Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Wastong Gamit

ng mga Salita sa
Pagsulat ng Sanaysay
ng
at
nang
1. Ginagamit ang “ng” sa mga 
pangngalan.

Mga Halimbawa:
■ Pumunta ng paaralan ang guro.
■ Kinuha ng bombero ang balde sa
kusina.
2. Ginagamit ang “ng” kapag ang
sinusundang salita ay pang-uri.

Mga Halimbawa:
■ Bumili ng magandang damit ang tatay
para ibigay kay nanay.
■ Kinuha ng masunuring bata ang basura at
iniligay sa nararapat nitong kalagyan.
3. Ginagamit ang “ng” kasunod ng mga
pang-uring pamilang.

Mga Halimbawa:
■ Bumili si Rex ng apat na tinapay para sa
anak niya.
■ Naglabas ang nanay ng walong basong
tubig para sa mga bata.
1. Ginagamit ang “nang” sa gitna ng mga
pandiwang inuulit

Mga halimbawa:
■ Takbo nang takbo ang bata sa parke sa
sobrang ligayang naramdaman niya.
■ Madalas nauubusan ng pera si Demetrio
sapagkat siya ay yung tipong bigay nang
bigay sa ibang tao.
2. Ginagamit ang “nang” pampalit sa “na at
ang”, “na at ng”, at “na at na” sa
pangungusap.

Mga Halimbawa:
■ Sobra nang pagkamasungit ni Alysa. (Sobra na
ang pagkamasungit ni Alysa.)
■ Hayaan mo nang kunin niya yung mga gamit
niya. (Hayaan mo na na kunin niya yung mga
gamit niya.”
3. Ginagamit ang “nang” para magsaad ng
dahilan o kilos ng galaw. (pang-abay)

Mga Halimbawa:
■ Nag-aral nang tahimik ang magkapatid.
■ Umalis ka nang maaga upang iyong
maabutan ang tatay mo sa bahay.
■ Tumagal nang isang oras ang operasyon.
4. Ginagamit ang “nang” bilang
panghalili sa salitang “noon”

Mga Halimbawa:
■ Nang isilang ka sa mundong ito.
■ Gabi nang matapos maglaba si Inay.
5. Ginagamit ang “nang” bilang panghalili
sa salitang “para” o “upang”

Mga Halimbawa:
■ Kumain ng gulay nang hindi tumamlay.
■ Kinailangang bitayin si Rizal nang matakot
ang mga Pilipino.
Alomorp
ng
Morpema
Ang morpema ay ang
pinakamaliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan. Bawat
salita sa isang wika ay binubuo ng
mga pantig na pinagsama-sama.
Subalit hindi lahat ng pinagsama-
samang mga pantig ay makabubuo ng
isang salita. 
Pam
Pan
Pang
Pam-
Nagiging pam- ito kung ang
katabing tunog ay nagsisimula sa b
at p.
pang + bata = pambata
pang + bansa = pambansa
pang + bato = pambato
pang + pista = pampista
pang + palakas = pampalakas
pang + panitikan = pampanitikan
Pan-
Nagiging pan- ito kung ang
katabing tunog ay nagsisimula sa
d, l, r, s at t.
pang + dama = pandama
pang + lasa = panlasa
pang + relo = panrelo
pang + sabong = pansabong
pang + tulog = pantulog
Pang-
Nananatili ang pang- kung ang
katabing tunog ay nagsisimula sa
k, g, h, m, n, ng, w, y at mga
patinig.
pang + kahoy = pangkahoy
pang + gamit = panggamit
pang + yelo = pangyelo
pang + nayon = pangnayon
pang + walis = pangwalis
pang + mayaman = pangmayaman
pang + ulo = pang-ulo
pang + anay = pang-anay
pang + alis = pang-alis
pang + igib = pang-igib
pang + apoy = pang-apoy
pang + unawa = pang-unawa
Wastong Paggamit
ng “d” at “r”
Papalitan lamang ng R ang
D kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa a, e, i, o, u at
malapatinig na w at y.
Halimbawa
■ Siya rin ba ang magtuturo sa atin?
■ May gusto raw si John kay Ana.
■ Maraming makokolektang kabibe rito.
Kung hindi nagtatapos sa
patinig at malapatinig na w at
y ang sinundang salita,
mananatili ang paggamit ng d.
Halimbawa
■ Nagising din nang maaga si Juan.
■ Malaking ahas daw ang nakita sa gubat.
■ Maraming uri ng ibon dito.
Bawal
Magtapon ng
Basura Dito!
Kapag nagtatapos sa ra, re ri, ro
ru, raw, ray at mga pantig na
may tonog ng r,
D ang gagamitin sa halip na R.
Halimbawa
■ Pari din pala ang kanyang anak.
■ Namalengke si Marie doon sa kabilang
bayan
■ Ilang araw daw hindi pumasok si Ben sa
trabaho.
ma + dumi = marumi
ma + dupok = marupok
ma + dugtong = marugtong
ma + dalita = maralita
ma + dahil = marahil
nakakabahala – nakababahala
kakatapos – katatapos
nalang – na lang
Karen - ka rin - pa ‘ko
na uso - nauso
Maraming Salamat sa
Pakikinig!!!

You might also like