Ika’y patay na ngunit ngayo’y buhay pa Turo mo’y tapos na ngunit nandito pa
Mula pagkabata’y naririnig ko na
Ang iyong pangalang pagkahaba-haba Jose Protacio Rizal Mercado Y Alsonso Realonda Lahat ika’y kilala bata man o matanda Ika’y kilala ngunit ‘di kinilala Ika’y narinig ngunit di dininig Ika’y patay na ngunit ngayo’y buhay pa Turo mo’y tapos na ngunit nandito pa
Mula pagkabata’y naririnig ko na
Ang iyong pangalang pagkahaba-haba Jose Protacio Rizal Mercado Y Alsonso Realonda Lahat ika’y kilala bata man o matanda Pambansang bayani ang sa iyo’y taguri Naging sanhi upang dayuha’y magapi Iba’t ibang akda na iyong isinulat Naging instrumento upang mata’y mamulat
Mata ng iyong mga mahal na kababayan Ng manlulupig sila’y pinahihirapan Walang karapata’t ang turing ay mangmang Hirap na abutin hangad na kalayaan Iyong mga akda’y nagsilbing inspirasyon Upang magsimula itong rebolusyon At dahil sa lakas ng loob na binigay Nakamit ng iyong lahi, hangad na tagumpay
Sa pakikipaglaban sa mga dayuhan Buo ang tapang at ‘di ka nag-alangan Para sa iyong iniibig na bayan Walang kinatakutan, maging kamatayan
At nang dahil nga sa iyong pagkadakila Ika’y naging tanyag di lamang sa bansa Halos lahat ikaw ay kilala O kilala ka nga ba nilang talaga?
Masasabi mo nga bang ang isa’y kilala na Kung ang alam mo lang ay ang pangalan niya Pamilya, pinag-aralan, at mga adhikain Kahit na hindi mo sinubukang unawain? Sa dinami-dami ng kanyang naging akda Iilan pa lamang ang aking mga nabasa Kaunting kwento’t dalawang nobela At hindi pa lahat dahil nakabuod pa
Tiyak na hindi lamang ako ang ganito Pati na rin ang milyon-milyong Pilipino Na siya ay lubos na tinitingala Bilang bayani nitong ating bansa Batid ko ang kaniyang ngalan at pamilya Kanyang buhay sa loob at labas ng bansa Nagawa upang tayo’y maging malaya Pati ang kamatayan niya sa Luneta
Ngunit iyon lamang at wala nang iba Kung ‘di pa itinuro’y di na madadagdagan pa Kailangang malama’y gabundok pa ang halaga Sa kanyang mga akda’y kanyang isiniwalat Sa pamamagitan ng mga karakter sa aklat Mga prolemang ng bansa’y hinaharap Pati na rin ang kanyang mga pangarap
Pangarap para sa kaniyang mahal na bayan Na makamit ang mas mainam na kinabukasan Kung saan wala nang sino mang maapi At hindi na mababa ang tingin sa ating lahi Ang mga turo niya ay ating narinig Ngunit ang mga ito’y hindi natin dininig Siya ay nagbigay sa atin ng babala Ngunit ito’y isinawalang bahala
Kung dininig natin siya’y bakit naririto pa? Ang mga karakter sa sikat niyang mga nobela Na matagal nang dapat ay nawala Kung tunay ngang tayo’y malaya nang Mga tulisan na sa lungsod matatagpuan Patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan Walang ibang iniisip kundi sarili nila Ngunit ang nakalulungkot, sila’y tinitingala pa
Si Dona Victorinang mapagbalatkayo Ang kanyang mukha’y punong-puno ng pulbo Hanggang ngayon ito’y nangyayari pa rin Sa mga bagay ay iba ang ating pagtingin Ang dayuha’y mataas, ang sarili’y mababa Mas tinatangkilik produktong banyaga
Narinig din natin ang kanyang babala Tungkol sa paggamit nitong wikang banyaga Na maaaring maging sanhi ng pagkawala Ng wika’t dangal nitong ating bansa Subalit ating masasalamin ngayon Na hindi dininig ang payo niyang iyon Kung dati’y Kastila ngayo’y Ingles naman Ang pangalawang wika nitong ating bayan
Ang sariling wika’y di napahahalagahan Ingles ang gamit na midyum sa paaralan Gayundin sa trabaho at pamahalaan Ating konstitusyon nasa wikang dayuhan Gamit si Basilyo kaniyang pinakita Mga mamamayang walang paki sa bansa Lahat ng ginagawa’y para lamang sa sarili Sa problema ng bayan tila sila’y bingi
Kahit pa nakaranas na ng karahasan At sa kalagayan ng bansa ay may kamalayan Mas pinipili pa rin na manahmik na lamang Upang matiyak sariling kaligtasan Tunay na nakalulungkot ang sitwasiyong ito Dahil ang bansa nati’y puno ng Basilyo Kaya naman sulirani’y di masolusyunan Dahil iilan lang ang nais na humakbang
Palagi na lamang itong mga kabataan Ang sinasabing pag-asa ng bayan Hindi ba maaaring ibahin naman Itong madalas nating linyahan Maari bang atin nang bigyan ng solusyon Nang di na umabot sa susunod na henerasyon Tayo naman ang magbibigay ng pag-asa Sa mga kabataan at hinaharap nila
Nang sa oras na sila’y tumuntong na Sa parehas na bansa ngunit magkaiba Dahil sa panahon nila ay wala na Itong mga nasabing problema Si Rizal ay patuloy nating naririnig Dahil patuloy rin nating di dinidinig Turo niya ngayo’y buhay pa rin Sapagkat di pa lutas, mga suliranin
Mga suliranin sa kanyang mga sinulat Sinulat na may layuning magmulat Mamulat hindi tayo, kundi sila Ang mga Pilipino sa panahon niya Kanyang mga akda’y salamin ng nakaraan Hindi na dapat maging sa kasalukuyan Kaya’t marapat na mapaglipasan na ng panahon Itong mga akdang tanyag pa rin hanggang ngayon
Hindi ibig sabihin ay dapat na limutin Bagkos ay dapat nating alalahanin Na si Rizal ang siyang naging dahilan Sana ay dumating ang panahon Na hindi ka na maririnig ng sunod na henerasyon Hindi mo na sila kakailanganing turuan pa Sapagkat natuto na’t dininig ka na nila
Sa panahong iyon, pangarap mo’y matutupad na Ang iyong trabaho ay matatapos na At kung itutulad sa isang libro i i