Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 56

Komunikasyon at pananaliksik

 Henry Gleason
Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
 Bernales
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-
berbal.
 Dr. Hemphil
Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na
sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian na ng
isang pangkat ng mga taoat sa pamamagitan nito’y
nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao
 Sapiro
Ang wika ay likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na
kaparaanan na lumikha ng tunog.
Opisyal na wika

Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa


pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng
pamahalaan.
Opisyal na wika

 Gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang


opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa
mga banyagang nasa Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa
daigdig
Iba pang Kaalaman Tungkol sa Wika

Tagalog
 katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Pilipino
 unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
Filipino
 kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at
isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
KASAYSAYAN NG PAGKAKABUO NG PAMBANSANG WIKA

 Marso 24, 1934 – pinagtibay ni Pangulong


Franklin D. Roosevelt ng EstadosUnidos ang Batas
Tydings-McDuffie na nagtatadhanang
pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos
ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt.
 Nobyembre 13, 1936 – pinagtibay ng Kongreso
ang Batas Komonwelt Blg. 184,na nagtatag sa
unang Surian ng Wikang Pambansa
Disyembre 30, 1937
Nilagdaan ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda na Tagalog
ang siyang gagamitin saligan ng wikang Pambansa.
 Abril 1, 1940 – inilabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263. Ipinag-uutos nito
ang:
1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa.
2. Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19,
1940 sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong
kapuluan.
 Hunyo 4, 1946
ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg.
570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika
 Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang
wika.
 Ay malawakang gamit ng wikang Ingles at Filipino
sa pagpapahayag .
 Multilingguwalismo ang kalagayan kung higit sa
dalawang wika ang pinapairral sa isang bansa
bilang wikang opisyal at panturo.
 Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa
Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at
may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
 Homogenous ang sitwasyong pangwika sa isang
bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng
mga mamamayan dito.
VARASYON NG WIKA

DIMENSYONG HEOGRAPIKAL
 Barayti ng wika na nagbubunsod sa pagkakaroon ng lingguwistikong dialekto.
DIMENSYONG SOSYAL
 Barayti ng wika na nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga register/ Jargon/sosyal na barayti.
DIMENSYONG OKUPASYONAL
 Ang sosyolek ay maari ding may okupasyunal na rehistro.
Varayti ng Wika ayon sa dimensyong
heograpiko
DAYALEK
 Tumutukoy sa heograpiya o lokasyon
SOSYOLEK
 Tumutukoy sa lipunan o kuminidad
IDYOLEK
 Tumutukoy sa paraan o estilo ng pagsasalita ng tao
Kaantasan ng mga wika

 Formal (pormal) – ito’y mga salitang istandard


dahil ito’y kinikilala ,tinatanggap, ginagamit ng
karamihang nakapag-aral sa wika.
 Di-formal o imformal- mga salitang karaniwan at
palasak na ginagamit sa mga pang- araw araw na
pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga
kakilala at kaibigan.
Uri ng formal ng mga salita:

 Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at


babasahing sumisirkula sa buong kapuluan at lahat ng
paaralan.
 Pampanitikan- mga salitang matatayog ,
malalalim ,mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang
uri .Ito ang ginagamit ng mga dalubwika at mga
manunulat.
Uri ng di-formal

 lalawiganin- mga salitang saklaw lamang ng pook na


pinaggagamitan nito. Ito’y kakaibang bigkas at tono.
 balbal-mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang.Ito’y hindi
tinatanggap ng mga magulang o matatandang tao dahil ito’y
naririnig sa kanto o sa lansangan. Tanggap ito ng estudyante,teenage
lingo kung tawagin at swarspeak o gay talk.
 kolokyal(colloquial)- ito’y mga pang araw-araw na mga salita
ngunit may kagaspangan at pakabulgar bagamat may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
HALIMBAWA

