Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Rebolusyong Siyentipiko

Ang Rebolusyong Siyentipiko ay nagsimula sa


kalagitnaan ng ika-16 at ika-17 siglo.
Ito ay tumutukoy sa malawakang pag-iisip gamit ang
pagsisiyasat at pag-eksperimento.
Sa panahong ito, napalitan ng mga bagong ideya ang mga
tradisyunal na paniniwala mula sa impluwensiya ng
simbahan.
Ginamit nila ang katwiran at siyentipikong pamamaraan
upang bigyan ng bagong pagpapaliwanag ang mga bagay
bagay sa paligid na may kinalaman sa iba’t ibang aspeto ng
buhay.
Heliocentric na Pananaw
Ayon kay Nicolaus Copernicus, isang astronomong taga-Poland.
Hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw at ang
daigdig ang umiikot sa paligid nito.
Ang kanyang aklat tungkol sa bagong pananaw sa daigdig ay hindi
agad nailathala sapagkat sa panahong ito isang mabigat na kasalanan
ang pagtuligsa sa pananaw ng simbahan.
Nailathala lamang ang kanyang pananaw tungkol sa daigdig noong
1543 matapos ng kanyang pagkamatay. Nakilala ang kanyang teorya
bilang “heliocentric view”
Mga iba pang Siyentista Ambag sa Panahong ng Rebolusyong
Siyentipko
Galileo Galilei (Italyanong astronomo) Teleskopyo

Tycho Brahe (Danes na astronomo) Pag-oobserba sa kilos ng buwan at


mga planeta at pinag-aralan niya ang
kabuuan ng orbit ng mga planeta.
Johannes Kepler (Alemang matematiko, ) Natuklasan niyang hindi pabilog o sirkular
astrologo at astronomo ang orbit ng araw kundi eliptikal o kilala
bilang Laws of Planetary Motion.
Isaac Newton (Ingles na pisiko, Natuklasan niya ang law of gravity at
matematiko,astronomo, pilosopo at alkimiko) nagpanukala ng law of inertia.
Andreas Vesalius(Planderong manggagamot,Nanguna sa pag-aaral ng anatomiya ng
anatomo, at may-akda) tao

William Harvey (Ingles na manggagamot) Nakatuklas at nakapagpaliwanag ng

sirkulasyon ng dugo at mga bagay bagay na


may kinalaman sa puso.
Antonie van Leeuwenhoek
(Olandes na mangangalakal at siyentipiko) Nakatuklas ng single-celled na organismo
Carolus Linnaeus (Swekong botaniko, doctor at
soologo) Nanguna sa pag-aaral ng mga halaman at
hayop.

Francis Bacon (Ingles na pilosopo, politico


at may-akda) Nagpasimula sa paggamit ng pamamaraang
Inductive o inductive method.
Rene Descartes (Pranses na pilosopo, matematiko,
siyentipiko at manunulat) Nanguna sa paggamit ng pamamaraang
matematikal katulad ng Cartesian Coordinate
Plane. Nakilala rin siya sa kanyang linyang
“Cogito, ergo sum” (“I think, therefore I am”).
Panahon ng Enlightenment

Ang panahon ng Enlightenment ay umunlad sa


Europa noong ika-18 siglo. Ito ay isang kilusang
intelektwal na binuo ng mga iskolar o pilosopo na
nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa
mahabang panahon ng kawalan ng katwiran at
pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala
noong Middle Ages.
Thomas Hobbes  Sinabi niya na ang tao ay likas na
makasarili. Samaktwid, monarkiya ang
(Pilosopong Ingles   pinakamabisang paraan ng pamumuno.
Ayon sa kanya ang tao ay likas na mabuti,
John Locke  magkapantay-pantay at malaya.
(Pilosopong Ingles at manggagamot)   Naniniwala siyang ang tao ay natututo
mula sa kanyang mga karanasan at kaya
niyang paunlarin ang kanyang sarili.

Jean Jacques Rousseau  Ipinaliwanag niya na ang malayang


(Pilosopong Genevan at mamamayan ay kailangang magkasundo
kompositor)   upang makalikha ng isang lipunan at
pamahalaan.
Francois Marie Arouet  o mas Sinabi niya na ang naliwanagang hari
lamang na pinapayuhan ng mga intelekwal
kilala bilang Voltaire 
ang maaring makapagdulot ng pagbabago.
 
