Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

FILIPINO SA PILING

LARANGAN
(AKADEMIK)
Deskripsyon ng Kurso
Pagsulat ng ibat ibang anyo ng sulating lilinang sa
mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa,
mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.
Kahulugan ng Pagsulat
• Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o
mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
(Sauco, et al., 1998). 
Kahulugan ng Pagsulat
•  Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at
kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na
makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa
at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may
mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang
makapagpahayag.
Ang pagsulat ay isang pisikal at mental akbiti.
Ano-ano ang dahilan kung bakit ka
nagsusulat?
Matugunan ang pangangailangan sa
pag-aaral.
Bahagi ng pagtugon sa bokasyon o
trabahong ginagampanan sa lipunan.
LIMANG MAKRONG KASANAYAN
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga
kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita
ay mahilig sumulat para mailabas lamang
ang nasa kalooban may babasa man o
wala.  
b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang
katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo
sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang
magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo
masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama,
isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa
pamamagitan ng pagsulat.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para
siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng
ating kasaysayang pambansa at ang mga
naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa
mga sumusunod na henerasyon.

You might also like