You are on page 1of 25

KAHALAGAHAN NG MGA

KAISIPANG ASYANO SA
PAGBUO NG
KABIHASNAN AT
PAGKAKAKILANLAN
ANG CHINA BILANG GITNANG
KAHARIAN
• Noon sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang
kanilang imperyo na Zhongguo na nangangahulugang
"Gitnang Kaharian”. Pinaniniwalaan din nila ang pagiging
superyor at natatangi ang kanilang kultura at kabihasnan.
Kung gayon, ang sinumang tumanggap ng impluwensiyang
Tsino at yumakap ng Confucianism ay sibilisado at ang hindi
nabibiyayaan ng kanilang kabihasnan ay barbaro.
• Kapuri-puri ang mga Tsino sa dahilang kailanma’y hindi nila
ipinagkait ang kanilang kultura sa hindi nila kalahi. Para sa
kanila ang pagiging sibilisado ay hindi usapin ng lahi kung
hindi ng pagtanggap sa Confucianism. Kaya nang dumating
ang mga dayuhan sa Tsina, tiningnan sila bilang barbarong
may mababang katayuan sa daigdig. Sila ay dapat magpugay
sa emperador sa pamamagitan ng kowtow o ang pagyuko sa
emperador nang tatlong beses kung saan ang noo ay
humahalik sa semento. Dapat ding magkaloob ng tribute o
regalo ang sinumang barbaro na haharap sa emperador. Ang
katagang Sino ay ginagamit upang tukuyin ang mga Tsino,
kung kaya ang kanilang pananaw na sila ay superyor sa lahat
ay tinaguriang Sinocentrism.
• Parte ng paniniwalang sila ang sentro ng daigdig ay ang
paniniwalang Tsino na ang kanilang emperador ay “Anak ng
Langit”. Pinili siya ng langit na mamuno sa kalupaan dahil
puno siya ng virtue. Namuno siya sa kapahintulutan o basbas
ng kalangitan (Mandate of Heaven) hanggang nanatili siyang
mabuti at puno ng virtue. Kapag siya naging masama, ang
kapahintulutang ito ay babawiin ng kalangitan at
ipagkakaloob sa susunod na taong puno ng kabutihan.
Mababatid ang paglipat ng kapahintulutan ng langit dahil sa
mga palatandaan tulad ng lindol, peste, bagyo, tagtuyot, o
mga digmaan at kaguluhan.
ANG BANAL NA PINAGMULAN NG
EMPERADOR NG JAPAN AT KOREA
• Pinaniniwalaan ng mga Hapones na ang mga isla nila ay lupa ng mga
diyos sa dahilang nabuo o inianak ito bunga ng pagtatalik ng kanilang
diyos na si Izanagi at ang kanilang diyosa na si Izanami. Anak din ni
Izanagi at Izanami si Amaterasu na kinikilala ng mga Hapones na
diyos ng araw. Ayon sa kwento, ipinadala ni Amaterasu ang kanyang
apo, si Ninigi-no-Mikoto, upang pamunuan ang kalupaan. Dala ang
alahas, espada, at salamin na ipinagkaloob ni Amaterasu, tumungo si
Ninigi sa isla ng Kyushu sa Japan. Ang kaapu-apuhan ni Ninigi na si
Jimmu Tenno ang kinikilala ng mga Hapones na kanilang unang
emperador. Bunga ng paniniwalang banal ang pinagmulan nila at ng
kanilang emperador, mataas din ang pagpapahalaga ng mga Hapones
sa kanilang nasyon.
• Maging ang mga Korean ay naniniwala rin sa banal na
pinagmulan ng kanilang emperador. Ayon sa kanilang alamat,
nagmula ang kanilang pinuno kay Prinsipe Hwaning, na anak
ng diyos ng kalangitan na si Hwanin. Bumaba si Prinsipe
Hwanung sa kalupaan at itinatag ang lungsod ng diyos. Sa
kanyang pakikipag-asawa sa isang oso na naging magandang
dilag, naging anak nila si Danjun Wanggeom o Tangun na
nagtatag ng Gojoseon o Lumang Joseon, ang unang kaharian
ng Korea.
MITO NG PINAGMULAN AT
SINAUNANG KAISIPAN NG TIMOG
SILANGANG ASYA
• Sa mga taga-Timog Silangang Asya, may malakas na ugnayan
ang kanilang mga sinaunang pinuno sa kanilang mga diyos.
Ang katutubong relihiyon ng mga taga-Timog Silangang Asya
ay animismo kung saan naniniwala sila na ang lahat ng bagay
sa kapaligiran ay may kaluluwa. Pinakamahalaga sa kanila
ang espiritu o diyosa ng kalupaan sa dahilang ito ang
nagkakaloob ng masaganang ani na tumutustos sa
pangangailangan ng kaharian.
ANG DEVARAJA AT CAKRAVARTIN
SA INDIA AT SA TIMOG SILANGANG
ASYA
• Ang Devaraja at Cakravartin ay mga kaisipang umusbong at
lumaganap sa “Indianisadong” lupain sa Asya. Ito ay
nakabatay sa pamumuno ng hari sa kanilang mga
nasasakupan batay sa katurian ng kanilang relihiyon.
• Sa alamat ng India, ang unang hari nila ay si Manu na nabuo
sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga bahagi na
sinisimbolo ng iba’t ibang diyos. Ito ay ang buwan, apoy,
araw, hangin, tubig, kayamanan. Dahil nagmula siya sa mga
diyos, hindi lang niya sinisimbolo ang isang diyos kung taglay
niya ang iba’t ibang diyos. Tinitingnan siya na mataas at
walang kapantay. Tinatawag siyang devaraja kung saan ang
