Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

‘‘CREATING GOOD IDEA

IS BETTER, BUT TO
MAKE IT REAL IS BEST’’
PANUKALANG PROYEKTO
Nebiu 2002

• Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga


aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak
na problema.

• Makikita ang detalyadong pagtalakay sa dahilan at


(project justification)
pangangailangan sa proyekto panahon sa
pagsasagawa ng proyekto (activities and
implementation timeline) at kakailanganing resorses
(human material and financial resources required)
HINDI PWEDE! 

• Hindi maituturing na proyekto ang mga dating


aktibidad na nauulit sa eksaktong pamamaraan at
periodikong isinagawa.
• Walang malinaw na layunin at
• Mga regular na aktibidad ng organisasyon
Ang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat;
minsan ito’y nasa anyong oral na presentasyon. Maaari
itong internal o inihahain sa loob ng kinabibilangang
organisasyon at eksternal na isang panukala para sa
organisasyong di-kinabibilangan.
Ang panukalang proyekto ay maaaring solicited o
unsolicited
Ang panukalang proyekto ay isinasagawa dahil may
pabatid ang isang organisasyon sa kanilang
pangangailangan ng isang proposal ay tinatawag na
solicited proposal, samantala kung wala naman at kusa o
nagbaka-sakali lamang ay unsolicited.
Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited at
prospecting ang unsolicited
Ang panukalang proyekto ay may dalawang uri:
ang tinatawag na Maikli at Mahabang panukalang
proyekto.

Ang isang maikling proyekto ay mayroon lamang


dalawa hanggang sampung pahina (2-10pages)
na kadalasan ay nasa anyong liham. Samantala,
ang mahabang proyekto ay naglalaman ng mahigit
sa sampung pahina.

Ang dalawang uri ng proyekto ay nakadepende sa


kahingian ng organisasyon kung ito ay imbitado o
di-imbitado
Pagsulat ng Panukalang Proyekto
I. Titulo ng Proyekto
Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang
proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina.
Kasama sa pahinang ito ang titulo ng Proyekto,
pangalan ng nagpapanukalang organisasyon,
lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at
ahensyang pinaglalaanan ng panukala

Tandaan: ang titulo ng proyekto ay dapat na maiksi


at tuwiran, dapat na tumutukoy sa pangunahing
aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto
II. Nilalaman
Idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal
ay aabot ng sampu o higit pang pahina. Mahalaga ang
pahinang ito upang madaling mahanap ang mga
bahagi ng proposal. Naglalaman ito ng titulo ng bawat
seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.
III. Abstrak
Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala.
Inaasahang makikita rito ang pagtalakay sa suliranin,
layunin, organisasyon na responsible sa
implemenasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at
ang kabuuang badyet. Ginagawa ito upang
magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan
ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito.
IV. Konteksto
ito ay naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko,
politikal at kultural. Naglalaman ito ng mga
kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na
naitala mula sa pagpaplano sa proyekto o mga
datos na nakolekta mula sa iba’t ibag sors