 

Baron de Montesquieu  Inihambing niya ang 3 uri ng pamahalaan-


republika, monarkiya at despotismo.
 PILOSOPONG PRANSES
Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng checks
and balances sa pamahalaan kung saan ang 3
sangay ng pamahalaan ay magkapantay-pantay
ng kapangyarihan ngunit may magkakaibang
gampanin o tungkulin.
Cesare Bonesana Beccaria  Tinuligsa niya ang parusang kamatayan at hindi
(Italyanong Kriminologo at Ama makatarungang pagtrato sa mga kriminal. Sinabi
ng Criminal Justice)   ITALIAN niya na “ang taong nasasakdal ay inosente
CRIMINOLOGY hanggat hindi siya napatunayang nagkasala”

Tinalakay niya ang karapatan ng mga


Mary Wollstonecraft  kababaihan kabilang na ang karapatang
(Manunulat na Ingles) bumoto.
Tinalakay niya ang konsepto ng “tabula rasa” ayon
dito, ang utak ng tao ay parang blankong papel na
magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan
John Locke ng paggamit ng limang pandama. Dagdag pa niya,
ang tamang edukasyon ay maaaring humubog ng
matalino at responsableng mamamayan. 
Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Industriyal ay isang malawakang pagbabago sa pamumuhay
ng tao mula sa paraan ng paggawa gaya ng paggamit ng mga makinarya,
pagtuklas ng bagong mga enerhiya, mga pagbabago sa agrikultura at industriya
na naganap taong 1700 at 1800 sa England na lumaganap sa mga bansa sa
Europe at Amerika.
 
Sa panahon ng Rebolusyong Industriyal naging mabilis ang paraan ng
paggawa mula sa gawaing manwal hanggang sa paggamit ng makabagong
makinarya na naging daan sa pagdami ng suplay ng produksiyon, malaking
kita, pagkakaroon ng karagdagang pamilihan ng mga yaring produkto at pag-
unlad ng pamumuhay.
Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa
Great Britain dahil sagana ito sa likas na
yaman tulad ng uling at bakal na siyang
pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga
makinarya at pabrika

Noong 1793 ay
Noong 1760 ay
naimbento ni Eli
nagsimulang
Whitney ang cotton gin
magprodyus ang
na nagpabilis sa
Great Britain ng tela
paghihiwalay ng buto sa
na kadalasang
bulak. Ito ang naging
ginagawa lamang sa
daan sa simula ng
tahanan sa manwal na
paglaki ng produksiyon
pammaaraan.
ng tela.

Hindi nagtagal ay dumami na ang mga


naimbentong makinarya tulad ng spinning jenny
na nagpabilis sa paglalagay ng sinulid sa bukilya
na lalong nagpalaki sa pagprodyus ng tela at
mura na itong naipagbibili sa pamilihan.
Ang Pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal
 
Maraming mga imbensyon at inobasyon ang nagawa ng mga imbentor sa
panahong ito na mas lalong nagpabilis sa paggawa ng tela. Ilan sa mga
imbensyon ay ang sumusunod:
 
Flying shuttle (1733) – ito ay may abilidad na humabi ng mas malaking tela sa
iisang habian lamang na naimbento ni John Kay.
Spinning Jenny (1764)– Ito ay isang makinarya na may kakayahang lumikha
ng maramihang ikiran ng sinulid nang sabay-sabay na naimbento ni James
Hargreaves
Spinning Mule (1779) – Ito ay pinabuting spinning jenny na higit na mabilis
magpag-ikot ng sinulid kung ihahambing sa manwal na pagpapaikot nito
gamit ang kamay.na naimbento ni Samuel Crompton.
Power Loom (1780)– Ito ay makinarya na nagpoproseso ng paghahabi ng tela
na naimbento ni Edmund Cartwright.
Cotton Gin (1794) – ito ay ginagamit upang mapabilis ang paghihiwalay ng buto
sa bulak na naimbento ni Eli Whitney
Imbensyon Taon Imbentor
Seed drill 1701 Jethro tull
Vaccine 1798 Edward Jenner
Incandescent light  1802 Humphry Davy
Electromagnet 1825 William Sturgeon
Microphone 1827 Charles Wheatstone
Typewriter 1829 W.A. Burt
Sewing Machine 1830 B. Thimonnier
Refrigerator 1834 Jacob Perkins
Mechanical calculator 1835 Charles Babbage
Rubber vulcanizing 1839 Charles Good year
Pedal bicycle 1839  Kirkpatrick Macmillan
Pasteurisation 1856 Louis Pasteur 
Washing Machine 1858 Hamilton Smith
Fan 1882 Schuyler Skaats Wheeler
gas-engine motorcycle.  1885 Gottlieb Daimler 
Petrol – powered automobile 1885 Karl Friedrich Benz 
Radar 1887 Heinrich Hertz 
Ceiling fan 1887 Philip Diehl 
AC Induction Motor 1887 Nikola Tesla
Escalator 1891 Jesse W. Reno
Electric stove 1909 Lloyd Groff Copeman
electromechanical television 1924 John Logie Baird 
Penicillin 1928  Alexander Fleming 
Polaroid camera 1937 Edwin Herbert Land
Aqualung  1943  Jacques-Yves Cousteau
Microwave oven 1946 Percy LeBaron Spencer

You might also like