Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
IKATLONG MARKAHAN-IKAANIM
NA LINGGO
Pagpapakita ng Pagmamahal
sa
Kaayusan at Kalinisan
Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan kung
paano
maging masinop sa lahat ng bagay na ating
ginagamit sa loob at
labas ng ating bahay.
Ano sa palagay mo ang kanilang ginagawa?

Ginagawa mo din ba ang mga


gawaing ipinakikita sa mga
larawan?
Ang batang tumutulong upang maging malinis at
maayos ang ating pamayanan ay totoong pag-asa
ng ating bayan.
Ang bawat isa sa atin ay may mahalagang
reponsibilidad upang panatilihin ang kalinisan at
kaayusan sa ating pamayanan. At kahit na ikaw ay
bata pa, marami kang magagawa at maitutulong
upang makamit natin ang mga layuning ito.
Basahin at unawain ang diyalogo. Sabado ng umaga. Nagdidilig
ng halaman si Ryan sa kanilang bakuran nang dumating si Rodel
sa kanilang bahay.
Isang magandang pag-uugali ang pagtulong sa
paglilinis at
pag-aayos ng inyong bahay. Ang pagtulong kina
nanay at tatay sa mga gawaing bahay ay talagang
napakahalaga at seguradong ikasasaya nila. Ngunit,
huwag mo ring kalilimutan na ikaw ay mayroong
responsibilidad na tumulong sa paglilinis at
pagsasaayos ng inyong pook at pamayanan.
Mga programa sa ibaba na ipinatutupad sa inyong barangay o
lungsod.
Tree Planting
Drive

Free Medical
Check-up
Pagroronda ng mga Pagpapatupad ng
tanod tuwing gabi Curfew
Waste Management Feeding Program
Reduction
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng mga gawain na
makapagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan, at MALI kung hindi.
Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

TAMA
__________ 1. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan.

MALI
__________ 2. Hindi pagsunod sa mga babala sa kalsada.

MALI
__________ 3. Pagpuputol ng mga halaman sa paligid.

TAMA
_________ 4. Paglilinis ng bakuran araw-araw.

MALI
__________ 5. Pagkakalat sa kalsada.
Sa iyong ságútang papel, iguhit ang masayang ( ) mukha kung ang diyalogo sa
ibaba ay nagsasaad ng pagiging malinis at maayos sa kapaligiran. Malungkot ( 
) na mukha naman kung hindi.

____1. “Ana, pakitapon ang balat ng iyong kendi sa tamang basurahan.”

____2. “Inay, ikaw na ang magbalik ng mga laruan ko sa lalagyan!”

____3. “Halika, Gilbert, mag-drawing tayo sa pader!”

____4. “Hindi na ako lalabas ng bahay dahil oras na ng curfew.”

____5. “Tatay, pahiram po ng walis, magwawalis po ako sa labas.”


Iguhit ang hugis ng iyong kamay sa iyong sagutang papel. Sa loob ng
iginuhit mong kamay, isulat ang iyong pangako na ikaw ay tutulong sa
paglilinis at pag-aayos ng
inyong bahay at pamayanan.

You might also like