Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAGMAMAHAL

SA DIYOS
I. PANIMULANG KONSEPTO
 Minsan ba’y naitanong mo na sa iyong sarili kung paano ka magmahal?
Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapwa? Pamilyar ka ba sa
dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay ang: Ibigin mo ang Diyos nang
buong isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng
iyong sarili, Lucas 10:27. Ang magmahal ang pinakamahalagang utos.
Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit
napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang
kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya
maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?
 Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan ng
tao at ng Diyos na unang nagpahayag at nagpadama ng Kanyang
Dakilang Pag-ibig sa tao at mula sa pagmamahal nagbabahagi ang tao
ng kaniyang sarili sa iba dito masasalamin ang pagmamahal niya sa
Diyos dahil naibahagi niya ang kanyang buong pagkatao, yaman,at
talino.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nakagagawa ng angkop na kilos
upang mapaunlad ang pagmamahal
sa Diyos.
(EsP10PB-IIIb-9.4)
GAWAIN
PAGPAPALALIM
Ang pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos ay
isang magandang bagay dahil kung wala ang
Diyos, wala tayong anumang bagay. Ang
pagkakaroon ng kamalayan sa pag-ibig ng Diyos
para sa iyo ay maaaring gumawa ka ng isang mas
malakas, mas mahusay at mas may kumpiyansang
tao. Kaya subukang sundin ang mga hakbang na
ito upang maipakita sa Diyos na mahal mo siya.
PAGPAPALALIM
May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na
maranasan ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay,
ang mabuhay nang maligaya at maginhawa. Ngunit
kailangan na maging malinaw sa kaniya na hindi ang mga
bagay na materyal tulad ng gadgets, mamahaling kotse,
malaking bahay, at iba pa, ang makapagbibigay ng tunay na
kaligayahan at kaginhawahan, kundi, ang paghahanap sa
Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at
pagpapala.
PAGPAPALALIM

Kaya’t sa paglalakbay ng tao,


mahalagang malinaw sa kaniya ang
tamang pupuntahan. Ito ay walang
iba kundi ang Diyos – ang
pinakamabuti at pinakamahalaga sa
PAGPAPALALIM
 Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng
kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya ang kaniyang
pagiging kapwa. Sa oras na magawa ito ng tao,
masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos
dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao,
talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang
pasubali. Ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa
kaniyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng
kaniyang pag-iral sa mundong ito.
PAGPAPALALIM
MGA DAPAT GAWIN UPANG MAPANATILI ANG
UGNAYAN NG TAO SA DIYOS
1. Panalangin
2. Pagninilay
3. Pagsisimba
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos
5. Pagmamahal sa Kapwa
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad

You might also like