Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 2 Gramatika at Retorika
ARALIN 2 Gramatika at Retorika
GRAMATIKA
AT
RETORIKA
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
SAKLAW NG TALAKAYAN:
•Idyoma
•Tayutay at mga uri nito
•Kawastuhang pambalarila
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
IDYOMA
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
IDYOMA
• Mga salita na di- tuwirang nagbibigay ng
kahulugan
• Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa
karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay
o mga bagay- bagay sa ating paligid
• Sa pamamagitan ng idyoma, nakikilala ang yaman
ng isang wika
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
IDYOMA
• Mauunawaan lamang ang kahulugan nito
sa ibabaw o sa pagitan ng salitang
ipinapahayag.
• Sanaysay, tula, kuwento, at nobela.
• Madalas din itong naririnig sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
IDYOMA: Kahiramang suklay
PANGUNGUSAP: Sa lungkot man o saya,
sina Ben at Vince ay magkahiramang suklay.
KAHULUGAN: Matalik na magkaibigan
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
IDYOMA: Nagsusunod ng kilay
PANGUNGUSAP: Ikinararangal si Jose ng
kanyang mga magulang dahil nagsusunog siya ng
kilay sa kanilang paaralan.
KAHULUGAN: Nag-aaral ng mabuti
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
IDYOMA: Anak-dalita
PANGUNGUSAP: Lumaki siyang anak-dalita
subalit siya’y nakapagtapos ng pag-aaral.
KAHULUGAN: mahirap
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
IDYOMA: Ilaw ng tahanan
PANGUNGUSAP: Si Aling Nelia ang hinirang
na “Reyna ng mga Ilaw ng Tahanan”.
KAHULUGAN: ina
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
IDYOMA: Anak-dalita
PANGUNGUSAP: Lumaki siyang anak-dalita
subalit siya’y nakapagtapos ng pag-aaral.
KAHULUGAN: mahirap
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
Kinalawang Lumalaos
na na
Bahag ang Duwag / Takot
buntot
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HALIMBAWA NG IDYOMA:
Balat Masipag
kalabaw
Sirang Paulit-ulit
plaka
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
TAYUTAY
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
TAYUTAY
• Patalinghagang pagpapahayag
• Ang paggamit nito sa pagsusulat ay sinasadya
upang maging masining, kawili-wili, makulay,
at manbisa ang gagawing pagpapahayag.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
IDYOMA TAYUTAY
Mga salita ngunit Patalinghagang pahayag
hindi matatawag na sa makatuwid ito ay
pangungusap. buong pangungusap.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
MGA
PANGUNAGING
URI NG TAYUTAY
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
1. PAGTUTULAD
• Pagkukumpara ng katangian o anyo ng tao sa
bagay. Ginagamitan ng mga salitang pantulad:
para, tulad, gaya, kaparis, kawangis, animo, tila
at iba pa.
HALIMBAWA: Si Jane ay animo pagong kung
kumilos.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
2. PAGWAWANGIS
• Halos kapareho lang ito ng pagtutulad subalit
ito’y tiyakang naghahambing at hindi
ginagamitan ng mga salita parang, tulad, gaya at
iba pa.
HALIMBAWA: Isang gulong na patuloy sa pag-
ikot ang buhay.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
3. PAGBIBIGAY-KATAUHAN
• Ang talino, kaisipan at galaw ng tao ay isinasalin
sa mga karaniwang bagay.
HALIMBAWA: Ang lamig ng kapaskuhan ay
niyayapos ako.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
4. PAGTANGGI
• Ipinahihiwatig ang kahulugang pagtanggi.
• Ginagamitan ito ng salitang “hindi”
HALIMBAWA: Hindi bato ang puso ko.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
5. TAMBISAN
• Ang dalawang bagay na nagsasalungatan ay
binabanggit upang maging mabisa ang isang
kaisipan
HALIMBAWA: Ang hirap mong intindihin, ayaw
mo sa gwapo pero ayaw mo rin sa panget.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
6. PANG-UYAM
• Ito ay pahayag na nangungutya, na sa unang
dinig ay tila pangungusap na nagbibigay puri.
