Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

CAREGIVER

TEMA

Caregiver
Wife and Mother
OFW
Dignid
ad
Sakripisyo
PAKSA

Ang paksa ng pelikula ay ang mga katangian ng


isang tunay na Pilipino. Isa sa mga ito ay buong
pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa
abot ng makakaya, paggalang sa kapwa, at higit
sa lahat, ang pagkapit sa tamang paniniwala o
ang pagsulong sa tamang prinsipyo para maabot
ang mga pangarap para sa pamilya.
NILALAMAN
Tipikal na istorya ng isang pilipinang may ambisyon sa pamilya ang papel ni sarah. dahil sa
hangarin niyang matulungan ang asawang si teddy (John Estrada) ay nag-arral siya ng kursong
caregiving at naging isa sa 150,000 OFW's na nagtratrabaho sa united kingdom. magkasama
nilang iniwan sa pilipinas ang anak na si paulo (John Manalo) na binilhan niya ng winter coat
kalakip ang panagakong pag-iipunan niya ang pamasahe nito upang makasama nila sa london.
hindi ang opurtunidad na makapagtrabaho lamang sa ibang banasa ang naging katapuran ng mga
pangarap ni sarah. bumigat ang pagtitimbang sa maraming bagay. kaalinsunod nito ang mga
pagbabago sa kanyang pagkatao, manapa'y ang pagkakatuklas tungkol sa kanyang sarili.
magmula sa isang pagiging masunurin at maamong maybahay kay teddy, at bilang katuwang sa
pagsisinop ng kanilang pamilya hanggang sa pagkakaroon ng kapangyarihan, dignidad at
pagpapahalaga sa kanyang sarli bilang isang babae, at bilang isang taong may silbi sa kanyang
mundong ginagalawan. makalipas ang sigla at kasabikan na makatapak sa london, nagsimulang
matikman ni sarah ang lahat ng uri ng paghamon na siya ring pinagdaanan ng lahat ng OFWs sa
kanilang araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa: ang kakaibang lamig ng klima, ang klima, ang
hirap nang pakikitungo sa samut saring ugali ng mga nakakasamlumhang tao at ang kalbaryo ng
sukdulang pagtitiis sa pag aalaga sa isang maysakit
NILALAMAN
Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon- sa banyagang lugar na kanyang
kinsakdalan, sa relasyon nila sa bilang mag-asawa si teddy, at sa
kanyang ginagampanang tungkulin. ngunit sa gitna nang unos ay pinanitili
ni sarah ang pagiging matatag at may nag-uumapaw na pang-unawa,
higit salahat, ang dedikasyon at determinasyong mapagtagumpayan ang
piniling larangan. iginupo si teddy ng mga pagsubok hanggang sa puntong
napagpasiyahan na niya ang bunalik sa pilipinas. hinimok niya si sarah
na sumama sa kanya upang umuwi. dito mahahati ang desisiyon ni
sarah. isang matalinong pagpapasiya kung ano ang nararapat niyang
gawain: ang manatili sa london kakambal nang matiim na hangaring
magtagumpay sa kanyanf propesyon sa kabila nang pagkawala ng kanilang
relasyon bilang mag-asawa, o ang paglaho ng kanyang mga pangarap
kapalit nang pagiging buo ng kanilang pamilya.
TAU H A N

Sharon Cuneta John Estrada John Manalo Makisig Morales


Sarah Gonzales Tedy Gonzales Paulo Gonzales Sean
-Batang nagnakaw ng
-Isang guro sa Pilipinas na -Asawa ni Sarah na -Nag- iisang anak pagkain sa isang convenient
nakipagsapalaran sa nagtatrabaho bilang nina Sarah at store. May katigasan ang ulo
pagiging isang caregiver
isang nurse aid sa Teddy na naiwan at mahilig sa gulo. Ngunit
sa London. Masunuring sa Pilipinas. kalauna'y napalapit ito kay
asawa at mayroon isang London. Sarah at naging dahilan para
anak. kahit papaano ay maibsan
ng pangungulila nito sa
naiwang anak sa Pilipinas.
TAU H A N

Rica Peralejo Jhong Hilario Mickey Ferriols Lotlot de Leon


Karen Joseph Julia
-Kaibigan at katrabaho ni -Dating doktor sa -Nakababatang kapatid -Ina ni Alvin at Tiyahin
Sarah sa London na siyang Pilipinas na naging nurse ni Sarah na siyang ni Paulo may may
naging susi at sa London. Asawa siya tumulong para mag pagka bungangera.
nagrekomenda kay Sarah ni Karen na kaibigan ni alaga ng kanilang
para makapagtrabaho Sarah. matandang ina at
bilang isang caregiver. tiyahin ni Paulo.
TAU H A N
David Morgan
Alvin
- Anak ni Mr. Morgan
-Pinsan ni Paulo na na kausap ni Sarah
laging kasabay kapag upang alagaan ang
umuuwi ng bahay. kanyang ama.

