Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Mga Gamit ng

Wika ayon kay


Halliday
Isa sa mga katangian ng bumubukod
sa tao sa lahat ng nilalang ay ang
paggamit niya ng sopistikadong
komunikasyon-ang wika. Bagama’t ang
ibang hayop ay may sariling paraan ng
komunikasyon na maaaring maipakita
sa paglikha ng tunog, paggalaw ng
katawan, pagpapalit ng hitsura o kulay,
paglalabas ng amoy at iba pa.
Mahalagang Ideya

Ang tao ang pinaka


matalinong nilalang sa
daigdig. Nakikilala ang
talinong iyon sa kaniyang
kakayahang pangwika.
Michael Alexander Kirkwood Halliday
Isa siya sa mga iskolar ng wika na nagpaka
dalubhasa sa komunikasyon ng tao.
Isinilang siya noong 1925 sa Leeds,
England. Siya ay nag aral ng lingguwistikong
Tsino at tinapos din niya ang kanyang
doktrado sa Cambridge University at nag
turo sa mga unibersidad ng Estados Unidos
at United Kingdom bago tanggapin ang
pagiging propesor sa Linguistics sa Sydney
University sa Australya.
Nakasulat na siya ng mahigit na 170 aklat
at artikulo tungkol sa lingguwistika at
naging tagapanayam sa maraming
komprensiya sa wika sa iba’t ibang paanig
ng daigdig.

Maituturing din siya sa isa sa mga


awtoridad sa larangan ng maka-agham na
pag aaral ng wika. Isa sa pinamahalagang
ambag niya rito ay ang Systemic-Functional
Linguistics.
Systemic Functional Linguistics –

nagsasaad na kaya nililikha ang wika dahil


may mga tungkuling dapat gampanan ang
tao.

hal: nagagalit siya at kailangan niyang


maipakita iyon kaya may dapat siyang
salitang mabuo upang ilabas ang kaniyang
nararamdaman.
Ayon kay halliday, ang pag unlad ng wika
ay dumaraan sa tatlong antas.

1. Antas Protowika
2. Antas Transisyonal
3. Antas ng maunlad na wika

Upang mabuo ang kaniyang teorya, pinag


aralan niya ang kaniyang anak mula 9 na
buwan hanggang maka 2 ½ taon na ang
bata.
Pagnilayan:

May nakababata ka bang kapatid o


kaanak? Paano mo naoobserbahan
ang pag-unlad ng kaniyang
kakayahang pangwika?
Antas Protowika

May tiyak na ibig sabihin at siyang


unang ginagamit ng sanggol upang
maintindihan ng kapuwa habang hindi
pa kayang magsalita.

Gamit ito ng sanggol mula pagsilang


hanggang ika-6 na buwan.
Mahalagang Ideya

Bagama’t napakamura ng gulang.


Gumagana na ang isip ng isang
kapapanganak na sanggol. Sinusubukan
na niyang makiangkop at makipag
ugnayan sa kaniyang paligid gamit ang
limitado niyang kakayahan.
4 na gamit ng wika ng Antas
Protowika:

1. Instrumental
2. Regulatori
3. Interaksiyonal
4. Personal
Instrumental ( “Gusto ko” ) –
Nagpapahayag ng kagustuhan o
pangangailangan ng isang bata na dapat
matugunan.

Regulatori
( “ Gawin mo ang sinabi ko sa iyo” )
- Nagpapahayag naman ng mensahe na tila
kumokontrol sa kilos ng iba.
Interaksiyonal ( “Ako at Ikaw” )
- Lumilikha naman ng ugnayan sa ibang
tao upang patibayin ang relasyong
mayroon sila.

Personal ( “ Narito na ako” )


- Ginagamit ng bata upang ipakilala kung
sino siya.
Antas transisyonal

Ikalawang yugto ng pag unlad ng wika. Sa


yugtong ito, ang protowika na unang
ginamit ng sanggol ay napapalitan na ng
wikang leksikogramatiko. Ito ang
pagsasama ng mga salita at ng pagiging
malay sa tamang ayos, bagama’t paunti-
unti o putol-putol ang mga ito.
3 gamit ng wika sa antas
Transisyonal:

1. Heuristiko
2. Imahinatibo
3. Representasyonal o
impormatibo
Heuristiko
( “Sabihin mo sa akin kung bakit” )
- Paggamit ng bata sa wika upang pag
aralan ang kapaligiram ma ginagalawan
niya at maintindihan ang realidad.

Imahinatibo ( “ Kunwari” )
- Paggamit sa wika upang lumikha ng isang
mundong kathang isip, lalo pa at hindi pa
matured ang isip ng bata.
Representasyonal o Impormatibo
( “may sasabihin ako sayo” )
- Ito ang huling gamit ng wika na
pinaka malapit sa wika ng matanda
dahil sa taas ng talinong hinihingi
nito.
Masasabing natapos na ang
yugtong transisyonal kapag
alam na alam na ng bata kung
paano magpahayag nang
tuloy-tuloy at makipag-usap
sa kaniyang kapuwa.
( Halliday, 2003)
Pagnilayan:
Sa iyong palagay, ano ang magiging
epekto sa isang lumalaking bata
kung hindi siya, madalas na
kinakausap ng mga tao sa kaniyang
paligid?
Mahalagang Ideya
Ang kakayahang pangwika ng isang tao ay
akumulasyon ng kaniyang mga karanasan
mula pagsilang. Sa maagang pagkakalantad ng
isang bata sa teknolohiya at pagputol ng
kaniyang koneksiyon sa paligid, malaking
kakulangan ng karanasan ang nawawala sa
kaniya na maari sanang makapag-ambag sa
lalong pag-unlas ng kaniyang kakayahang
pangwika.
Antas ng maunlad na wika

Huli at ikatlong yugto, dito ay tuwian


nang nakapag sasalita ang isang tao
gamit ang unang wika. Nakabubuo na
siya ng mahahabang pangungusap o ng
tuloy tuloy na diskurso. Alam na rin
niya kung paano ayusin nang tama ang
mga sangkap nito.
Pagnilayan:

Paano matutulungan ang isang


lumalaking bata na mapaunlad
ang kakayahan niya sa iba’t ibang
gamit ng wika? Gaano kalaki ang
ginagampanang papel ng
nakatatanda sa pagtatamo ng
layuning ito?
Subukin ang natutuhan

1. Sino si michael A.L. Halliday? Paano siya nag-ambag sa pagsusulong


ng maka-agham na pag-aaral ng wika?
Mahalagang ideya
2. sino ang ginamit na subject ni Halliday sa pag-aaral niya tungkol sa
pag-unlad ng wika? Mapagkakatiwalaan kaya ang ginawa niyang
proseso?
3. Paanp nakikipag komunikasyon ang tao sa antas protowika?
Magbigay ng halimbawa sa isa’t isa.
4. Ano-ano ang mga gamit ng wika na nalilinang sa antas protowika?
Magbigay ng halimbawa sa bawat isa.
5. Paano nagbabago ang kasanayan sa pakikipag komunikasyon ng
isang tao pagtuntong sa antas transisyonal? Ano-anong mga gamit
ng wika ang nalilinang dito? Magbigay ng halimbawa.
6. Ano ang kapasidad ng tao sa komunikasyon pagsapit ng antas ng
maunlad na wika?

You might also like