Hal: Formal Imformal


Pambansa Pampanitikan lalawiganin
Kapatid kapusod tugang (Bikol)
Malaki ga-higante dako (Bisaya)
Balbal Kolokyal
Utol ‘tol
Dako dako
Kasaysayan ng Alpabeto:

Baybayin
 ito ang kinikilalang albpabeto bago dumating ang mga Kastila.
Isang uri ng ng palabaybayang hatid ng mga Malayo at
Polinesyo.Ito’y pinaniniwalaang impluwensya palatitikang
Sanskristo na lumalaganap sa India at sa iba pang mga lugar sa
Europa at sa Asya. 17 na titik – 3 patinig at 14 na katinig. Walang e
at o
Abecedario
 pagdating ng Kastila, iniba nila lahat ng ating sistemasa
patipagsulat.Tinuruan nila tayong sumulat ng palatitik ng Romano
upang mapalaganap ang Doctrina Christiana.
 17- katutubong tunog sa Alibata + E at O + C F LL Q V R Z CH J R
N RR X
 Pagtutumbas: C- K S CH- TS S F-P J- H S
 Ll- ly y N- Ny Q- k RR-r v-b x –ks z-s
ABAKADA
 a ba ka da e ga ha i la ma na ng o p ra sa ta u wa ya
Alpabetong Ingles
Alpabetong Filipino
KOMINIKASYON

 Ang Kominikasyon o pakikipagtalastasan ang pundasyon ng personal na relasyon


ng isang tao sa kanyang kapwa.
 Ito ay isang proseso ng paglikha at pagbabahagi ng mga impormasyon at mga
kaalaman ng isang tao sa paraang pormal o impormal .
 Ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang
paraan .
 Isang pakikipag-ugnayan , pakikipag palagayan o pakikipag-unawaan.
Uri ng komunikasyon

Verbal na komunikasyon
 Pakikipagtalastasang kinasasangkutan ng paggamit ng
wika sapagkat ito ay kinabibilangan ng pagpapalitan at
pakikipag-usap sa pamamagitan ng pasalitang
pagpapahayag.
Uri ng komunikasyon

Di-verbal na komunikasyon
 Mga pahayag na ipinahihiwatig ng mga ki;os o aksyon ng
katawan o sagisag at mga katangiang pantinig na kasama
sa pagbibigay ng mensahe,
 Ito ay hindi sinasalita o isinusulat sapagkat naipapahiwatig
na nito ang kalagayang panloob o emosyon ng taong
nakikipag-usap sa kilos pa lamang,
Mga Uri ng Komunikasyong Di-verbal

 1. Ekspresyon ng mukha
 2. Galaw ng mata
 3. Kinesiks/galaw ng katawan/tindig
 4. Personal na kaanyuan
 5. Damit
 6. Hawak
 7. Proksemiks
 8. Paralanguage/mga varyasyon ng boses
 9. Amoy at lasa
 10. Oras
 11. Musika
Mga Uri ng Komunikasyong Di-verbal

1. Ekspresyon ng mukha
 • Madalas sa mukha ang tinitignan kapag gustong
malaman ang sinseridad ng taong kausap natin.
Mga Uri ng Komunikasyong Di-verbal

2. Galaw ng mata
 • May mga galaw ang mga mata na nagpapakita ng kundisyon, reaksyon at saloobin ng tao.
 1. Nagbibigay-impormasyon
 2. Nagrereguleyt ng mga interaksyon
 3. Nagdodomina o nagkokontrol
 4. Nagpapahayag ng pagpapalagayang-loob o matalik na pag-uugnayan (intimasi)
 5. Nagpapagaan/nagpafasiliteyt ng inaasahang layunin o aksyon.
Mga Uri ng Komunikasyong Di-verbal

3. Kinesiks/galaw ng katawan/tindig
 • Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga galaw o kilos ng katawan.
 4. Personal na Anyo
 • Kasama rito ang hugis ng katawan, kulay ng balat, ayos ng buhok,
pag-aayos ng mukha at iba pa.
 5. Damit
 • Makikita sa damit ang kanyang hilig, edad, personalidad, at
maging ang mga pag-uugali.
Mga Uri ng Komunikasyong Di-verbal