Mr. Morgan
-Isang matandang
mayaman na inaalagaan ni
Sarah. Masungit ito noong
una ngunit napalambot ni
Sarah ang kanyang puso
na naging dahilan upang
maging magkaibigan sila.
TAGPUAN

Ang bida ng nobela ay si Sarah, isang English teacher


para sa elementarya na nagpasyang magtrabaho bilang
caregiver sa London para maibigay sa kanyang anak ang
mas magandang pagkakataon sa buhay sa Pilipinas.
Inaasahan ng mag-asawa na sa wakas ay dalhin ang
kanilang anak na lalaki upang manirahan sa kanila sa
London, kaya lumipat si Sarah sa kanyang asawa, na
nagtatrabaho bilang isang nurse doon.
PANGYAYARI
Sa unang bahagi ng pelikula, ipinakita na nasa kagubatan si Sarah na
tila ba ay naliligaw. Ipinakita na pagkatapos maging guro ay nag aaral
din si Sarah ng pagiging caregiver dahil siya ay gusto nang kuhanin ng
kanyang asawa na si Teddy na namamalagi naman sa London at
nagtratrabaho bilang nars. Nang mag paalam si Sarah sa kanyang
mga estudyante at sinabing may bago na silang guro sa ingles ay
sinabi nang isa niyang estudyante kung anong ginagawa ng isang
caregiver, “taga hugas ng puwet ng mga matatanda”. Nalaman din
ni Sarah na siya ay mapro- promote sana bilang Head ng English
Department kung hindi lamang ito aalis ng bansa.
PANGYAYARI
Ibinenta nila ang bahay nila upang maipang bayad sa lahat ng kanilang
utang at ang iba naman ay pambili ng tiket ni Sarah at baon papuntang
ibang bansa habang iniwan niya naman ang kanyang anak sa lola nito.
Nang dumating naman sa UK si Sarah, nakita niya na maganda ang
bahay at gamit na tinitirhan ni Teddy kaso makalat. Pag alis ni Teddy
para mag trabaho siya namang pag ligpit ni Sarah ng mga kalat niya.
Habang namimili naman si Sarah ay nakita niya ang isang batang nag
shoshoplifting sa tindahan na si Sean. Pero nang komprontahin niya ay
tinakbuhan siya nito tsaka inapakan ang paa. Nakita niya ulit yung
bata sa simbahan at sa tindahan hanggang sa inaya nito ni Sarah sa
kanilang bahay at naging malapit ang loob sa isa’t isa.
PANGYAYARI
Ininterview na si Sarah sa home for the aged at naka pasa rin dahil na rin
na magaling siya sa english at sa tulong na rin noong asawa ng
kaibigan ni Teddy. Noong first day naman ni Sarah ay ipinakilala sa kanya
si Lily. Tapos pinakita rin yung pag tanggal niya ng diaper ni Lily at pag
linis niya sa pwet nito. Nang bisitahin naman ni Sarah si Lily noong
natutulog eto ay nagulat na lang siyang malamig na ito ay dilat ang
mata. Nakita ulit ni Sarah si Sean na pinagtutulungan ng mga bully
tapos nagdudugo yung noo niya kaya sinugod niya sa ospital. Dito,
nalaman ni Sarah na nagsisinungaling lang si Teddy at hindi naman pala
nag tratrabaho bilang nars si Teddy kasi kasi nakita niya ito na may
dalang basurahan at nagtatapon ng basura sa labas. Inamin ni teddy na
isa siyang healthcare assistant o kaya taga-kuha ng mga laboratory
results, taga-ayos at taga-linis ng ospital.
PANGYAYARI
Nirereklamo ni Teddy na dalawang beses siyang binagsak sa evaluation
niya at walang usod ang apila sa kanyang kaibigang pinoy. Itong
kaibigan niyang si Joseph ay dating doctor sa pilipinas ngunit mas
piniling maging nars sa UK dahil mas malaki pa ang kinikita nila sa UK
bilang isang nars kesa sa pagiging doctors sa pinas. Sa una ay nahirapan
si Sarah sa trabaho niya pero sa huli ay nasanay na rin siya at
nakayanan niya rin kung saan na- reassign siya sa bago niyang
pasyesnte na si Mr. Morgan at mas tumaas ang sahod niya. Dito ay
nahirapan siyang muli dahil napaka tigas ng ulo ni Mr. Morgan at ayaw
nang tinutulungan siya.
PANGYAYARI
Nakita ni Sarah si Mr. Morgan na nakahilata na lamang sa tabi nang
kama niya nang papainumin niya ito ng gamot niya. At nalaman na hindi
niya pala iniinom ang mga gamot niya. Ayaw niya rin kumain at tinapon
lang yung pagkain nito. Dito, sinagot siya ni Sarah na kung ayaw niya
sa kanya ay pwede siyang paltan nito. Dito na rin sinabi ni Sarah yung
famous lines niya na “I care about my job, Sir. I care about you”. Nahuli
naman siya ng isang anak ni Mr. Morgan na babae na sinisigawan raw
ang kanyang tatay kung kaya’t nagalit ito at gustong paltan ito. Pero
ayaw ni Mr. Morgan na paltan ito at hayaan na lamang. Tapos pinag basa
si Sarah ni Mr Morgan ng libro nito. Tinanggal naman sa trabaho si
Joseph dahil sa pagpapahiya nito sa Doctor kahit na mali ang Doctor
sa dapat gawin sa pasyente kahit na mamamatay ito kung hindi
pinakielaman ni Joseph. Dito pinamukha rin sa kanya na isa lamang
siyang hamak na nars at hindi doktor.
PANGYAYARI

