Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Ang Kodla Ng Ifugao

• Ang kodla o kiwil ay isang uri ng agimat na


maaaring sa anyo ng maliit na bato, isang
piraso ng buto o tinapong mga damo.
• Ito ay isang pambihirang ari-arian at mapalad
ang isang Ifugao na nagmamay-ari ng isa nito
• Ang paniniwala sa kanyang kapangyarihan ay
di kailanman maipagkakaila ng mga
matatandang Ifugao.
Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat atBugan. Sila ay
masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop. Isang araw lumabas si Cabigat upang mamasyal
na karaniwag isinasagawa sa mga kalapit na nayon. Habang sila’y wala, inilabas ng kanyang asawang si Bugan ang
kanyang panghabi upang humabi ng isang tapis. Noong dakong hapon,isinampay niya ang natapos na tapis sa
silong ng bahay. Sila’y nagbayo ng palay para sa hapunan at agahan. Sa ambato, naisipan ni Puwek, ang bathala ng
bagyo, na mamasyal sa mga kabundukan, burol at lambak. Sinimulan niya ang kanyang paglalakbay sa
pamamagitan ng pagdaraan sa ilang nayonhanggang sa makarating siya sa Lamut.
Isa itong mapanirang paglalakbay dahil sa lahat ng naraanang mga punongkahoy at
pananim ay walang awang nasisira. Ang panghabi ni Bugan ay tinangay din at nasira, at
ang palay na kanyang binayo ay kumalat sa lupa. Ang kaawa-awang si Bugan ay umiiyak
na napaupo samantalang nagdaraan ang nagngangalit na hangin. Pagkatapos ng bagyo,
si Cabigat ayumuwi. Subalit ano ang kanyang nakita? Nakita niyang ang lahat ng kanyang
mga punong namumunga ay nabuwal at ang panghabi at palay ay nakakalat sa lupa.
Namamaga rin ang mga mata ni Bugan dahil sa pag-iyak. Walang kibo si Cabigat. Wala
siyang masabi kahit isang salita dahil sa ang laman ng kanyangpuso ay pulos pagkagalit.
Matapos na minsan pang pagmasdan ang naging masamang kapalaran,
Madamdaming nasabi ni Cabigat na “Bakit, sino ang gumawa ng lahat ng ito?’ Dahan-dahang itinaas ni
Bugan ang kanyang ulo at sumagot, “Dumating sa hapong ito si Puwek at walang awing ibinuwal ang lahat ng
ating mga namumungang puno, sinira ang aking panghabi at ikinalat ang lusong. Sumisisgawako sa
pagmamakaawa ngunit hindi niya ako pinakinggan. Tulad ng isang ulol na leon, pumasok sa bahaysi Cabigat
at kinuha ang kanyang sibat at palakol. Nagbalot siya ng ilang pandikit at nanaog. At saka sinabi sa kanyang
asawa, “Bugan dumito ka sa bahay at alagaan ang naiwan nating aria-arian. Susundan ko si Puwek, ang
bathalaa ng bagyo. Nais ipaghiganti ang lahat ng paninirang kanyang dinala sa ating masayang tahanan.
”At pagkatapos ay di naghintay ng kasagutan, si Cabigat ay nagsimula sa kanyangmapanganib na paglalakbay.
Madali niyang nasundan ang kanyang kaaway dahil sinundan lamang niyaang mga daang
may palatandaan ng paninira . Mahaba ang paglalakbay, ngunit matapang niyangnilakbay
ang mga kabundukan hanggang sa wakas ay marating niya ang Ambato. Sa kanyang labis
napagkamangha, natagpuan niyang ang bahay ni Puwek ay isang engkantong lugar. Ito ay
malaki at panaybato. Sa ilalim ay may isang tanel na siyang kinaroroonan ng kuwarto ni
Puwek. Walang nabubuhay nabagay sa paligid-ligid ng bato. Pagpapakamatay sa sinuman
ang lumapit sa engkantong lugar, ngunit di natakot si Cabigat. Naroroon siya upang