6. Hawak
 • Ang paghawak ay isang paraan din ng pakikipagkomunikasyon.
7. Proksemiks
 • Maaari rin tayong magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng distansya o agwat ng layo
o lapit sa ating kapwa.
 8. Paralanguage/mga Varyasyon sa Boses
 • Ang boses, ang tono nito, ang pagbigkas o punto ay mapagkukunan din ng mensahe.
 9. Amoy at Lasa
 • Ang ating naaamoy at nalalasahan ay naghahatid din ng mensahe.
Mga Uri ng Komunikasyong Di-verbal

10.Oras
 • Lubhang mahalaga ang oras sa komunikasyong di-verbal.madalas
nating naririnig na ang oras ay ginto
11. Musika
 • Sa uri ng musika na kina kahihiligan ng isang tao ay malalaman
ang uri ng personalidad, at maging ang edad ng nakikinig.
Modelo ng Komunikasyon

Ano ba itong Modelo ng Komunikasyon?


 Ang modelo ng komunikasyon ay ang mga dayagram o representasyon na naglalahad sa
iba't-ibang teorya hinggil sa pag-aaral ng komunikasyon.
 Inilalahad ng mga ito ang komunikasyon sa isang biswal na paraan o paglalarawan.
 Ginagamit ang mga ito upang higit na maipaliwanag at mabigyang linaw ang mga
elemento at proseso ng komunikasyon.
Mga sangkap o elemento at proseso ng
komunikasyon
1. Tagahatid/enkoder
 • Ang nagpapadala ng mensahe o pinagmulan ng komunikasyon.
2. Mensahe
 • Ang inihahatid
3. Mga tsanel
 • Ang mga paraang ginagamit sa paghatid ng mensahe.
 4. Tagatanggap/dekoder
 • Ang tumatanggap at nagbibigay interpretasyon sa mensahe.
 
Mga sangkap o elemento at proseso ng
komunikasyon
5. Ganting mensahe
 • Ang sagot ng tumanggap ng mensahe.
6. Mga hadlang
 • Ang mga posibleng balakid sa patuluyang proseso ng komunikasyon.
7. Sitwasyon o Konteksto
 • Ang sitwasyong kasangkot sa nagaganap na komunikasyon.
 8. Sistema
 • Ang relasyon o ugnayan ng nag- uusap.
Mga modelo ng komunikasyon

Modelong Linyar
 Ang nagsasalita ay naghahatid ng mensahe habang tinatanggap naman ito sa kabilang linya
ng kanyang tagapakinig,
 Ang tagapagsalita ang lilikha ng mensahe at babalangkas nito sa kongkreto at malinaw na
paraan upang maunawaan ng tagapakinig ang inilalahad o nais iparating.
Orador o ispiker- tagapagsalita
Argumento/Talumpati- Mensahe
Tagapakinig - awdyens
Mga modelo ng komunikasyon

Tagapagsalita mensahe

Tagapakinig
Mga modelo ng komunikasyon

Modelong Transaksyunal
 Ang tagapaghatid at tagatanggap ay parehong naghahatid
ng mensahe at nagpapalitan lamang ng papel na
ginagampanan sa proseso ng gawaing ito.
 May mga pagkakataong ang tagatanggap ay nagiging
tagahatid at ang tagahatid ang nagiging tagatanggap.
Mga modelo ng komunikasyon

tagahatid

mensahe

tagatanggap
lebel ng komunikasyon

 Ang lebel ng komunikasyon ay kilala rin bilang


“LAWAK NG KOMUNIKASYON”. Ito ay
tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa
proseso ng komunikasyon o lawak na sakop ng
komunikasyon. Ilan sa mga uri nito ay:
Lebel ng Komunikasyon

 1. Intrapersonal
 2. Interpersonal
 3. Maliit na grupo
 4. Publiko
 5. Organisasyunal
 6. Komunikasyong pangmadla
Lebel ng Komunikasyon

