Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MODULE NO.

Mga Katangian
ng Maayos na
Teksto
Panimulang
Pagtataya:
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ang kaayusan ng mga ideya ay kinakailangan upang madaling maunawaan ang isang
teksto.
2. Hindi lamang iisa ang pokus ng buong nilalaman ng teksto.
3. Bukod sa pagkakaugnay ng mga ideya, kinakailangan din na magkaroon ang
kaugnayan ang mga pangungusap sa isang teksto.
4. Nanatiling may bisa ang teksto kahit isinasantabi ang kabuluhan nito.
5. Masasabing may kalinawan ang isang teksto kung nauunawaan ng
mga mambabasa ang nais na ipahayag ng isang manunulat.
Mga Katangian ng
Maayos na Teksto
Kaisahan
Ito ang katangian ng teksto na tumutukoy sa taglay
nitong iisang
tuon lamang sa buong nilalaman ng teksto.
Nangangahulugan itong lahat ng pantulong na
kaisipan ay nakatuon lamang sa pangunahing
kaisipan ng talata o tesis ng isang teksto.
Kaugnayan
Tumutukoy ito sa pagkakaugnay ng lahat ng
kaisipang nailahad
sa isang teksto. Ito ay tumutulong sa mga
mambabasa na mabatid ang
koneksiyon ng mga kaisipan na inihahayag na
nagbubunga sa madaling pagkaunawa sa nilalaman
ng teksto.
Maliban sa pagkakaugnay ng mga kaisipan,
lubhang mahalaga rin na ang
mga pangungusap sa teksto ay magkakaugnay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga pananda. Ang
mga panandang ito ay nakakatulong upang maging
mas mabilis ang pagbabasa ng teksto dahil sa
maayos na transisyon kung saan nagiging mas
madali nang maintindihan ang pagkakaugnay ng
bawat kaisipang ipinahayag sa pangungusap.
Kalinawan
Mababatid ito kapag naunawaan ng mga
mambabasa ang nais
ipahayag ng manunulat. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng mga pantulong na
kaisipan na nagbibigay diin sa paksa at tunguhin ng
nagsulat.
Bisa
Ang bisa ng isang teksto ay nakasalalay sa malinaw
na paglalahad ng
layunin sa panimula. Nasusukat dito ang kabuluhan
ng bawat kaisipan, ang
epekto na nagagawa ng teksto at iba pa.
PangungusapA: Pangungusap B :
“Kung tayo ay magmamasid sa ating paligid “Dahil sa hirap ng buhay sa
ay mapapansin nating naghihirap na talaga ang kasalukuyan ay nagnanais ang
mga Pilipino, kaya naman ang lahat ay gumagawa maraming Pilipino na makapagtayo ng
ng maraming paraan upang mabuhay. Sadya kahit munting negosyo, madagdagan
talagang mahirap ang buhay. Ang maraming man lamang ang kaunting kita sa
Pilipino ngayon ay nagtatayo ng kani-kanilang pagtatrabaho.”
negosyo sa iba’t ibang paligid. Patunay lamang
ang pagnenegosyo ay magandang pagkakitaan.
Ang pagnenegosyo rin ay dahilan nang hindi tama
ang sinasahod sa kani-kanilang trabaho sa loob ng
isang buwan.
PangungusapA: Reaksyon
“Kung tayo ay magmamasid sa ating paligid  Masyadong maligoy ang pahayag,
ay mapapansin nating naghihirap na talaga ang maraming salita ang ginamit, ang iilan sa
mga Pilipino, kaya naman ang lahat ay gumagawa mga ito ay hindi tama para sa konteksto
ng maraming paraan upang mabuhay. Sadya ng pahayag.
talagang mahirap ang buhay. Ang maraming  Hindi rin tama ang pagkakahanay
Pilipino ngayon ay nagtatayo ng kani -kanilang ng mga salita kung kaya’t hindi
negosyo sa iba’t ibang paligid. Patunay lamang nagkakaugnay ang mga pangungusap sa
ang pagnenegosyo ay magandang pagkakitaan. buong pahayag.
Ang pagnenegosyo rin ay dahilan nang hindi tama  Bunga nito, hindi naging malinaw,
ang sinasahod sa kani-kanilang trabaho sa loob ng magkakaugnay at walang bisa ang
isang buwan. naturang pahayag
Pangungusap B : Reaksyon
“Dahil sa hirap ng buhay sa kasalukuyan ay  Masasabing ang pahayag na ito ay
nagnanais ang maraming Pilipino na nakapaghatid nang malinaw na konteksto,
makapagtayo ng kahit munting negosyo, sapagkat tama ang pagkakagamit at
madagdagan man lamang ang kaunting kita sa paghahanay ng mga salita.
pagtatrabaho.”
 Masasabi rin na mabisa ang pahayag,
sapagkat taglay nito ang katapatan at
katotohanan sa nilalaman.

 Bagaman maikli ay taglay ang


kalinawan, pagkakaugnay, at bisa ng mga
pangungusap ng buong pahayag.
Gawin Natin
Tukuyin kung anong katangian ng maayos na teksto ang ililalahad sa pahayag. Isulat ang
titik ng napiling sagot sa iyong sagutang papel.
a. Kaisahan
b. Kaugnayan
c. Kalinawan
d. Bisa
e. Wala sa nabanggit

1. Ang katangiang ito ng teksto ay naisasagawa sa pamamagitan ng mga pantulong na


kaisipan.
2. Bagaman at taglay ng isang tekto ang maraming pantulong na
kaisipan, ang teksto ay dapat na manatiling may tuon sa paksa at
layunin sa buong sulatin.
3. Kapag nauunawaan ng mga mambabasa ang nais ipahayag ng
manunulat, taglay ng teksto ang katangiang ito.
a. Kaisahan
b. Kaugnayan
c. Kalinawan
d. Bisa
e. Wala sa nabanggit

4. Kailangang maging malinaw ang paghahayag ng layunin sa panimula upang taglayin


ng teksto ang katangian ito.

5. Ito ay kailangang makita sa pagsasaayos ng mga pangungusap upang madaling


maunawaan kung ito ay binalangkas.

You might also like