V. Katwiran ng Proyekto
1. Pagpapahayag sa suliranin
2. Prayoridad na pangangailangan
3. Interbensyon
4. Mag-iimplementang organisasyon
Pagpapahayag ng suliranin- tinatalakay sa
bahaging ito ang tiyak na suliraning
pinagtutuunang solusyonan ng panukala.
Binibigyang diin dito kung paano ang isang isyu o
sitwasyon ay nagiging suliranin. Kaugnay nito,
pinatutunayan sa bahaging ito kung ano ang
pangangailangan ng mga benepisyaryo batay sa
nakitang suliranin.
Prayoridad na Pangangailangan- pinapaliwanag
dito ang pangangailangan ng mga target na
makikinabang sa pagkakaroon ng suliranin at
paano napagdesisyunan ang mga isasaad na
pangangailangan
Interbensyon- inilalarawan sa bahaging ito ang
estratehiyang napili kung papaano sosolusyunan
ang suliranin at gayon din tatalakayin kung
papaanong magdadala ng pagbabago ang
gagawing hakbang
Mag-iimplementang organisasyon-inilalarawan
dito ang kapabilidad ng nagpapanukalang
organisasyon upang tugunan ang suliraning
inilahad. Inilalahad dito kung bakit sila ang
karapat-dapat upang pagkatiwalaang solusyunan
ang suliranin. Binibigyang empasis din dito ang
ekspertis ng organisasyon o ng indibidwal na
magsasagawa ng proyekto
VI. Layunin
Inilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon
ng panukalang proyekto. Iniisa-isa din ang tiyak na
layuning sumusunod:
1. Dapat na isa lamang ang masaklaw na layunin
ng panukala
2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin
sa bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti; at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng
kontribusyon ng layon sa bisyon
VII. Target na Benepisyaryo
Ipinakikita sa bahaging ito ang mga makikinabang
sa panukalang proyekto at paano sila
makikinabang dito. Sa pagtukoy sa mga
katangiang ito, maaaring gamitan ng krayterya
tulad ng etnisidad, edad, kasarian at iba pa.
VIII. Implementasyon ng proyekto
Ipinakikita rito ang iskedyul at alokasyon ng
resorses. Mahalagang maipakita kung sino ang
gagawa sa mga aktibidad at kailan at saan ito
gagawin.
Iskedyul- detalye ng plinanong aktibidad.
Magagamit ang mga talahanayan at gantt chart sa
pagpapakita ng mga ito.
Alokasyon-mga kakailanganin upang isagawa
ang mga aktibidad ayon sa iskedyul. Tumutukoy
dito ang mga kategorya na gastusin upang
magkaroon ng buod ng impormasyon ukol sa
gastusin na kakailanganin sa pagbabadyet. Hal.
Kagamitan, sahod at mula rito’y maiuugnay ang
yunit, bilang, presyo at iba pa.
Badyet-buod ng gagastusin at kikitain sa proyekto.
Mga expenses at kita o income
Pagmonitor at Ebalwasyon-kung paano at kailan
isasagawa ang mga aktibidad para mamonitor ang
pag-unlad ng proyekto; anong metodo ang
gagamitin sa pagmonitor at evaluate at sino ang
magsasagawa ng pagmonitor at ebalwasyon.
Pangasiwaan at Tauhan- maikling deskripsyon ng
bawat miyembro ng grupo na gumawa ng
panukalang proposal. Tungkuling nakaatang sa
bawat myembro at maaaring isama na lamang ang
curriculum vitae ng mga miyembro.
Lakip-mga karagdagang dokumento o sulatin na
kakailanganin upang lalo pang mapagtibay ang
panukalang proyekto.
Dugtungan mo 

NABATID KO NA …
PROYEKTO BLG. 1
MAGSAGAWA NG ISANG VIDEO INTERVIEW
O BIRTWAL NA PANAYAM TUNGKOL SA
ISANG PROYEKTONG NAIPATUPAD SA
INYONG BRGY. O SA KILALANG POLITIKO
(GAWING BATAYAN ANG ARALIN SA
PAGBUO NG MGA TANONG)

(ANG PAGLABAS AT PAGTUNGO SA IBANG LUGAR O BRGY.


AY MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL)

GAMIT ANG VENN DIAGRAM ILISTA ANG DALAWANG PROYEKTO
NG INYONG BARANGGAY, SURIIN AT TUKUYIN KUNG PAANO
NAGKAKAIBA AT NAGKAKATULAD ANG ISA’T ISA.

PROYEKTO 1 PROYEKTO 2

PAGKAKAT
ULAD
TAKDA

1. MAGSALIKSIK NG ISANG
PANUKALANG PROYEKTO NG ISANG
POLITIKO/POLITIKA

2. HUMANDA SA PAGSULAT ANG BAWAT


PANGKAT NG ISANG PANUKALANG
PROYEKTO

You might also like