deva ay nangangahulugang diyos at ang raja ay hari.
• Ang cakravartin naman ay kaisipang umusbong sa India na
nakabatay sa relihiyong Buddismo. Ayon sa kaisipang ito ang
pinuno ay “hari ng buong daigdig”. Ang mga karapatan at
kakayahan ng hari ay batay sa kanyang pananagutang
maglingkod sa mga mamamayan ng kaniyang nasasakupang
kaharian.
ANG ISLAMIKONG KAISIPAN UKOL
SA PAMUMUNO SA KANLURANG
ASYA
• Ang Islam ay relihiyong umusbong sa Kanlurang Asya at lumaganap
sa buong mundo. Sa mga nananampalataya sa Islam, si Allah
lamang ang nag-iisang Diyos at si Mohammed ang kaniyang
propeta. Batay sa paniniwalang ito, ang bawat tao ay may
pananagutan sa kanyang mga ginawa at sa uri ng kaniyang
pamumuhay. Ang sinumang nakagawa ng kasalanan ay nakagawa
ng kasalanan sa kaniyang sarili. Naniniwala rin sila na ang mundo
ay tirahan ng mga taong mabubuti o masasama. Ang pamumuhay
ng mga Muslim ay nakabatay rin sa kanilang paniniwala sa limang
haligi ng Islam. Ang mga ito ay pananalig, panalangin, pagtulong sa
kapwa, pag-aayuno, at paglalakbay sa Mecca.
QUIZ
1. Bakit mahalaga ang mga kaisipang Asyano na umiinog sa
relihiyon at uri ng pamumuno ng mga sinaunang
kabihasnan?
A. dahil ito ang salik sa pagbuo ng mga sinaunang
kabihasnan.
B. dahil ito ang gabay sa pagbuo ng mga sinaunang
kabihasnan.
C. dahil ito ang nagbigay buhay sa mga sinaunang
kabihasnan.
D. dahil ito ang pundasyon ng pagbuo ng mga sinaunang
kabihasnan
2. Sa anong dahilan naging kapuri-puri ang mga Tsino sa
kabila ng mataas na pagtingin nila sa kanilang sarili?
A. Itinuring nila ang ibang kultura bilang kapantay sa kanila.
B. Kailanman hindi nila ipanagkait ang kanilang kultura sa
hindi nila kalahi.
C. Hindi tumatanggap ng anumang regalo mula sa mga
barbaro ang sinumang Tsino.
D. Sila ang nagpugay nang dumating ang Europeo sa China.
3. Bakit mahalagang pangalagaan ang lahat ng bagay sa
kalikasan ayon sa kaisipang Asyano?
A. dahil lahat ng bagay dito ay may kaluluwa
B. dahil lahat ng bagay dito ay maaaring masira
C. dahil lahat ng bagay dito ay nauubos
D. dahil responsibildad ng tao na protektahan ito.
4. Bakit mahalaga sa mga taga Timog Silangang Asya ang
mga bundok at ang mga mataas na monumentong
arkitektural?
A. dahil nakikitaan ito ng kapakinabangan
B. dahil kinikilala itong tanahan ng mga diyos
C. dahil pasyalan ito ng mga hari
D. dahil tirahan ito ng mga hari
5. May paniniwala ang mga Sinaunang Asyano na ang kanilang
emperador o pinuno ng dinastiya ay mula sa lahi ng mga
Diyos. Ano ang epekto nito sa kanilang pakikitungo sa pinuno?
A. Iginagalang at pinahahalagahan ang mga nakatatanda at
kanilang mga ninuno.
B. Iginagalang at pinapahalagahan ang mga bagay sa kalikasan.
C. Iginagalang at pinahahalagahan ang kanilang pinuno at
kaniyang pamilya.
D. Iginagalang at pinapahalagahan ang kabutihan ng kanilang
pamilya at pamayanan.
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagpapahalaga sa sinaunang kaisipang Asyano na umiiral pa
sa kasalukuyan?
A. paggalang at pagpapahalaga sa pinuno
B. paggiging bukas ng kultura sa mga dayuhan
C. pagiging mapanagutan sa mga ginagawa at sa uri ng
pamumuhay.
D. lahat ng nabanggit
7. Alin sa mga sumusunod ang patuloy na ipinapakita ng
mga hapones sa kanilang emperador sa kasalukuyan kahit
hindi na diyos ang pananaw nila ngayon dito?
A. pag-aalay at pagdarasal C. paggalang at pagmamahal
B. pagsunod at pasuway D. pagpupuri at pagpupugay
8. Ano ang ipinapahiwatig ng paniniwala sa animismo ng
mga sinaunang Asyano?
A. Ang mga tao ay marunong kumilala sa kapangyarihan ng
isang mas makapangyarihang nilalang na gumawa ng lahat.
B. Ang mga tao ay mahilig sa mga hayop at halaman.
C. Ang mga tao ay naniniwala na ang mga kaluluwa ay
kaibigan nila.
D. Ang mga tao ay may pagpapahalaga sa mga puno.
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kaisipang
Islamiko?
A. Ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may kaluluwa
B. Ang emperyo ng Tsina ay sentro ng daigdig at kaganapan.
C. Ang hari ay kinilalang cakravartin o hari ng buong daigdig
D. Ang pagkakasala sa kapwa o paggawa ng masama ay isang
kasalanan sa sarili
10. Ano ang ipinapahiwatig ng pagyuko sa emperador ng
tatlong beses kung saan ang noo ay humahalik sa semento?
A. paghingi ng tawad sa emperador
B. pagpupugay sa emperador
C. paghingi ng tulong sa emperador
D. lahat ng nabanggit

You might also like