Pumunta sa secondhand shop sila Sarah at Mr. Morgan kung saan may
nakita silang saranggola at naalala ni Mr. Morgan na dati ay
nagpapalipad sila ng saranggola ng kanilang mga anak. Pinuntahan nila
Sarah ang bahay nila Mr. Morgan at nakita yung lumang saranggola nila
david at pinalipad din ito. Narinig ni Sarah na siya ay pinaguusapan
ng mga anak ni Mr. Morgan kung saan inaakusahan siya ng babaeng
anak nito na baka gusto ni Sarah na pakasalanan siya ni Mr. Morgan
dahil iyon ay kadalasang nangyayare sa mga katulong daw. Umuwi si
Sarah at nadatnan niya na wala ang mga gamit sa bahay nila at dalawang
linggo na siyang AWOL.
PANGYAYARI

Pinabalik naman si Sarah sa bahay nila Mr. Morgan matapos nito


humingi ng paumanhin dahil sa inasal ng kapatid nito. Nang makarating
naman si Sarah kela Mr. Morgan ay pinalipad ulit nila ang saranggola
nila kaso ay nalaglag ito kaya hinanap ito ni Sarah sa gubat. Nang
mahanap niya ito at makabalik kay Mr. Morgan ay naka bulagta na ito sa
lapag at binawian na ng buhay. Dapat ay uuwi na sila ng pinas kaso
nang nasa airport na sila ay naisipan ni Sarah na huwag sumama pauwi
kay Teddy at manatili na lamang sa London kung saan sa huling parte ng
pelikula ay pinakita na nakuha niya na si Paulo at kalaro nito ay si Sean.
M E N SA H E
Wag matakot makipag sapalaran at
sumubok sa buhay

Walang hindi mahirap para sa pamilya

Mahirapan ka man sa umpisa, mag


bubunga rin ang lahat
SA I N YO N G PALAGAY, BAKIT
M A I T U T U R I N G NA
PELIKULANG TUMATALAKAY
SA M GA I SY U N G MIGRASYON
AT DIASPORA A N G
PELIKULANG “CAREGIVER”
BATAY SA I N YO N G
PAGSUSURI?
BATAY SA I N YO N G PAGSUSURI, A N O N G M GA
I S Y U N G M I G R ASYO N AT DIASPORA A N G
TINATALAKAY O IPINAPAKITA SA PELIKULA?

1.Pagsasakripisyo para sa pamilya


2. Diskriminasyon
3. Pangkaisipang kalusugan
A N O A N G IMPLIKASYON
N G PELIKULANG ITO SA
LIPUNAN?
•Kagalingan na magtrabaho ng mga Pinoy.
•Halaga ng Pera.
•kahalagahan ng pagkakaintindihan
sa Pamilya.
SA I YO N G PALAGAY, A N O A N G MAAARI
M A G I N G HAKBANG U PA N G
M AT U G U NA N A N G M GA I S Y U N G ITO
H I N G G I L SA M IG RASYON AT DIASPORA?
1.Dapat ay taasan ang sweldo ng bawat
manggagawang Pilipino.
2.Dapat ay mabigyan ng karapatan ang mga
mahihirap na magkatrabaho, gayon din ang bawat
Pilipino na may edad 40 pataas na may kakayahan pang
magtrabaho.