maghiganti. “Anong aking gagawin para siya ay mapatay?”Tanong niya sa kanyang sarili.
Sa pamamagitan ng dinala niyang pandikit, pinagdikit niya ang mga siwangsa mga
torso. At pagkatapos ay buong lakas siyang sumigaw, “Puwek, hipan mong muli.
Gusto kongsubukin ang iyong lakas.” Kaya muling lumabas si Puwek at hinipang
palayo ang bakod. Pinagsikapanniyang mabuti, susbalit hindi siya makalabas,
Naramdaman niyang nahihirapan siyang huminga. “Sino kang napakatapang para
pumarito sa engkanto kong tahana? Ikaw lamang ang taong nakarating sa bungad ng
aking pintuan,” sigaw ng bathala ng bagyo. “Ako si cabigat ng Lamut. Sinundan kita
dahil sinira mo ang aking mga namumungang puno at ang panghabi ng aking asawa,
at iyon itinapon ang palay na kanyang binabayo.” Naramdaman ni Puwek na siya ay
lalong hindi makahinga sa loob ng kanyang kuwarto. Kaya nagmakaawa siya kay
Cabigat na buksan na ang pinto at nangakong di siya saasaktan.
“a, siyanga pala, sasarhan ko ang kanyang pintuan at hahayaan siyangmamatay sa gutom sa sarili niyang
kuwarto.” Sinimulang isagawa ni Cabigat ang kanyang balak. Kinuhaniya ang kanyang palakol at pinutol ang
lahat ng malalaking puno sa pintuan. “Ngayon , Puwek, hipan mong mabuti at tingnan ko kung gaano ka
kalakas.” Sigaw ni Cabigat. Nagmamadaling lumabas ang bathala ng bagyo at hinipang lahat ang mga
torso. Lumipad silang lahat at sa itaas sa lahat ng direksyon.Muling pumasok si Puwek sa kanyang kuwarto
nang walang sinabi kahit na isang salita. Hindi nawalan ng pag-asa, ang galit na galit na si Cabigat ay naupo
upang umisip ng ibang balak para makapaghiganati.Naisip niyang sarhan ang pinto ng mabibigat na mga
torso. Kinuha niyang muli ang kanyang palakol atnagnguha ng mga punong yakal. Dinala niya sa bungad ng
pinto at itinayo niya ang kanyang pader sapangalawang pagkakataon.
“Hindi,” galit na sagot ni Cabigat. “Hindi mo kinaawaan ang aking asawa nang siya’y
magmakaawa sa iyo.Kaya gusto kong ipaghiganti ang lahat ng mga paninirang iyong ginawa sa
aking masayang tahanan.” Sa loob ng tanel, humina nang humina si Puwek. Pinilit niyang hipan
ang bakod ngunit wala siyang magawa. Halos di siya makahinga dahil ang pintuan ay sinarhan.
Kaya muli siyang nagmakaawa. “Cabigat, maawaka, Iligtas mo ang aking buhay. Kung ako’y
iyong ililigtas, ituturo ko sa iyo ang seremonya sa paglilinang ng palay. Magiging higit kang
mayaman kay sa noon kung matutuhan mo ang bagay na ito,” sigaw niPuwek. Muling sumagot
si cabigat, “Hindi. Hindi ko kailangan ang iyong iniaalok.
Mayaman ako sa Lamutat alam ko ang seremonya sa paglilinang ng palay.” Nang ang
bathala ng bagyo ay nasa bingit na ng kamatayan, muli siyang nagmakaawa. Ang wika
niya’y “ibibigay ko sa iyo ang aking kodla at ituturo ko saiyo ang kiwil. Isang bagay itong
makapangyarihan at magpapayaman sa iyo.” Dahil sa malaking pagnanais na malaman
ang ituturong karunungan, napaniwala si cabigat. Inalis niya ang mga torso atmasayang
lumabas si Puwek. Pagkatapos ay ngumanga siya ng hitso. Inilabas ni Puwek ang
mahiwagang bato at ipinakita sa kanyang bagong kaibigan. “Mahalaga sa akin ang
batong ito, wika niya.
“Hindi ako nararapat mawalay ditto, ngunit iniligtas mo ang aking buhay. Ibibigay ko ito
