1 K1 Mga Uri NG Teksto

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Ama Namin

Ama namin, sumasalangit Ka.


Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
AMEN
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Pamantayang Pangnilalaman:
•Nasusuri ang iba’t ibang uri ng
binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at
daigdig
Pamantayan sa Pagganap:
•Nasusuri ang kalikasan,
katangian, at anyo ng iba’t
ibang teksto
Tagisan ng Talento
A.Sulat-Bigkas ng Tula (Sulkas
Tula)
B.Madulang Pagkukuwento
C.Dagliang Talumpati
D.Interpretatibong Pagbasa
Mga Uri ng Teksto
Pangkatang Gawain: Share It!
Ipahahayag at ipaliliwanag sa harapan ng klase kung ano ang inyong
nalalaman sa mga uri ng teksto:
• Impormatibo, Deskriptibo, Naratibo, Prosidyural, Persuweysib,
Argumentatibo
Puntos Deskripsiyon

5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot


4 Sapat at tugma ang sagot batay sa hinihingi
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong naibigay ang hinihingi at kailangan pang paunlarin

1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya


Mga Tanong:
1. Base sa gawain, masasabi niyo bang malawak
na ang inyong kaalaman ukol sa iba’t ibang uri
ng teksto?
• 2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga uri ng
teksto?
Layunin
Natutukoy ang paksang tinalakay sa
iba’t ibang tekstong binasa (F11PB
– IIIa – 98)
Hanapin Mo Ako!
Panuto: Alamin kung ano-anong mga uri ng teksto ang
sumusunod na halimbawa:

• K to 12 Dapat Bang Ipagpatuloy?


• Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
• Patalastas ng Isang Sabon
• Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
• Ang Lindol o Pag-inog ng Mundo
• Paglalarawan sa Tauhan
Hularawan! (Indibidwal na Gawain)
Panuto: Hulaan kung ano ang tinutukoy ng larawan.
Teksto
Mga salitang isinulat, nai-type, o inilimbag
na bersyon ng isang bagay tulad ng talumpati
o pahayag.
Mga Alphanumeric na karakter na makikita
sa iskrin ng selpon o pager (text message)
Para Kanino?
Panuto: Suriin ang sumusunod na halimbawa at sabihin kung sa ano-
anong mga uri ng teksto ito nagbibigay-kahulugan?

• Nagsasalaysay
• Naglalarawan
• Nangangatwiran
• Nang-eengganyo
• Nagbibigay impormasyon
• Nagsasaad ng pagkasunod-sunod
Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
AMEN
Ano-ano ang Iba’t Ibang Uri ng Teksto?
•Impormatibo
•Deskriptibo
•Naratibo
•Prosidyural
•Persuweysib
•Argumentatibo
Tekstong Impormatibo
•Di piksyon.
•Nagbibigay impormasyon o
nagpapaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling sa paksa
Tekstong Deskriptibo
Paglalarawan sa bawat tauhan, tagpuan,
mga kilos o galaw, o anumang bagay na
nais niyang magbigay-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
Tekstong Naratibo
ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng
mga pangyayari nang may maayos na
pagkasunod-sunod mula simula hanggang
katapusan.
Tekstong Prosidyural
• Nagpapakita at naglalahad ng wastong
pagkakasunod-sunod ng hakabang nang
malinaw sa pagsasakatuparan ng anumang
gawain,
Tekstong Persweysib
•isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa manunulat hinggil sa
isang isyu.
Tekstong Argumentatibo
• Isang uri ng tekstong nangangailangan ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin
gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na literatura at pag-aaral,
ebidensiyang kasaysayan, at result ng empirikal na
pananaliksik.
Pag-usapan Natin
• 1. Ano-ano ang anim na uri ng teksto?
• 2. Ano ang tekstong impormatibo?
• 3. Ano ang tekstong deskriptibo?
• 4. Ano ang tekstong naratibo?
• 5. Ano ang tekstong persuweysib? Prosidyural?
Argumentatibo?
•Sa anong pagkakataon sa inyong
buhay magagamit ang mga kaalaman
ukol sa iba’t ibang teksto?
Pagsusulit bilang 1
• Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang sumusunod at kung
ano ang paksang tinatalakay sa iba’t ibang teksto.

1 . Ang Mag-aral o Manligaw: Dapat o Hindi Dapat Ba?


• Panig ng mag-aaral: Ako ay isang mag-aaral na nasa wastong gulang
na may isip na tumutuklas at pusong sumisinta. Pag-aaral? Panliligaw?
Magsabay man ay di problema.
• Panig ng isang ina: Bilang ilaw ng tahanan, kung ako ang tatanungin
pag-aaral muna ang siyang dapat atupagin. Saka na ang panliligaw,
hindi dapat pagsabayin.
• 2. Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang
Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at
nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding
gutom na naramdaman. Dalawang araw na
pala nang huling masayaran ng pagkain ang
nanunuyo niyang mga labi.
3. Ang cyberbullying ay isa sa hindi
mabubuting bagay na naidulot ng
makabagong teknolohiya. Maaari itong
makaapekto sa sinuman, maging sa
iyo, sa pamilya mo, at sa iba pang tao
sa iyong paligid.
4. May napulot akong papel. Nakasulat
doon na may matatagpuan daw akong isang
kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay
para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa
amin dahil baka naroon na ang kaibigang
tinutukoy sa papel.
5. Pagluluto ng La Paz Batchoy ng Iloilo
“Una, igisa ang bawang, sibuyas, at luya. Isunod ang hiniwa-
hiwang karne at halu-haluin. Ikalawa, lagyan ng patis at
pamintang buo at saka isangkutsa nang isang minuto. Ikatlo,
maglagay ng gustong dami ng sabaw. Takpan at hayaang
kumulo upang lumambot ang karne. Sunod na ilagay ang sayote
at miswa. Haluin at saka timplahan ng asin sa panlasa. ilagay
ang hiniwa-hiwang atay ng baboy at hayaang kumulo huling
ilagay ang sili. At siyempre kapag luto na ay ihain habang
mainit pa.”
6. Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong
lagi ninyong tandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na
ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan
na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong
ingatan para sa inyong sarili, sa inyong mga anak, at sa
mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng
mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan, at
kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.
Pagsulat sa Journal
Journal no. 1
Sa Paanong paraan nakapagpalago ng
isipan ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng
teksto?
Takdang-Aralin
•Magbasa o magdala ng isang
halimbawa ng tekstong impormatibo.
Ibahagi sa harapan ng klase.

You might also like