3.Dapat ay sinusuportahan din ng pamahalaan ang


mga mahihirap na mabigyan ng hanap buhay.
4. Magtalaga ang gobyerno ng mas maraming
oportunidad para sa mgandang trabaho upang manatili
na lamang sa bansa at hindi na umalis.
PAG SUSURI SA DIASPORA AT MIGRASYON

Sa aming palagay, naging mabuti ang epekto ng


migrasyon kay Sarah. Hindi man ipinakita kung naging
maganda ba ang buhay nila doon ngunit sa huli nakita
naman na nakalaya si Sarah kay Teddy, dahil nga halos
hawak na ni Tedy ang bawat desisyon na kanilang
ginagawa. Natutuhan niyang tumayo sa sarili niyang mga
paa, gumawa ng sariling desisyon, at magpakatatag bilang
isang Ina. Bukod pa rito, nabigyan niya ng maayos na
buhay ang kanyang anak na bunga ng kanyang
pagsasakripisyo bilang isang Caregiver sa London.
PAG SUSURI SA DIASPORA AT MIGRASYON

Naging maganda rin ang epekto nito kay Sarah dahil


maraming oportunidad na trabaho ang dumating sa
kaniya dahil sa uri ng kanyang edukasyon na natapos at
pag-ibig sa trabaho. Pagdating naman sa hindi
magandang epekto ng migrasyon,mas mawawalan ng
mga propesyonal na manggawa ang bansang Pilipinas
dahil mas pinili ng mga ito na manirahan at mag trabaho
sa ibang bansa.
Isulat ang mga pangyayari sa pelikula na labis na nakaapekto sa
mga pangunahing tauhan tulad ng pang-aabuso sa kanilang
bilang tao. Gawan itong maikling paliwanag
1.Nung namatay ang unang inalagaan ni Sarah. Dahil nga bago lamang sya,
ay nabigla ito nang kanyang matagpuang wala nang hininga si Lily.
Ginusto niya agad bumalik sa Pinas dahil hindi niya kaya masaksihan ang
mga pangyayaring ito at dahil din nahihirapan siya lalo na at napapalapit
ang kaniyang loob sa kaniyang inaalagaan.
2. Ang madalas na hindi pagkaka unawaan nila ni Tedy. Ipinakita sa
pelikula
na sa tuwing maglalahad si Sarah ng kanyang sa tingin ay solusyon sa
kanilang problema ay hindi ito nauunawaang mabuti ni Tedy. Halimbawa
ay sa eksena na kung saan kailangan nilang magtipid dahil ang kanilang
sweldo ay kulang pa sa kanilang mga gastusin. Nagalit si Tedy dahil
nabanggit ni Sarah na bawasan ang kanyang pag inom at ang paninigarilyo
dahil ang halaga ng pambili nito ay maaari nang ipadala kay Paulo na
kanilang anak.
Isulat ang mga pangyayari sa pelikula na labis na nakaapekto sa
mga pangunahing tauhan tulad ng pang-aabuso sa kanilang
bilang tao. Gawan itong maikling paliwanag

3.Ang pagdedesisyon ni Tedy para kay Sarah. Nabanggit ng ina ni Sarah


na maganda na yung trabaho niya sa Manila pero dinala pa siya ni Tedy sa
probinsya para mag asikaso ng negosyo. Maging ang pag dedesisyon sa
pangingibang bansa ay desisyon ni Tedy.
4. Narinig ni Sarah na pinaguusapan siya ng mga anak ni Mr. Morgan at
sinabihan na nais lamang nito maipakasal sa tatay nila dahil sa pera dahil iyon
ang madalas na tingin sa mga carer o katulong.
5.Kay Teddy naman, ang labis na nakaaapekto sa kanya bilang isang tao ay
yung trabaho niya. Nurse siya pero naging isa siyang health care assisstant.
Tingin niya ay sobrang baba ng kaniyang trabaho at tingin nya ay kinaaawaan
siya ni Sarah.
G RO U P
1
MEMBERS:

Angga, Jessica
Añ ora, Klaire Jean
Asesor, Ella Jamaica
Balagao, Janelle
Bognalos, Mark Chester
Bustamante, Keana Dane
Cajaljal, Aeron
Conversion, Frely
Destor, Gabriel
Devaras, Drev Jan

You might also like