Elemento NG Maikling Kwento

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Sangkap o Elemento

May mga bahagi at sangkap o elemento ang


maikling kwento. Ito ay,

1. Simula
2. Gitna
3. Katapusan
Simula
Tatlong mahahalagang sangkap o elemento ng
simula.

• Tauhan
• Tagpuan
• Sulyap sa Suliranin
Tauhan

Ito ay tumutukoy sa mga panauhin


sa kwento. Sila ang ipinakikilala
ayon sa kaanyuan o papel na
gagampanan nila.

Halimbawa: Bida at Kontrabida


Tagpuan
Nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksyon o
insidente, gayundin ng panahon
kung kalian naganap ang kuwento.

Halimbawa: kung tag-init, tag-


ulan, oras at lugar.
Sulyap sa suliranin

Ito ang magpapahiwatig sa


magiging problemang
kakaharapin ng pangunahing
tauhan o ng tanging tauhan.
Gitna
Tatlong mahahalagang sangkap o elemento ng
gitna.

• Saglit na Kasiglahan
• Tunggalian
• Kasukdulan
Saglit na Kasiglahan

Nagpapakita ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot
sa problema.
Tunggalian
May apat na uri ang tunggalian:
1. Tao vs Tao
2. Tao vs sarili
3. tao vs lipunan
4. Tao vs kapaligiran o kalikasan

Ang tunggalian nang nagpapakita ng labanan o


pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad na
maaaring ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa
kapwa, sa kalikasan.
Kasukdulan
Makakamtan ng pangunahing tauhang ang
katuparan o kasawian ng kaniyang
ipinaglalaban.
Ito ang pinakamadulang bahagi ng kwento
kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
Wakas

Sa wakas naman matatagpuan ang:

• kakalasan
• Kinatapusang sangkap
kakalasan

Sa kakalasan mababatid ang kamalian o kawastuhan


ng mga di-inaasahang naganap na pagbubuhol na
dapat kalagin.
Ito ang tulay sa wakas at ito ang sumusunod sa
kasukdulan. Ito ang kinalabasan ng paglalaban.
Kinatapusang Sangkap
ito ang resolusyon o ang kahihitnan ng kwento. Mababatid sa
katapusan ang magiging resolusyon ng kwento at ito ay
maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapabalo ng
pangunahing tauhan.
May ibang mga kwento ang hindi na winawakasan at wala ang
dalawang huling sangkap nito. Iniiwan na lamang itong bitin sa
kasukdulan at hinahayaan na lamang ang mambabasang
humatol o magpasya sa dapat na kahinatnan nito.
Paksang Diwa/Kaisipan

Ito ay ang pinakakaluluwa


ng kwento at mensaheng
inilalahad ng maikling
kwento
Tagapag-ulat:

• Mary Ann mabon


• Melanie doinog
• Valen Angel Bolasa

You might also like