sa iyo gaya ng aking pangako.” Pagkatapos ay itinuro niya kay Cabigat ang seremonya.
“Sa iyong pag-uwi, huwag mongkalilimutang alayan ako at ang ibang mga bathala ng mga
manok at baya, katutubong alak, upang manatili magpakailanman ang kapangyarihan ng
iyong kodla..” “Oo,” wika ni Cabigat , “Gagawin konglahat ang iyong mga sinabi.” Kaya
tinanggap ni Cabigat ang kodla mula sa nag-aatubiling kamay niPuwek. Sa kanyang
daraanan, nakakita si Cabigat ng isang pulang ibong umaawit ng isangnagbababalang
awit na nangangahulugan ng masamang kapalaran. Nagalit siya at sa pamamagitan
ngkanyang daliri ay itinuro ang pulang ibon. Ang tuka ng pulang ibon ay agad nabuksang
tulad ng isangpares ng gunting. Ang kaawa-awang ibon ay di makapagsalita. Pagkatapos
ay tumawa si Cabigat.
“Mabuti, isa na akong makapangyarihang tao ngayon,” wika niya sa kanyang sarili.
Ipinagpatuloy ni Cabigat ang kanyang paglalakbay. Sa isang bahagi ng daan nakita niya
ang isang kawan ng mga balang nanagliliparan sa kanyang daraanan. Batid niyang isa
itong masamang palatandaan para sa isangmanlalakbay. Kaya kinuha ni Cabigat ang
kanyang sibat at tinungayawan ang kawan ng mga balang. Angkapangyarihan ng
kanyang kodla ay muling nasubok sa pangalawang pagkakataon. Mula noon at
siCabigat ay lubos na naniwala sa kapangyarihan ng kanyang gantimpala. Pagdating
niya sa kanyangtahanan, tinipon niya ang kanyang mga kamaganak at kapitbahay.
Sa pamamagitan ng mga inihandangalak at mga manok, isinagawa nila ang
seremonya ng pagpapasalamat. Hiningi nila ang pagpapala ng mga bathala sa
daigdig sa itaas, gitnang daigdig, daididg sa ibaba at kay Puwek na nagkaloob
kay Cabigatng kodla at nagtuaraioa sa kanya ng kiwil. Ipinagatapat ni Cabigat sa
kanila kung paano niya nakamit anggantimpala. Iginalang ng mga tao ang
kanilang pinuno nang higi kaysa noon. Masayang namuhay siCabigat at ang
kanyang asawa. Naging higit silang mayaman at higit na minahal ng mga tao,
Tinuruan niCabigat ng kiwil ang ilan sa kanyang mga tao. Lagi siyang tinatawag
upang magsagawa ng seremonyapara sa kanila. Mula noon ang Lamut ay
naging higit na mapayapa at maunlad sa pamamagitan ngkapangyarihan ng
kodla at kiwil.
Sa kasalukuyan, ang mga Ifugao, lalo na ang mga matatanda ay nag-iingat pa ng kodla
Natatandaan nilang mabuti sina Bugan at Cabigat para dito. Ang seremonya ng
kodlaat kiwil at binibigkas sa gayog mga okasyon na matapos ang isang mahabang
paglalakabay, kung nag-uuwi sa bahay ng ilan ng bagong karne at sa pakakasakit gaya
ng pinaniniwalaan na dala ng masasamangespiritu. Pinaniniwalaan pa rin na ang
taong nag-aangkin ng kodla ay ligtas sa alinmang panganib saanman siya magtungo.
Ang kodla ay ay pinaghirapang kinin ng mga unang nagmay-aring Ifuago.
Para saan ang Kodla

• Proteksyon
kung sila ay makikidigma, magalaknay ng malayo, mangangaso sa
masukal na kagubatan o tatawid ng malalaking ilog

Paano mapapanatili ang lakas ng kodla

• Upang mapanati o masmapalaks ang bisa ng kodla


ay may ritual silang ginagawa o yung “bakki” kung
tawagin sa Ifugao
• Wag kumain ng mga pagkain na mayaman sa laya o
luya
• Wag ipagkalat na mayganito kang uri ng agimat

You might also like