Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Hindi gaanong mahalaga sa buhay kung anong kayamanan o anong uri

ng bagay mayroon ka sa iyong kamay kundi ang mahalaga’y kung paano mo


pinatatakbo o pinalilipad ang iyong buhay na gaya ng isang maliit na
saranggola na kung ikokompara sa maganda at makulay na guryon ay tila
napakalayo ng agwat.
Sabi nga ng ama sa kanyang anak, “Kaya tandan mo, ang taas at tagal ng
pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang Malaki ay
Madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at
kung bumagsak, lagging nawawasak.”
Huwag maging kampante. Kahit ang pinakamayamang tao ay maaring
maging mahirap at mawalan ng lahat ng kaniyang kayamanan kung hindi
niya ito iingatan at gagamitin nang mahusay.
Pang-uri at Kaantasan nito
Pang-uri
 Angtawag sa mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa
mga pangngalan at panghalip. Ito ay may kaantasan o kasidhian:
1. Lantay
2. Pahambing
 Magkatulad
 Di-magkatulad: Pasahol at Palamang
3. Pasukdol
1. Lantay
 Ito
ay naglalarawan lamang ng isa o payak na
pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Ang makulay na guryon ay magandang
pagmasdan.
2. Paghahambing
 Angpang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri:
 Magkatulad – Ang paghahambing kung paras sa katangian
ang pinagtutulad. Ginagamit dito ang panlaping ka, magka,
sing, gaya, tulad, at iba pa.
 Halimbawa: Magkasing-yaman ang mag-ama sa kuwento.
2. Paghahambing
 Di-Magkatulad – Ang paghahambing kung nagbibigay
ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.
 Palamang (lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa)
 Halimbawa: Ang ganitong panuntunan ay maaring
maging daan ukol sa lalong maunlad na kabuhayan
2. Paghahambing
 Di-Magkatulad
 Pasahol (di-gaano, di-gasino, di-masyado)
 Halimbawa: Di-gaanong istrikto ang anak kompara sa
ama.
3. Pasukdol
 Nasa pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol. Ito ay
maaaring positibo o negatibo. Ang paglalarawan ay masidhi kung
kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay,
talaga, saksakan, hari ng, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
 Halimbawa: Pinakamaganda ang panuntunang ito na nagbigay-
daan sa lalong maunlad na kabuhayan.
Pagsasanay
Salungguhitan ang mga pang-uring makikita
sa bawat pangungusap at isulat ang kaantasan
nito.
1. Ang aking magulang ay ubod ng mapagmahal.
2. Simple lamang ang aming buhay ngunit masaya.
3. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
4. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
5. Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.
6. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
7. Higit na maganda ang relasyon naming magpapamilya pagkatapos ng naganap na
trahedya sa amin.
8. Nagkaroon ako ng bagong kaalaman kung paano ko mapauunlad ang aking buhay.
9. Di na gaanong magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay na nais kong mangyari
sa aking buhay.
10. Ang maliit na tampuhan ay madaling nalulutas sa ngayon.
Pagtataya
Gumawa ng paghahambing sa sumusunod.
Gamitin ang mga pang-uri at kaantasang
hinihingi sa loob ng panaklong.
Halimbawa:

Amerika – Hapon
(maunlad: pahambing na magkatulad)
Magkasing-unlad ang Amerika at ang Hapon.
1. Bahay Ninyo at bahay ng kaibigan mo: (pahambing na pasahol)
2. Tatay mo: sa lahat ng tatay sa mundo (pasukdol)
3. Nanay mo: nanay sa isang komersiyal sa telebisyon (pahambing na
palamang)
4. Ikaw: kapatid mo (magkatulad)
5. Perlas (lantay)
6. Pag-aaral nong panahon ng pandemya at ngayon (pahambing na pasahol)
7. Presyo ng bilihin (pasukdol)
8. Mga barkadang sinasamahan (pahambing, palamang)
9. Panahon (lantay)
10. Uri ng mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan (palamang)

You might also like