang
gawain. Maaaring iba-iba o pare-pareho ang mga
gawain na isinasagawa.
Pagsanayang isagawa ang mga
sumusunod na gawain:
Pagpasa ng Bola – Maaaring ipasa ang bola
gamit ang dalawa o
parehong kamay. Kumuha ng pwersa mula
sa mga braso upang
maitulak ang bola papalayo sa iyong
katawan at papunta sa iyong
pagpapasahan. Siguraduhin na tantyahin
ang lakas na gagamitin
upang masiguro din ang layo na mararating
ng bolang ibabato.
Pagsanayang isagawa ang mga
sumusunod na gawain:
Pagsalo ng Bola – Gamit ang pareho o
dalawang kamay ay ibuka ang mga palad na
tila’y may tatanggapin na gamit. Tigasan o
lagyan ng lakas ang mga braso at palad
upang maging handa sa puwersa o lakas na
ibibigay ng pagbagsak ng bola. Gamitin
ang parehong palad sa pagsalo ng babagsak
na bola.
Pagtakbo ng may kasamang Bola – May dalawang uri ng pagkilos
na may kasamang bola. Ito ang mga sumusunod:

Pagdribol ng bola habang tumatakbo –


Gamit ang mga palad ng kanan o
kaliwang kamay ay itulak ang bola
papunta sa lapag nang paulit-ulit
habang tumatakbo o lumilipat mula sa
isang puwesto papunta sa isa pa.
Pagtakbo ng may kasamang Bola – May dalawang uri ng pagkilos
na may kasamang bola. Ito ang mga sumusunod:

Pagtakbo habang hawak ang bola –


Maaari din kumilos o tumakbo na
hawak lang ang bola. Gamit ang
dalawang kamay ay hawakan nang may
tibay ang bola upang hindi ito malaglag
sa paggalaw. Tumakbo na hawak ang
bola mula sa isang puwesto papunta sa
isa pa.
Tukuyin kung ano ang binibigyang deskripsyon ng bawat pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

Pagtakbo habang hawak ang


bola
________________ 1. Ito ay
isinasagawa gamit ang dalawang kamay sa
pamamagitan ng paghawak ng bola nang may tibay upang hindi ito
malaglag sa paggalaw. Tumakbo na hawak ang bola mula sa isang pwesto
papunta sa isa pa.

Pagpasa ng bola
________________ 2. Ito ay isang gawain na isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtulak ng bola gamit ang dalawang kamay papalayo sa
iyong katawan at papunta sa isang lugar.
Pagsalo ng bola
Pagdribol ng boia habang tumatakbo
Pagtakbo habang hawak ang bola
Pagpasa ng bola
Tukuyin kung ano ang binibigyang deskripsyon ng bawat pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

Pagsalo ng bola
________________ 3. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagbukas ng dalawang palad at paglalagay ng lakas at
puwersa sa’yong braso at palad upang masalo ang bola.

Pagsalo ng bola
Pagdribol ng boia habang tumatakbo
Pagtakbo habang hawak ang bola
Pagpasa ng bola
Punan ang patlang ng wastong salita. Isulat sa sagutang papel.

laro
Ang pagtakbo ay isang ______________ na madalas maisa
gawa sa maraming pagkakataon. Ang paglalaro nito ay
maihahalintulad rin natin sa ating ______________ .
buhay ay sinasabing ang buhay ay isang
Kadalasan
______________ . Ngunit kailangan karera
nating maintindihan na
mayroon tayong kanya-kanyang ______________ sa kung
bilis
paano natin matatapos ang ______________ nating karera.
sarili
HEALTH
IKATLONG MARKAHAN- WEEK 6-7
Positibo at Negatibong
Damdamin
Tingnan ang icon sa ibaba.

Aling emosyon ang gusto mo na maramdaman? Bakit?


Aling emosyon ang ayaw mo na maramdaman? Bakit?
Tayo ay nakararamdam ng iba’t ibang emosyon. Minsan tayo ay
masaya, minsan naman ay malungkot. Ang pagkaramdam nang lungkot
at saya ay normal sa isang batang tulad mo.

Ang emosyon na ating nararamdaman ay maaring positibo o negatibo.


Ang positibo at negatibong damdamin ay nakakaapekto sa ating
pisikal at emosyonal na kalusugan.
Positibong Damdamin Ang kasiyahan , pagkasorpresa ,
pagdiriwang, pagmamalaki, pagtitiwala at paghanga ay halimbawa ng
positibong damdamin. Ang positibong damdamin ay emosyon na
magaan sa pakiramdam. Ito ay nakakabuti sa ating pisikal at mental na
kalusugan. Ayon sa pag-aaral, ang taong may positibong damdamin ay
mas masaya, mas malusog at mas may kumpiyansa sa sarili.
Pagsasabi ng mga Mabuting Salita.

