AP 2 Lesson 17

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Welcome to A.P. 2 Class!

Mr. Rolando C. Baldomar Jr.


Guro
Pamamahala sa Aking Komunidad:
Konsepto at Tungkulin

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang konsepto ng pamamahala at
pamahalaan
2. Naipapaliwanag ang mga tungkulin ng pamahalaan sa komunidad
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
 Ang tagumpay ng pamumuno sa isang komunidad ay
nakasalalay sa talino at husay ng mga pinuno sa pamamahala
nito.
 Mahalagang maunawaan ng bawat isa ang konsepto ng
pamamahala at pamahalaan, at maging ang mga tungkulin
ng
mga pinuno sa komunidad o
ng pamahalaan sa
komunidad.
Pagtatalakay
Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan
 Ang pamamahala o pamumuno ay pambihirang
karapatan at mahalagang katungkulan ng sinumang gustong
maglingkod sa bayan.
 Ang pinuno ang nangunguna at nangangasiwa sa
gawaing itinakda ng isang pangkat, samahan o
kalipunan ng mga tao.
Pagtatalakay
 Ang pamahalaan ay isang institusyon na binubuo ng mga
pinunong pinili na gumanap ng mga tungkulin at maipatupad
ang mga serbisyo upang mapabuti ang kalagayan ng mga
mamamayan.
Pagtatalakay
 Ang kaunlaran at katahimikan ng isang komunidad ay
nakabatay sa uri ng pinuno o namamahala.
Kinakailangang magpakita ng magandang halimbawa ang mga
ito na maaaring tularan.

1. Ano ang ibig sabihin ng pamumuno?


2. Bakit kailangan ang mga namumuno
sa komunidad?
3. Magbigay ng halimbawa ng mga
pinuno o namamahala sa inyong komunidad.
Pagtatalakay
Tungkulin ng Pamahalaan sa Komunidad
 Upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan sa isang
komunidad, tungkulin ng pamahalaan at ng mga namumuno
na magpatupad ng programa at proyekto para sa ikauunlad
nito.
 Ang mga ito ay mga serbisyong
dapat itaguyod ng
pamahalaan.
Pagtatalakay
 Ang isang komunidad ay dapat may ‘Health Center’ upang
matugunan ang mga problemang
pangkalusugan ng mga mamamayan sa
komunidad. Ito ay isa sa mga pangunahing serbisyo – ang
serbisyong medikal ng pamahalaan sa isang komunidad.
Pagtatalakay
 Maliban sa nabanggit, ilan pa sa mga tungkulin ng
pamahalaan sa komunidad ay ang mga sumusunod:
✓ Pagbibigay ng libreng edukasyon
✓ Pabahay para sa mga mahihirap
tulad ng ‘Habitat for Humanity’
✓ Pagsasaayos ng mga kalsada at kanal
✓ Pagkakaroon ng maayos na pamilihang bayan
✓ Pagsasaayos sa daloy ng trapiko sa mga lansangan
✓ Panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa lugar
Pagtatalakay
 Ano pa sa iyong palagay ang tungkulin ng
pamahalaan upang mapaunlad ang inyong komunidad?
Pagtatalakay
Suriin ang mga sumusunod na larawan.
A. Anong bagong proyekto ni kapitan para
sa kanyang nasasakupan?
Pagtatalakay
B. Anong pangunahing serbisyo ng pamahalaan ang
ipinapakita sa larawan?
Paglalapat
Iguhit ang kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
magandang pamumuno at naman kung hindi.
_____ 1. Malinis ang palengke at walang basurang
nakakalat kung saan-saan.
_____ 2. Maraming nag-aaway na mga tambay sa kalsada.
_____ 3. Iba-iba man ang paniniwala subalit nagkakaisa ang
mga mamamayan sa komunidad sa paglilinis ng kapaligiran
Paglalapat
_____ 4. May mga ordinansang ipinapatupad sa barangay para
sa katahimikan ng komunidad.

_____ 5. May maayos na kalsada mula sa mga taniman patungo


sa mga pamilihan.
Paglalahat
 Mahalaga ang namamahala o mga pinuno para sa
kaayusan, kaligtasan, katahimikan at kaunlaran ng
isang komunidad.
 Dapat ay may mabuting katangian tulad ng
pagiging maka-tao at maka-Diyos na dapat tularan ang mga
namumuno.
 Kailangang magampanan nang maayos ng
pamahalaan lalo na ng mga namamaha-
la ang mga tungkulin upang maitaguyod
ang serbisyo publiko.
Pagtataya
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pahayag at Mali
naman kung hindi.
__________ 1. Ang mabuting pinuno ay naglilingkod nang kusa
at hindi naghihintay ng ano mang kapalit.
__________ 2. Hindi isinaalang-alang ng namumuno ang
damdamin ng mga mamamayan na kanyang nasasakupan.
__________ 3. Malaki ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa pagpapabuti ng pamumuhay sa isang
komunidad.
Pagtataya
__________ 4. Kailangan ang pagtutulungan ng mga
pinuno at mga kasapi ng komunidad upang maging
matagumpay ang mga proyekto at programa ng pamahalaan.
__________ 5. Ang maunlad at tahimik na komunidad ay bunga
ng hindi maayos na pamumuno.
Takdang-Aralin
Basahin at sagutin. (10 puntos)
1. Sa iyong palagay, bakit kailangan ang serbisyo ng
mga Barangay Health Workers sa isang
komunidad?
Takdang-Aralin

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________

You might also like