Filipino 5

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

FILIPINO- BAITANG 5

G. JOSHUA DIMAFELIX
Guro
Simuno at Panaguri
(MT2GA-le-f-2.5)

Ang Layunin:
1. Kilalanin ang simuno at panaguri
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Suriin ang mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Sagutin ang mga tanong.
1. Ang bata ay tumakbo.
2. Ang ibon ay lumipad.
3. Tumalon ang palaka.
4. Si Asmira ay mahilig sumayaw.
5. Mabait na anak si Omar.
Pagganyak
1. Sino ang tumatakbo? Ano ang ginagawa ng bata?
2. Ano ang lumipad? Ano ang ginawa ng ibon?
3. Ano ang tumalon? Ano ginawa ng palaka?
4. Sino ang mahilig sumayaw? Ano ang hilig gawin ni
Asmira?
5. Sino ang mabait na anak? Ano ang ugali ni Omar?
Pagtatalakay
 Ang simuno at panaguri ay ang mga
bahagi ng isang pangungusap.

Simuno
 Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino
ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang paksa ng
pangungusap. Nakikita ito sa pamama- gitan ng panandang
si/sina para sa tao at ang/ang mga para sa bagay. Maaari din
itong maging panghalip. Maaari ka ding gumamit ng pangalan
ng isang tao.
Pagtatalakay
 Halimbawa:
1. Ang mga paru-paro ay makukulay.
Ano ang makukulay?

2. Si Abdul ay naghuhugas ng pinggan.


Sino ang naghuhugas ng pinggan?

3. Nagtatanim ng mais sina Matyas at Lotlot.


Sinu-sino ang mga nagtatanim ng palay?
Pagtatalakay
Panaguri
 Ang panaguri ay naglalarawan o nagsasaad ng
ginagawa ng simuno o paksa ng pangungusap. Ito ay
maaaring nasa unahan o hulihan ng pangungusap.
 Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang panaguri. Kapag ito
ay sumusunod sa simuno at matatag- puan sa hulihan ng
pangungusap,
pinangungunahan ito ng panandang
ay.
Pagtatalakay
 Halimbawa:
1. Ang mga paru-paro ay makukulay.
Ano ang sinasabi tungkol sa mga paru-paro?

2. Si Abdul ay naghuhugas ng pinggan.


Ano ang ginagawa ni Abdul?

3. Nagtatanim ng palay sina Matyas at Lotlot.


Ano ang ginagawa nina Matyas at Lotlot?
Pagtatalakay
 Laging isaisip na ang pangungusap ay binubuo ng
simuno at panaguri.
 Hindi magiging pangungusap kapag walang panaguri at hind
rin mabubuo kapag walang simuno.
Paglalapat
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pagmas- dan ang mga
salitang may salungguhit at tukuyin kung ito ay tumutukoy sa simuno
o panaguri.

_____________ 1. Si Rania ay masipag na bata.


_____________ 2. Ang araw ay sumisikat sa silangan.
_____________ 3. Si nanay ay naglalaba ng maruruming
sapatos.
_____________ 4. Naglalaro ng saranggola sina Farhan at
Anwar.
_____________ 5. Si Rayanson ay naglakad pauwi sa
kanilang bahay.
Paglalahat
 Ang simuno at panaguri ay ang mga bahagi ng isang
pangungusap.
 Ang simuno ang siyang nagsasabi kung ano o sino
ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang paksa ng
pangungusap.
 Ang panaguri ay naglalarawan o nagsasaad ng
ginagawa ng simuno o paksa ng pangungusap. Ito ay
maaaring nasa unahan o hulihan ng pangungusap.
Pagtataya
Tukuyin ang mga salitang may salungguhit kung ito
ay simuno o panaguri.
____________ 1. Ang aso ay malaki.
____________ 2. Ang pisara ay kulay berde.
____________ 3. Ang tatay ko ay tsuper ng taxi.
____________ 4. Ang araw ay lumulubog sa kanluran.
____________ 5. Si Manny ay matalik kong kaibigan.
Pagtataya
____________ 6. Siya ay masunuring bata.

____________ 7. Bumili ng limang kilong isda si Aling


Nena.
____________ 8. Ang amoy ng bulaklak ay
mahalimuyak.
____________ 9. Nakakagalak pagmasdan ang mga
bata.
____________ 10. Mababait na mag-aaral sina Maryam
at Rasol.
Takdang-Aralin
Gumawa ng limang pangungusap na may
simuno at panaguri. (2 puntos bawat bilang)
1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
4. ___________________________________________________
5. ___________________________________________________

You might also like