Professional Documents
Culture Documents
Rizcour
Rizcour
Rizcour
REN CARE
De La Salle Lipa
Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas
Mga dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa
Pilipinas
Operahan ang mata ng kanyang ina
Tulungan ang naaapi niyang kababayan sa
Calamba
Mabatid sa kanyang sarili ang epekto ng Noli Me
Tangere sa bansa at mga Kastila
Malaman ang dahilan ng pananahimik ni Leonor
Rivera
si Leonor Rivera ang
kasintahan ni Rizal
Ang Pabalik ng Bansa
Sumakay siya ng tren mula Roma patungong
Marseilles at dito’y lumulan sa barkong
Djemnah patungong Saigon (Vietnam)
Dumating siya ng Saigon noong Hulyo 30
Mula Saigon sumakay siya sa Haifong na
dadaong sa Maynila
Narating niya Calamba noong Agosto 8,
matapos ang 2 araw na pamamasyal sa
Maynila
Nagtayo si Rizal ng klinika sa Calamba dito
niya inalis ang katarata sa mata ng ina
Nakilala siya bilang Doktor Uliman dahil
siya ay nagmula sa Alemanya (Germany),
marami siyang naging pasyente sa Calamba
Nagtayo rin siya ng paaralan na nagtuturo ng
sports tulad ng eskrima, gun shooting at
gymnastics
Ngunit di niya natupad ang pagdalaw kay
Leonor
Ayon sa kapatid na si
Paciano, sumama ang
imahe ni Rizal sa mga
Kastila dahil sa nobelang
Noli
Ilang linggo pagdating
sa Calamba siya ay
ipinatawag ni Gob. Hen.
Emilio Terrero sa
Malacanang upang
ipaliwanag ang kanyang
nobelang Noli
Naging maayos ang pag-uusap nina Rizal at
Terrero; humiling pa ng isang kopya si
Terrero kay Rizal upang mabasa at masuri
Nagbigay naman ng kopya si Rizal sa
gobernador heneral
Agad nalaman ng gobernador heneral ang
panganib sa buhay ni Rizal kaya binigyan
niya ito ng tagabantay
Ang naging tagabantay ay isang tinyenteng
Kastila na si Don Jose Taviel de Andrade
Galit ang mga prayle kay Rizal dahil sa
kanyang nobela
Ang Arsobispo ng Maynila na si Pedro Payo
ay nagpadala ng sipi sa Rector ng UST na si
Padre Gregorio Echavarria upang suriin ang
nobela ng isang komite; ayon sa komite ang
nobela ay heretiko, iskandaloso at hindi
makabayan
Ipinadala naman ni Gob. Terrero sa Komisyon
ng Censura ang pag-aaral ng komite
Ayon kay Padre Salvador Font na siyang
puno ng Censura, ito ay subersibo at nararapat
na itigil ang importasyon at sirkulasyon
Kaya’t ipinagbawal ang pagbili at pagbasa ng
Noli
Isang kurang Agustino mula sa Guadalupe ang
naglathala ng librito na may pamagat na
“Caiingat Cayo” (Beware)
Isinulat ni Padre
Jose Rodriguez na
ang bumabasa ng
Noli ay
nakagagawa ng
kasalanang mortal
dahil ang aklat ay
puno ng
kasinungalingan
At mula sa Espanya, isinulat ni Vicente
Barrantes ang mga panunuligsa sa nobela sa
pahayagang La España Moderna; dalawang
senador ng Spanish Cortes ang umatake sa
Noli
Sa katauhan ni Dolores Manapat (M.H. del
Pilar) tinapatan niya ang librito ni Padre
Rodriguez na “Caiingat Cayo” na may kasing
tulad na pamagat at anyo na tumutuligsa dito
Sumagot rin sa
pamumuna ni Padre
Rodriguez si Padre
Vicente Garcia isang
Pilipinong Pari at
iskolar na nagsalin ng
“Imitation of Christ” ni
Thomas a Kempis,
gamit ang sagisag
panulat na Justo
Desiderio Magalang
Ayon kay Padre Garcia:
Di tamang si Rizal ay ignorante sapagkat ito’y
iskolar ng mga unibersidad sa Espanya
Ang Noli ay tumutuligsa sa mga tiwaling
paring Kastila
Dahil nabasa niya ang nobela siya rin at
nakagawa ng kasalanang mortal
Ang mga hinaing ng mga magsasaka:
Ang kita ng mga Dominikano ay lumalaki dahil
sa pagtaas ng mga upa ng mga magsasaka
Ang ilang umuupa ay pinapalayas sa sakahan sa
di-matukoy na mga dahilan
Mataas ang interes ng mga umuupang nahuhuli
sa pagbabayad at kung hindi makabayad ay
kinukuha ang kalabaw, gamit at mga bahay
Lubos na makapangyarihan ang mga paring
Dominikano kaya walang nagawang aksyon
para sa mga magsasaka
Lumala ang galit ng mga pari kay Rizal kaya
pinayuhan si Rizal na umalis na muli ng bansa
Bago siya umalis ng bansa ay sinulat niya ang
tulang “Himno al Trabajo” para sa mga
masisipag na manggagawa sa Lipa, Batangas.
Muling Paglalakbay ni Rizal
Mula sa anim na
buwan na pamamalagi
sa Pilipinas muling
tumulak ng ibang
bansa si Rizal
Ang una niyang
destinasyon ay ang
kolonya ng Britanya sa
Asya ang Hongkong
Sa Hongkong niya
nakilala sina Don
Manuel Iriarte at Jose.
Ma. Basa; nakilala niya
rin Balbino Mauricio
Dinalaw niya sa Macao
si Don Francisco
Lecaros; matapos ang
15 araw si Rizal ay
tumulak ng puntang
Japan lulan ng barkong
Oceanic
Dumating ang Oceanic
sa Yokohama noong
Pebrero 28; namangha
si Rizal sa bundok ng
Fuji
Nagpatala siya sa hotel
at doon niya natanggap
ang paanyaya ng
Legado ng Espanya na
nasa Tokyo;
Batay sa imbitasyon ni Kalihim ng Legado na
si Juan Perez Caballero, malayang
makapaninirahan si Rizal sa Legado; tinangap
ni Rizal ang imbitasyon para makatipid at dahil
wala naman siyang kailangang ilihim sa mga
Kastila sa Legado
Habang siya ay nasa Japan siya ay nag-aral ng
wikang Nihonggo
Nanood siya ng kabuki; nag-aral ng judo at
sining ng pagpipinta na kung tawagin ay
sumi-e
Mga dahilan ng pagkawili ni Rizal sa
Japan:
Magagandang tanawin
Malinis, magalang at masipag na mga tao