Intrapersonal
• Ang paghahatid at pagtanggap ng mga mensahe sa kontekstong ito
ay nagaganap sa isang indibidwal lamang.
• kilala rin bilang komunikasyong pansarili. 
 Interpersonal
• Karaniwang, ito lamang ang ipinapapalagay na
pakikipagkomunikasyon kung saan ang pagpapalitan ng mensahe ay
nagaganap sa dalawang kalahok (ang tagahatid at tagatanggap)
Lebel ng Komunikasyon

Maliit na Grupo
• Ang interaksyon dito ay ginagawa ng tatloo higit pang
kalahok.
Pampubliko
• Sa kabuuan, ang ang komunikasyon sa kontekstong ito
ay kontrolado lamang sa taggapagsalita.
Lebel ng Komunikasyon

Organisasyunal
• Sa loob ng organisasyon, ang lahat ng kontekstong ito ay gumaganap.
Komunikasyonng pangmadla
• Malaki ang ipekto nit sa modernong lipunan. Binubuo ito ng radyo, telebesyon dyaryo o
pahayagan, mga teksbuk, pelikula atbp.
Tungkulin ng Wika

 Tungkulin ng Wika
 1. Instrumental
 2. Regulatori
 3. Representasyunal/Informativ
 4. Interaksyunal
 5. Personal
 6. Heyuristic
 7. Imaginativ
Tungkulin ng Wika

1. Instrumental

  Ito ang tungkuling magnipula ng kapaligiran upang maganap ang


mga dapat mangyari.
 Hal.
 • Sa susunod na linggo ang eksaminasyon
 • Ikaw na ang kumuha ng kahon
 • Ikaw ay nagkasala sa mata ng Diyos at sa mga mata ng tao.
Tungkulin ng Wika

2. Regulatori

 • Ito ang tungkulin ng wika na pumipigil o kumukontrol sa mga


pangyayari kaugnay ng dapat asalin o ikilos sa tiyak na sitwasyon.
Hal.
 • Itaas lamang ang kamay kung gusto ninyong sumagot.
 • Iwasang tumingin sa papel ng katabi.
Tungkulin ng Wika

3. Representasyon/Informativ

 • Ang tunguhin na naghahatid ng mga katotohanan at kaalaman,


nagpapaliwanag o nagrereport ayon sa nakikitang mga kaganapan.
Hal.
 • Ang MSU-Iligan Institute of Technology ay matatagpuan sa
Mindanao.
 • Pinagkalooban ni Pang. GMA ng pardon si dating Pang. Estarda.
Tungkulin ng Wika

 4. Interaksyunal
 • Ginagamit dito ang wika sa pakikisalamuha sa kapwa upang
mabuo ang panlipunang ugnayan sa pagitan ng bawat tao.
Matagumpay na Komunikasyong Interaksyunal:
 • paggamit ng rejister
 • mga biro
 • kaalamang kultural
 • pormularyong panlipunan, • etc
Tungkulin ng Wika

5. Personal
 • Sa tungkuling ito ng wika ay naipapahayag ng
indibidwal o ng ispeker ang kanyang
nararamdaman, emosyon, personalidad o ang
kanyang indibidwalidad.
Tungkulin ng Wika

6. Heyuristik

 • Ang tungkuling ito ay karaniwang ginagamit sa


pamamagitan ng pagtatanong upang mahikayat ang
indibidwal na matuto ayon sa kanyang karansan o
karanasan ng iba at matuklasan ang kasagutan sa tanong.
 • Ginagamit dito ang mga tanong na,  Bakit  Paano
Tungkulin ng Wika

7. Imaginativ
 • Ito ang mga paglikha ng sistema o ideyang likhang-isip lamang.
Ginagamit sa pagkukwento
 • diwata
 • pagbibiro
 • pagsulat ng tula
 • maikling kwento
 • nobela

You might also like