You are on page 1of 15

Ang Babae

sa
Lipunang
Hindu
(India)
• Itinuturing nilang diyosa ang kababaihan sa simula.
• Umiral ang mga kaugalian o tradisyong nagpapakita ng
mababang pagturing sa babae, tulad ng suttee o satiat ang
female infanticide o ang sadyang pagpatay sa mga sanggol na
babae, dahil siya ang nagbibigay ng dote kapag ikinakasal na.
Madalas ang gumagawa nito ay ang mahihirap na pamilya.
• Noong ika-16 na siglo, nasakop ng England ang India. May mga
umiral na tradisyong Hindu at Muslim na ipinagbawal tulad ng sati
o suttee at ang female infanticide.
• Bilang paggalang sa asawang lalaki, ang asawang babae ay
kakain lamang pagkatapos kumain ng kanyang asawa.Ang tira
tirang pagkain ng asawa ang kanyang pagkain.
• Sa bahay lamang ang babae at sumusunod sa kagustuhan ng
asawa.
• Ang babaeng hindi nag-asawa ay kasumpa-sumpa.
• Siya ang nagbigay ng dote sa lalaking mapapangasawa, kaya
itinuring siyang malas sa pamilya, dahil nagbabawas siya sa
yaman ng pamilya.
• Makasalanan ang mga babae.
• Sa Timog India noon, ang isang babae ay maaaring maging
asawa ng magkapatid na lalaki (polyandry), dahil sa kakulangan
sa pagkain.
Ang Babae
sa
Lipunang
Tsino
(China)
• Sinasalamin naman sa China ang mababang antas ng babae sa
kaugaliang footbinding. Ito ang sadyang pagbali ng arko ng mga
paa upang hindi lumaki ng normal. Tinawag ang ganitong klaseng
mga paa na lotus feet o lily feet. Ito ay ginagawa habang bata pa
ang babae. Sinasabing isa itong pamantayan ng kagandahan
para sa mga sinaunang Tsino. Isa rin daw pagtugon sa
kahilingang pang-erotiko ng lalaki ang footbinding sa China.
• Ang pagkakaroon ng lotus feet o lily feet dulot ng footbinding ay
patunay rin na ang babae ay hindi nagtatatrabaho, nasa bahay
lamang siya at kayang suportahan ng kanyang asawa. Hindi
lumaki ang paa ng lagpas sa tatlong pulgada.
• Ang concubinage o pagkuha ng asawang lalaki ng iba pang
babae maliban sa kanyang asawa ay isa pang kaugalian sa China
na nagpababa sa antas ng kababaihan doon. Ang concubine
(ibang babae) ay itinitira ng asawang lalaki sa kanilang bahay.
May karapatan ang asawang lalaki na magkaroon ng maraming
concubine.
• Kung mag-asawa ang babae, siya ay nagiging bahagi ng pamilya ng
lalaki at napapasailalim sa kapangyarihan ng kanyang biyenan na
babae.
• Wala o kaunti ang karapatang legal ng asawang babae.
• Ipinagkait din sa kanya ang mag-impok ng sariling ari-arian at
makapag-aral.
• Ang pinakamahalagang tungkulin ng babae ay magsilang ng
sanggol/anak na lalaki, dahil dito ang pagiging baog o walang
kakayahan ng babae na magluwal ng sanggol ay maaaring dahilan
ng diborsyo sa China.
• Hindi rin sila maaaring magmana maliban kung sila’y byuda.
• Ayon kay Mencius, isang pilosopo, ang hindi pagsilang ng
tagapagmanana (anak na lalaki) ay pinakamalaking kalapastangan
sa mga magulang.
Ang Babae
sa
Lipunang
Hapones
(Japan)
• Hinihikayat ang babae na mamumuno, dahil siya ay nagtataglay
ng kapayapaan at kaayusan, (tulad kina diyosang Pimiko at
diyosang Iyo).
• Bago umiral ang pyudalismo, may karapatan ang parehong anak
na babae at lalaki na magmamay-ari ng ari-arian ng kanialang
mga magulang.Ngunit, nabago ang kaugaliang ito noong panahon
ng Kamakura at Ashikaga Shogonate (Pamahalaang Militar sa
Japan).
• Negatibo ang tingin ng lipunan sa babae.
• Pinaniniwalaan sa Japan na may limang (5) kahinaaan ang
babae. Ito ang sumusunod: Hindi masunurin, madaling magalit,
masama ang bibig, madaling magselos, at mahina ang ulo.
Ang Babae
sa
Lipunang
Muslim
(Arabe)
• Ang kaugalian ng pagsusuot ng purdah na ibig sabihin ay belo sa
salitang Persianna tumatakip sa mukha ng babae ay nagpapakita
ng mababang pagtingin nila sa kababaihan. Itinatago nito ang
mukha ng babae.
• Inaasahan ang asawang babae na itago ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng pagsusuot ng burka, isang damit na maluwag na
may kasamang belo. Layunin ng kaugaliang ito ang ipaalala na
tanging ang kanyang asawang lalaki ang may karapatang
makakita sa kanya. Pinagtitibay ng kaugaliang ito ang
pagpoprotekta ng karapatan ng asawang lalaki sa asawang
babae.
• Sa konserbatibong Muslim, nananatiling hindi nakikialam sa
pulitika at ekonomiya ang mga kababaihan.

You might also like