Ikalawang Grupo

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

IKALAWANG GRUPO

Pagsusuri sa Pelikula
Pagsusuri sa Pelikula
Kwento/ Banghay
Karakter

Luna at Panahon
Sinematograpiya
Iskoring ng Wika
Tema
Kabuuang Direktor
Rekomendasyon

Repleksyon
More Than Blue
Kwento (Banghay)
Ang More Than Blue ay tungkol sa kwento nina K (JC) at
Cream ( Yassi) na parehong ulila at nakatira sila sa
isang tahanan.

Si K ay inabando na ng kanyang nanay nang mamatay at


tatay nito dahil sa kanser. Si Cream naman ay
namatayan ng buong pamilya dahil sa isang car
acciedent.

Nang malamn ni K na siya ay may taning sa buhay dahil sa


malalang stage ng kanser, inilihim niya ito kay Cream at
pinagtukulan niya pa itong makapag- asawa ng isang
mabait at malakas na lalaki sa katauhan ni John Louis
( Diego Layzaga)

Lihim na itinago ni K ang sakit sa kanyang puso tuwing makikita niyang magkasama sina Cream at John. Ngunit sa isang banda ay
naging panatag din siya dahil hindi na maiiwang mag- isa ang kababata.

Ipinakita ng pelikula ang matinding sakripisyo ni K para ipadama kay Cream ang kanyang wagas na pagmamahal. Pero lingid sa
kaalaman ni K ay lihim din pala siyang minamahal ni Cream. Kahit pinakasalan ni Cream si John ay si K pa rin ang itinitibok ng
kanayang puso.

Nang malapit ng mamatay si K, sinulit ni Cream ang mga nalalabing panahon ni K para makasama ito at ipakita ang kanyang pag
mamahal dito. Nagpaalam na si K kay Cream na labis niyang minahal gustuhin man niyang makasama pa ang dalaga pero hindi na
talaga puwedeng madugtungan ang kanyang buhay, ngunit sa kabilang banda matapos mamatay si K ay sumunod din si Cream sa
kanya.
Karakter-(Bida/Kontrabida)

K/ Jhon Cathy- Bonnie- Ina ni K- Doktor at Elaine-


Charles Louis- Arriela Marion Irma tiyo ni K- Jennifer
Keith- JC Diego Avida Aunor Adlawan Soliman Lee
Santos Loyzaga Cruz
Lunan at Panahon ( Settings)
 Ang More Than Blue ay isang romansang drama. Ang director ng
pelikulang ito ay si Nuel C. Naval. Ang pelikulang ito ay inilabas sa
Netflix noong Nobyembre 19, 2021. Kung ating susuriin ang lugar na
kanilang pinagdausan ng pelikula ay talaga naming pinaghandaan nila
at pinaggastusan dahil sa sobrang ganda ng lugar gaya na lamang po sa
magandang paaralan.
Sinematograpiya
 Ang sinematograpiya Ng pelikula ay
nakasentro sa madilim na mga kulay.
Sa mga eksenang nakatuon o
nakasentro lang ito sa taong nagsasalita
ay napakaganda kahit na madilim ay
kitang kita parin ang bawat angulo ng
eksena.
Ang mga lightning na ito ay sumakto
talaga sa tema ng pelikula, ngunit
hindi rin mawawala ang mga
maliliwanag na eksenang ipinakita
kumbaga ikaw ay nasa retro na
panahon.
Iskoring ng Musika
 Sa unang bahagi ng pelikula ginagamit ang musikang” Kabilang Buhay” na kinanta ng
grupong Bandang Lapis.
 Mayroong parte ng pelikula na malungkot at may problema, na kung saan sila ay
gumagamit ng mga background music na uma- akma kaganapan sa pelikula.
 Ginamit din nila ang kantang “Kung Pwede Lang” na kinanta ni Marion Aunor sa
eksenang pagkikita ni Bannie at ni K.
 Isa din sa mga musikang kanilang ginamit ay ang “Maghihintay” na kinanta din ni
Marion Aunor noong nanghihina na si K at si Cream naman ay naghahanap ng iba.
 Sa huling parte ng pelikula na kung saan ginamit ang kantang “Kahit Kailan” na
kinanta nila Hans Paroda at si Edsel PPOP Gen na dalawang bida ay pumanaw sa
kadahilanang namatay si K dahil sa sakit at si Cream naman ay dahil sa labis na
pagkalungkot at pagkaulila nang pumanaw ang kanyang kaibigan at minamahal na si
K.
Tema
 Pagmamahal
 Pagdudusa dahil sa sakit na
nararamdaman
 Drama
 Romansa
Kabuuang Direktor
Si Nuel C. Naval ay isang direktor na nagpapatibay ng mga
pelikula na nag mula sa iba’t ibang bansa. Isa na ang
pelikulang More Than Blue na mula sa Korea. Bukod sa
palabas na ito sadyang kinagigiliwan ng maraming tao, isa
din ang Miracle in Cell no. 7 na kayang pinatibay nuong
taong 2019. Ang dalawang pelikulang ito ay nagpaluha at
nagpangiti sa maraming tao, bukod sa ganda ng storya at
galing sa pag ganap ng mga artista sa kanilang mga papel
sa pelikulang ito, ay sadyang kaygaling din ng director na
siyang nagpaibay ng mga pelikulang ito.

Ang dalawang pelikulang ito ay may pag kakaparehas. Ang Miracle in Cell no.7 na ginampanan ni Aga Muhlach bilang
ama na hinatulan ng kamatayan ng korte supremo kahit na siya ay inosente at walang kasalanan. Samantalang sa
More Than Blue ay namatay ang dalawang bida na si JC Santos bilang K at si Yassi Pressman bilang Cream. Si K ay
namatay dahil sa sakit at si Cream naman ay namatay dahil sa labis ng lungkot at pagkaulila sa kanyang kaibigan at
minamahal yun ay si K.

Sa dalawang kwentong ito ay masasabi natin na mahusay na director si Nuel dahil naisaayos niya ng mabuti at malinis
ang mga aksyon o kilos ng mga aktres at actor sa mga pelikulang nabanggit.
Repleksiyon
*Ang repleksiyon sa pelikulang More Than Blue ay
huwag matakot na umamin sa taong minamahal
mo. Mas magandang umamin ka kung ano talaga
ang totoong nararamdaman ng iyong puso
matuto tayong mag pakatotoo sa mga bagay na
alam nating nakakabuti para sa’tin upang hindi
natin pag sisihan sa huli ang nagawa nating pag
dedesisyon.
Salamat sa Pakikinig!!

You might also like