Pinagmulan NG Ating Komunidad AP2-1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Pinagmulan ng

Ating Komunidad
Taong Nanirahan sa Rizal, Kalinga
 Ayon sa kasaysayan mahigit 700,000 taon na ang nakalilipas
may mga taong unang nanirahan sa Pilipinas.

 Taong 2014, natagpuan ng mga siyentipiko ang mga labi o


buto ng mga kinatay na rhinoceros. Natagpuan ang mga
kagamitang bato na pinaniniwalaang kagamitan ng mga
naninrahan doon. Natagpuan ito sa tabi ng mga labi o buto
ng usa , bayawak , pagong.
 Ang mga sinaunang mamamayan ng lalawigan ng Rizal ay
unang nanirahan sa mga pampang ng Laguna de Bay. Bago
dumating ang mga Kastila, ang mga pamayanang ito,
gayundin ang mga pamayanan sa pampang ng Ilog Pasig, ay
pinamumunuan ni Raha Sulayman na pamangkin ni
Lakandula, ang pinuno ng Tondo.

 Pinaniniwalaan na ang mga taong nanirahan doon ay


nabuhay sa pangangalap o pagkuha ng makakain sa puno,
at halaman at sa pangangaso o panghuhuli ng mga hayop.
Ang Taong
Callao
Ang Taong Callao
 Sila ang mga unang taong nanirahan sa Cagayan Valley
mahigit sa 67,000 taon na ang nakalipas. Sila ay
pinaniniwalaang isang Homo Erectus dahil sa mga maliliit na
buto at paa na natagpuan noong 2007 sa kweba ng Callao,
Peñablanca, Cagayan. Tinawag itong taong Callao batay na
rin sa pangalan ng lugar kung saan ito natagpuan.
Pangangaso at pangangalap ng pagkain ang kanilang uri ng
pamumuhay.
 Taong 2011 at 2015 muling nakahukay ang mga siyentipiko
ng 7 ngipin,2 buto ng paa at isang buto ng hita na tinatayang
mula sa 3 tao, ang mga ito ay dalawang matanda at isang
bata, tinawag silang Luzonensis.
Ang Taong Tabon
Ang Taong Tabon
 Ayon sa pananaliksik ng mga siyentipiko, ang mga
komunidad sa Palawan ay nagsimula mahigit 30,000
taon na ang nakalipas. May natagpuan na mga labi ng
buto ng tao sa kweba ng Tabon, kaya’t tinawag silang
mga Taong Tabon. Pinaniniwalaan na nabuhay sila sa
pamamagitan ng pangangaso at pangongolekta ng
mga halamang makakain.
 Gumamit sila ng makikinis na bato at pinaniniwalaan
ding gumamit sila ng apoy dahil sa natagpuang uling
sa kweba.
Ang Taong Aeta
Ang Taong Aeta
 Sa Luzon at Visayas, kinikilala ang mga Aeta bilang mga
unang tao sa ilang komunidad nabuo noon. Sila ay kilala rin
sa katawagang Ita, Ayta, o Negrito.
 Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa kabundukan ng
Zambales, Sierra Madre, Panay at Negros.
 Nabuhay ang mga Aeta sa pamamagitan ng pangangalap,
pangangaso, at pangingisda.
 Ang kanilang mga kagamitan ay pana, sibat, at itak.
Gumagawa rin sila ng bitag upang makahuli ng mga hayop
na maaaring kainin. Namundok ang mga Aeta ng dumating
ang mga dayuhan.
Tukuyin ang inilalarawan. Tabon, Callao, Aeta o Rizal
1. Ang mga unang taong nanirahan sa Cagayan Valley CALLAO
2. Matatagpuan sa kabundukan ng Zambales, Sierra AETA
Madre, Panay at Negros.
3. Natagpuan na mga labi ng buto ng tao sa kweba sa TABON
Palawan
4. Ang kanilang mga kagamitan ay pana, sibat, at itak. AETA
5. Tinatawag silang Luzonensis. CALLAO
6. Gumamit sila ng makikinis na bato at apoy TABON
7. Namundok sila nang dumating ang mga dayuhan. AETA
8. Natagpuan ng mga siyentipiko ang mga labi o buto RIZAL
ng mga kinatay na rhinoceros.

You might also like