HALIMBAWA: Ang galing mo namang kumanta,
ka boses mo si Anne Curtis.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
7. TANONG RETORIKAL
• Isa itong uri ng masining na pagtatanong na hindi
nangangailangan ng kasagutan.
HALIMBAWA: Kung hindi ngayon, Kailan pa?
Kung hindi tayo kikilos ngayon, sino pa ang
kikilos?
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
8. PAGDARAMDAM
• Nagpapahayag ng matinding damdamin.
HALIMBAWA: Kahabag-habag na nilalang!
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
9. PARIPANTIG
• Pinaglalaruan ng dila ang pagpapantigan sa
pamamagitan ng pag-uugnay sa simula ng
dalawa o higit na salitang ginagamit sa
pangungusap.
HALIMBAWA: Ninakaw ng magnanakaw ang bag
ni Boy.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
10. PAGHIHIMIG
• Ito ay panggagaya sa mga tunog na nagmumula
sa insekto o hayop upang maipahayag ang
mensahe.
HALIMBAWA: Aw-aw! Ito ang gumising sa aking
kaninang umaga.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
KAWASTUHANG
PAMBALARILA
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
NG at NANG
NG- pantukoy sa pangngalan.
Halimbawa: bumili ng gulay
NANG- Panghalili sa salitang noon.
Halimbawa: nang lumipat kami ng bahay
-ginagamit sa mga inuulit na pandiwa.
Halimbawa: kain nang kain
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
NILA at NINA
NILA-panghalip na maramihan na hindi
sinusundan ng pangngalan.
-Maari rin gamitin ito kapag sinusundan ng
tatlong pangalan.
Halimbawa: Ito ang paborito nila. Ito ang
paboritong ulam nila Vince, Kat at James.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
NILA at NINA
NINA-panghalip na maramihan na sinusundan
ng dalawang pangngalan.
Halimbawa: Ito ang paboritong ulam nina Vince
at James.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
MAY at MAYROON
MAY-ginagamit kung ang kasunod ay
pangngalan, pang-uri, pandiwa at panghalip.
MAY at MAYROON
MAYROON-ginagamit kung ang kasunod ay
isang kataga sa paraan ng pagtatanong.
PAHIRINat PAHIRAN
PAHIRIN-ay nangangahulugan na
pagbubura o paglilinis sa isang bagay
Halimbawa: Pahirin mo nga ng basang
basahan ang pisara.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
PAHIRINat PAHIRAN
PAHIRAN- ay nangangahulugan na
paglalapat o paglalagay sa isang bagay.
Halimbawa: Pahiran mo ng alcohol ang
sugat ni Elvis.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
PINTO at PINTUAN
PINTO- Ito ang ginagamit kung ang
tinutukoy ay ang kongkretong bagay. Ito ang
bagay na binubukas o isinasara.
Halimbawa: Gawa sa Narra ang kanilang
pinto.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
PINTO at PINTUAN
PINTUAN- Ito ang ginagamit kung ang
tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan kung saan nakalagay ang pinto.
Halimbawa: Huwag mong iharang ang iyong
kotse sa harap ng pintuan.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HAGDAN at HAGDANAN
HAGDAN- ang baytang na inaakyatan at
binababaan.
Halimbawa: Nawalan siya ng balanse
dahil sa pagtapak sa huling hagdan.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
HAGDAN at HAGDANAN
HAGDANAN- ang bahaging kinalalagyan
ng hagdan
Halimbawa: Mag-elevator ka na lang,
nakakatakot ang hagdanan dito.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
WALISIN at WALISAN
WALISIN- Tumutukoy sa bagay na
maaaring tangayin ng walis.
Halimbawa: Walisin mo ang mga tuyong
dahon sa bakuran.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC
WALISIN at WALISAN
WALISAN- Tumutukoy sa pook o lugar
kung saan magwawalis.
Halimbawa: Pwede mo bang walisan ang
ating bakuran.
DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC