Paghahanda at Ebalwasyon NG Kagamitang Panturo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

FIL 321

Paghahanda at Ebalwasyon ng
Kagamitang Panturo
METALANGUAGE
Paggamit ng mga terminolohiya sa
paglalarawan ng isang partikular na wika.
Essential Knowledge
Tumutukoy sa mahahalagang kaalaman ng
isang guro para sa epektibong pagtuturo.
ANG EPEKTIBONG GURO AT
MALIKHAING PAGTUTURO

Richards (1992) ang epektibong guro


ay malikhain. Ang kanyang klase ay masigla,
kawili-wili at laging may bagong gawain.
Hendricks (1998) nasusukat ang
pagiging epektibo ng isang guro sa gawaing
kaasalan at saloobin ng kanyang mag-aaral.
ANG GURO
Sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 na
isinalin ni Villafuerte (2008), may labindalawang
katangiang dapat taglayin ng isang guro:

Walang itinatangi
May positibong pag-uugali
May kahandaan
May haplos-personal
Masayahin
Malikhain
Marunong tumanggap ng pagkakamali
Mapagpatawad
May respeto
May mataas na ekspektasyon
Mapagmahal
Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
KATANGIANG DAPAT IWASAN NG ISANG GURO
AYON KAY MANALO (2002) SA KANYANG
ARTIKULONG TERRORISM IN THE CLASSROOM

Pang-aabuso sa kapangyarihan
Boring at hindi masining
Berbal at di-berbal na pang-aabuso
Negatibong persepsyon at hindi
makatwirang pag-iisip (Prejudice)
Paglikha ng takot sa asignatura.
ANG DISENYO NG
MALIKHAING PAGTUTURO
Hindi nangangahulugang may mahigpit at
permanenteng balangkas
Nagtataglay ng kamalayan sa isang
prosesong may interaksyon.
HANGUANG YUNIT
Balangkas ng mga inayos na paksa ayon sa
pagkasunod-sunod para sa isang buwan o kaya ay
isang markahan.

