IIN sa patay burol libing pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
Isinasaad ng ilang matatanda na ang sinumang hindi
sumunod sa mga pamahiin sa patay ay makakaranas ng kamalasan sa buhay. Magpa-hanggang sa ngayon, isinasabuhay pa rin ng mga kababayan nating nakatira sa mga malalayong bundok at probinsya ang mga pamahiin.
Narito ang mga pamahiin sa patay, burol at libing na may
paliwanag na karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. Hindi masama ang maniwala sa mga ito, ngunit wala rin naman itong mga siyentipikong basehan. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing BURO L Pagkatapos ihanda ang patay at maihimlay sa kabaong, dadalhin siya sa burol. Tradisyonal na ginagawa ang burol sa bahay ng namatayan. Pero nitong mga nakaraang taon, tila nagiging mas madalas ang burol sa funeral home.
Ang burol ang paraan ng mga namatayan na magbigay
galang at pagkilala sa yumao nilang kaanak. Ito rin ang paraan para magkasama-sama ang pamilya sa pagluluksa at tumanggap ng pakikiramay mula sa ibang mga tao. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing Ayon sa pamahiin, may mga dapat at hindi dapat gawin sa burol, tulad ng: • Habang pinapasok ang kabaong sa loob ng lugar ng pagbuburulan, dapat huwag matamaan ang ano mang parte ng kuwarto. Baka raw may sumunod kaagad sa patay. • Hindi dapat magwalis ang sino man, para hindi rin mawalis palabas ang kaluluwa ng namatay. Kaya pulutin na lang daw ang mga kalat. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
• Iwasan ang mga pagkaing gumagapang (sitaw, kangkong)
para hindi gumapang ang malas papunta sa iyo at sumunod sa patay. • Bawal mapatakan ng luha ang salamin ng kabaong. Mahihirapan daw umakyat sa kabilang buhay ang patay. • Kailangan parating may bantay sa burol kahit magdamag. Kaya paglalamay din ang tawag sa pagpunta sa burol. May paniniwala kasi na hindi pa nakakaakyat sa kabilang buhay ang patay kaya dapat pa rin daw samahan. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
• Para sa makikiramay, iwasan ang pagsusuot ng makukulay na
damit, lalo na ang pula. Masyado raw masaya ang kulay pula para sa malungkot na okasyon. • Hindi nirerekomenda ng mga matatanda ang pagpunta ng buntis sa burol. Baka raw isama ang baby ng kaluluwa ng patay sa kabilang buhay. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
• Bawal maghatid ng bisita palabas ng burol. Hindi
raw iyon nalalayo sa paghahatid sa kabilang buhay. • Kapag galing sa burol, huwag didiretso sa bahay. Dapat munang magpagpag para hindi mauwi ang dalamhati mula sa lamay. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing LIBIN G Pagkatapos ng ilang araw na burol, hinahatid na ang patay sa kanyang paglalagakan na huling hantungan. Kumpara sa siyudad, mas maraming sinusunod na pamahiin sa patay sa mga barrio sa mga probinsya. Kabilang sa mga iyan ang: • Bawal magbuhat ng kabaong ang pamilya ng patay. Baka raw may sumunod kaagad sa sa patay. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
• Habang nilalabas ang kabaong, dapat hindi pa rin ito
makasagi ng ano mang parte ng kuwarto. Para rin daw maiwasan ang pagsunod sa hukay. • Kapag nailabas na ang kabaong para sa libing, bawal na ang mga kaanak na pumasok sa bahay o lugar ng burol. • Kailangang magbasag ng baso o palayok. Simbolo raw iyan ng pagbabasag ng malas para walang sumunod sa hukay. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
• Pagdating sa libingan, tinatawid isa-isa ang mga
batang kaanak sa ibabaw ng kabaong. Para raw hindi magkasakit ang mga bata o kaya dalawin ng patay. • Pagkatapos ng libing, kailangang maghugas ng kamay ang mga nakipaglibing bago sila pumasok sa kani- kanilang mga bahay. Pagi-iingat daw laban sa mauuwi na dalamhati mula sa libing. pAMAHIIN tungkol sa patay, burol at libing
Kahit nailibing na ang yumao, hindi pa natatapos ang
pamahiin sa patay. Nariyan ang pasiyam, o siyam na araw pagkaraan ng libing. Kailangan daw magpadasal.
May paniniwala kasi na hindi pa agad umaakyat sa
kabilang buhay ang kaluluwa ng patay. Mangyayari iyan sa petsa ng ika-40 days ng pagkamatay, kaya nagtitipon muli ang mga naiwanang kapamilya.