Ang pagbabahagi ng karanasan at


masayang damdamin ay ang
pinakamadaling paraan
ngnaipapahayag ang kasiyahan.
Pagguhit at iba’t ibang Likhang Sining.

Ang paglikha ng sining tulad ng


pagguhit, pagkulay, pagpinta, at iba
pa ay nagpapahaba sa kaligayahang
nararamdaman.
Paggawa ng Kabutihan.

Maaari ring maipakita ang


kasiyahan sa pamamagitan ng
paggawa ng mga mabuting gawain
sa iba. Ibahagi ang kasiyahan sa
pamamagitan ng paggawa at
pagbibigay ng card o liham at
paggawa ng mga gawain na
ikatutuwa ng iba.
Negatibong Damdamin
Naranasan mo na bang matalo sa laro?
Ano ang iyong naramdaman?
Ang pagkalungkot, galit at pagkabigo ay mga
halimbawa ng negatibong damdamin. Ang
negatibong damdamin ay di maganda sa
pakiramdam. Huwag mabahala! Ito ay normal
na ating
maramdaman.
Ang negatibong damdamin ay
mahalaga upang magkaroon ng
balanse ang ating emosyonal na
kalusugan. Ito ay dapat nating
mapagdaanan at maramdaman upang
tayo ay maging matatag sa pagharap
sa mga problema.

Ano ang nadarama ng mga batang ito?


Ano sa tingin ninyo ang sinasabi nila sa bawat isa?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon na ito, ano ang gagawin mo? Bakit?
Ano ang tamang pamamaraan ng pagpapahayag ng negatibong
damdamin?

Alamin ang damdamin. Dapat mong makilala kung ano ang


iyong nararamdaman at kung bakit mo ito nararamdaman.
Ipahayag ang damdamin sa tamang paraan. Turuang kontrolin ang
sarili lalo na kapag nagagalit.

Makipagusap at sabihin ang dahilan kung bakit ka nagagalit.


Iwasan ang pananakit at pakikipagsigawan. Huminga ng
malalim o isarado nang mahigpit ang iyong mga kamay
kapag ikaw ay nakakaramdam ng matinding galit o
emosyon.
Humingi ng tulong kung nahihirapan kang kontrolin ang iyong
damdamin. Huwag mahiya na magkuwento at humingi ng payo
kapag nahihirapan kang ipahayag nang wasto ang iyong
nararamdaman. Maari mong kausapin ang iyong mga magulang,
guro o sino mang nakakatanda na malapit sa iyo.

Normal lang na paminsan-minsan ay nakakaramdam tayo ng


negatibong damdamin. Dapat lamang na magkaroon tayo ng
positibong pagtanggap sa emosyon na ito.
Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong paghahayag ng
negatibong damdamin. Isulat ang M kapag mali.

M
___1. Sinigawan ni Alex ang kanyang bunsong kapatid dahil ginamit nito ang
kanyang laruan nang walang paalam. ________

T
___2. Humingi ng payo si Teresa sa kanyang nanay kung paano siya
makikipagbati sa kaibigan na nagalit sa kanya. ________

T
___3. Binati ni Ernie ang nanalong koponan sa kabila ng pagkatal
o nila sa basketball. ________
Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagpapakita ng wastong paghahayag ng
negatibong damdamin. Isulat ang M kapag mali.

M Hindi na pinansin ni Carlo ang kanyang kalaro dahil inaasar siya


___4.
nito. ________

T
___5. Kinausap ni Nicole ang kanyang ate para sabihin kung bakit siya
nainis sa kanya noong sila ay naglalaro. ________
Isulat ang PD kung ito ay nagpapakita ng wastong pagpapahayag ng positibong
damdamin at HP naman kapag hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

HP Pinagtawanan ni Marie ang mga kaklase niyang natalo niya sa


____1.
paligsahan.

PD Binigyan ni Jeffrey ng card ang kanyang mga magulang bilang


____2.
pasasalamat sa regalo nila noong kanyang kaarawan.

____3. Inirapan ni Joanna ang pinsan niyang bumati sa kanyang


HP
kaarawan.
Isulat ang PD kung ito ay nagpapakita ng wastong pagpapahayag ng positibong
damdamin at HP naman kapag hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

PD Nagkuwento si Miguel sa kanyang nanay ng tungkol sa


____4.
masayang pangyayari sa kanilang paaralan.

PD Ipininta ni Toni ang resort na kanilang pinuntahan upang ito ay


____5.
lagi nyang maalala.

You might also like