Nakatala ang mga layuning inangkupan ng mga


teknik at estratehiya at mga kagamitang gagamitin sa
pag-abot ng mga layunin ng pagtuturo.
ANG MGA LAYUNIN NG
PAGTUTURO
Turuang mag-isip ang mga mag-aaral.
Turuang matuto ang mag-aaral.
Turuang gumawa ang mga mag-aaral.
MAHAHALAGANG HAKBANG
SA PAGTUTURO
Pagpokus- pagpokus sa kahulugan ng mga
konsepto at hindi bilang impormasyon lamang.
Pagtuklas- Isangkot ang mga mag-aaral sa
pagtuklas.
Pagtugon- patnubayan at pasiglahin ang mga
mag-aaral upang tumugon.
APAT NA KASANGKAPAN
SA PROSESO NG
PAGTUTURO
Hook (Pagganyak) – mga gawaing nakakapukaw ng interes at
atensyon ng mga mag-aaral.
Book (Aralin) – mga binalangkas na mga aralin na maghahatid
ng mga impormasyon mapapakinabangan ng mga mag-aaral.
Look (Kabatiran) - mga gawaing magpapakilos sa mga mag-
aaral upang matukoy at makilala ang mga konsepto.
Took (Pagtugon) – personal na teknik ng guro upang
mapatnubayan ang mga mag-aaral.
(HOOK) PAGGANYAK
Ito ang panimula
Naghahandog ng kawilihan sa mga mag-aaral.
2 URI NG PAGGANYAK
Intrinsik- panloob at pansariling hangarin
Ekstrinsik- pagganyak na nagmumula sa
kapaligirang panlabas ng mag-aaral.
PANGKALAHATANG
PANUNTUNAN SA
PAGGANYAK
Nagbigay sina Vega at Prieto (2006) ng limang pangunahing
panuntunan sa pagganyak.
1. Ang kapaligiran ay magagamit upang maituon ang
atensyon ng mga mag-aaral sa mga bagay na dapat na
matutunan.
2. Ang mga pampasigla ay nakagaganyak nang mabisa at
aktibong pagkatuto.
3. Ang intrinsik na pagganyak ay pangmatagalan na nararapat
na paulit-ulit na pagyamanin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng puri at kongkretong gantimpala.
4. Ang pagkatuto ay lalong epektibo kung ang
indibidwal ay handa nang matuto at kung may
hangaring matuto.
5. Ang pagganyak ay mapalalalim sa pamamagitan
ng maayos na pag-organisa ng mga kagamitang
panturo.
(BOOK) AKLAT-ARALIN
ito ang paglalahad ng mga aralin.
Ibinibigay ng guro ang paksang pag-
aaralan.
(LOOK) KABATIRAN
Ito ang pinakapuso ng pagtuturo. Dito nahahamon ang
tunay na pagkamalikhain ng guro.
(TOOK) PAGTUGON
Ang pagtugon ay sariling pagpapasiya ng mga mag-
aaral. Hindi maaaring ang guro ang tumugon para sa
mag-aaral.
ANG MAG-AARAL
Pangunahing tauhan sa silid-aralan
Sentro ng mga Gawain at sa kanya idinidesenyo ang
lahat ng aktibidad ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto.
BATAYANG KONDISYON SA
PAGKATUTO
Natutugunan ang kanyang pangangailangan.
Makahulugan ang mga Gawain
Kawili-wili ang mga Gawain
Akma ang mga Gawain sa kanyang interes, kahandaan
at kasanayan.
ANG KONDISYON NG
PAGKATUTO KAUGNAY NG
TAGUMPAY NG MAG-AARAL
Mapabibilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung:
Nadarama ang gantimpala
Nadarama ang pangakong tagumpay
Nasasanay siyang magwasto ng mga kamalian.
ANG KONDISYON NG
PAGKATUTO KAUGNAY NG
METODO NG PAGTUTURO
Mapabibilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung:
Nagaganyak ang kanyang mga pandama
Kasangkot ang mga mag-aaral sa pagpaplano ng mga
Gawain.
Nagaganyak siyang matuto
Nahihikayat mag-isip
Nahihikayat na mag-imbestiga
PAANO BA NATUTUTO
ANG MGA MAG-AARAL?
83% - sa paningin
11% - sa pandinig
3.5%- sa pang-amoy
1.5% - sa panalat
PAANO BA MAPAPANATILI
ANG IMPORMASYON?
10%- sa nababasa
20%- sa naririnig
30%- sa nakikita
50%- sa nakikita at naririnig
70%- sa naririnig, nakikita habang isinasagawa
90%- sa sinasabi ng guro at isinasagawa ng mag-aaral
ang gawain
METODO NG PAGTUTURO RETENSYON PAGKATAPOS NG RETENSYON
PAGKATAPOS
(3) TATLONG ORAS NG (3) TATLONG ARAW

Ipinaliliwanag lamang ang 70% 10%


Konsepto

Ipinakikita ang larawan nang 72% 20%


Walang paliwanag

Ipinakikita ang larawan 85% 65%


Habang pinapaliwanag
MULTIPLE INTELLIGENCES
Sinabi ni Hufana (1999) na ang silid-aralan na
ginagamitan ng Multiple Intelligences ay
nangangailangan ng maraming kaparaanan upang
mapalago ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa mga
konsepto.
DEPINISYON NG MULTIPLE
INTELLIGENCES
Sa makabagong sikolohiya, may dalawang paraan ng
pagkilala sa talino: una, tumutukoy sa prosesong
pangkaisipan o ang mental process gaya ng pagsusuri,
paglalagom, pagpapahalaga at iba pa.
At ang ikalawa, ay ang matalinong gawain o intelligent acts
tulad ng pagsulat ng kwento o tula, programming sa
computer at marami pang iba.
DEPINISYON NG MULTIPLE
INTELLIGENCES
Ang lahat ng tao ay nagtataglay ng iba’t ibang
katalinuhan at ang lahat ng ito ay nagbabago-bago at
natututunan.
Isang pluralistikong pananaw na kumikilala sa iba’t ibang
kakayahang kognitibo at magkakaibang istilo nito.

You might also like