Demo Pokus NG Pandiwa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Pokus ng Pandiwa

G. JEFFERSON . ELPOS - LPT


MGA LAYUNIN
Pangnilalaman:
.Natutukoyang iba’t ibang Pokus ng Pandiwa
batay sa uri at pagkakagamit
Pandamdamin:
Napahahalagahan ang paggamit ng wastong
Pokus ng Pandiwa para sa maayos at malinaw
na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
Pangkasanayan:
Nagagamit
sa pagbubuo ng makabuluhang mga
pangungusap ang iba’t ibang Pokus ng Pandiwa
PANIMULA
Pagbabalik-Aral :
 Ang bawat mag-aaral ay magbabalik-
aral batay sa nakaraang aralin “ Ang
Katuturan ng Pandiwa at Kahalagahan
nito sa isang pangungusap”
PAGGANYAK
Gabay na Katanungan :
 Paano ito ginagamit ?
 Sino ang gumamit nito ?
 Bakit ito kailangang gamitin ?
 Saan ang lugar madalas itong
gamitin ?
PAGLALAHAD
“THINK-PAIR-SHARE”
Gabay na Katanungan
a. Ano napagtanto o nalaman sa isinagawang
gawain ? Paano natin ito maiuugnay sa
kasalukuyang panahong nagaganap . ?
b. Bakit sa lahat ng ating ginagawa
kailangan natin magkaroon ng pagbibigay
tuon o pokus? Paano ito makakatulong sa
atin?
PAGTALAKAY
POKUS NG PANDIWA
Pokus ang tawag sa relasyon ng
pandiwa sa paksa o simuno ng
pangungusap. Ito ay naipapakita
sa pamamagitan ng taglay na
panlapi ng pandiwa.
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Tagaganap
Ang pandiwa ay nasa pokus sa
tagaganap kapag ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos na
isinasaaad sa paksa.
Sa aktor-pokus, ang simuno o paksa ang
gumaganap ng kilos sa pangungusap.
Sinasagot nito ang tanong na “sino?”
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Tagaganap
Halimbawa
1.Manonood ng teleserye si Annaliza
mamayang gabi .
2. Maglilinis ng bahay si Rose sa
Sabado
 
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Layon
Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon
kung ang layon ay ang paksa o ang
binibigyang-diin sa pangungusap.
Sa pokus sa layon, ang paksa ang
layon ng pandiwa sa pangungusap.
Sumasagot ito sa tanong na “ano?”
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Layon
Halimbawa
1.Lutuin mo ang isda na nasa
kusina.
2.Nakita ni Melchor ang nawawalang
libro ni Ana.
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Kaganapan
Ang pandiwa ay nasa pokus sa
ganapan kung ang paksa ay ang lugar
o ganapan ng kilos.
Ang paksa o simuno ang lugar na
ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap. Sinasagot nito ang
tanong na “saan?”
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Kaganapan
Halimbawa
1.Pinagtaniman ni Jerry ang bukid
ng kanyang Tatay.
2.Sa labas ng paaralan, makikita
ang manining na parada ng Sto.
Nino
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Tagatanggap
Ito naman ay tumutuon sa tao o bagay
na nakikinabang sa resulta ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Ang simuno o paksa ang tumatanggap
sa kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Sinasagot nito ang tanong na “para
kanino?
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Tagatanggap
Halimbawa
1. Ibinili ni Margarita ng pasalubong
ang kanyang lolo Jose
2. Kami ay ipinagluto ni Ate Nena ng
kanyang espesyal na Adobo.
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Gamit
 Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay
na ginagamit upang maisagawa ang kilos o
pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
 Ang simuno o paksa ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang maisagawa ang
kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Sumasagot ito sa tanong na “sa
pamamagitan ng ano?”
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Gamit
Halimbawa
1.Ipinahid. ni Ana sa pawisang
mukha ang lumang panyo.
2.Bagong biling walis tampo ang
gamit ni Maria paglilinis ng kanilang
sahig
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Sanhi
Ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung
ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan
o sanhi ng kilos.
Ang simuno o paksa ang nagpapahayag
ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Sinasagot nito ang tanong
na “bakit?”
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Sanhi
Halimbawa
1.Ikinatuwa ni Carlo ang magandang
regalo ng kanyang kapatid.
2. Ikinalungkot ni Cristina ang
pagpanaw ng kanyang Nanay.
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Direksyon
Pinagtutuunan ng pandiwa ang
direksyon o tinutungo ng kilos. Ang
simuno o paksa ang nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap.
Sumasagot ito sa tanong na “tungo saan
o kanino?”
7-POKUS NG PANDIWA
Pokus sa Direksyon
Halimbawa
1.Pinasyalan namin ang parke sa
Luneta
2.Sinulatan niya ang kanyang Nanay
na nasa Singapore.
KOLABORATIBONG
GAWAIN
Panuto :Ang layunin ng pangkatan ay
magamit ng bawat isa ang iba’t ibang
Pokus ng pandiwa sa mas
komunikatibong pamamaraan. Gamitin
ang mga Pokus ng Pandiwa sa iba’t
ibang mga sitwasyon. Matapos
itatanghal ito ng ng bawat pangkat.
KOLABORATIBONG
GAWAIN
Halimbawang mga sitwasyon:
1. Unang araw ng Klase sa Paaralan
2. Panonood ng Sine sa Mall
3.Pagpunta sa isang Silid-Aklatan
4.Pagtatanong ng direksyon
5. Pagluluto ng Meryenda
PAGBIBIGAY ISKOR SA
KOLABORAYIBONG
GAWAIN

 Kaugnayan sa Paksa 40 puntos


 Kahusayang Pagganap 30 puntos
 Mensahe
30 puntos
KABUUAN 100 puntos
KOLABORATIBONG
GAWAIN
Gabay na tanong
1. Ano ang mahalagang bagay na
inyong natutunan sa gawaing
isinagawa ? Paano ito makakatulong
sa ating pakikipagkapwa tao ?
PAGTATAYA
Maikling Pagsusulit.
Panuto : Bilugan at Isulat ang pokus
ng pandiwang ginamit sa bawat
pangungusap sa sagutang papel
PAGLALAGOM AT
PAGBUBUOD
Pagsulat ng Journal
Panuto : Punan ang bawat pangungusap ng
sariling pagpapaliwanag
1. Natutunan ko na ang pandiwa ay may iba’t
ibang Pokus, ito ay ang mga
__________________________________
2.Natutunan ko rin na mahalagang wasto ang
paggamit sa mga pokung s ng pandiwa dahil
_____________________
TAKDANG ARALIN
PANUTO : Ang bawat isa ay lilikha ng sariling
panalangin o kahilingan sa Maykapal batay sa
pandemyang nararanasan sa kasalukuyan .Ito’y
binubuo ng 5 hanggang 10
pangungusap .Matapos tukuyin ang mga
pandiwa sa panalangin kasabay na kung
anong pokus ang pandiwang ginamit .Isulat ito
sa isang buong papael

You might also like