Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

PAGPILI AT PAGLILIMITA

NG PAKSA
• Ang unang hakbang sa pananaliksik ay ang Pagpili
ng Paksa. Ito din ang bahaging pinakamahirap
simulan dahil hindi sapat na gusto mo lamang o
kabilang sa mga hilig mong gawin ang nais isulat.

• Kailangan din ng magandang dahilan kung bakit ito


ang napiling saliksikin upang maipakita ang
kahalagahan nito at ang maiiaambag nitong bagong
kaalaman.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI
NG PAKSA:

1. Interes at Kakayahan – dahil ang kalikasan ng


pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa nito,
mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may
kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin.
2. Pagkakaroon ng mga material na magagamit na
sanggunian.
3. Kabuluhan ng Paksa
4. Limitasyon ng panahon
5. Kakayahang pinansiyal
Hangga’t maari, iwasan ang mga paksang
may kaugnayan sa sumusunod:
1. Mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman sa relihiyon
at usapin ng moralidad na mahirap hanapan ng obhektibong
pananaw at nangangailangan ng mga maselang paktalakay.
2. Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil
maaring wala pang gaanong material na
magagamit bilang saligan sa pag-aaral.

3. Mga paksang itinuturing nang “gasgas” o gamit


na gamit sa pananaliksik ng mga mag-aaral.
Narito ang mga gabay na tanong upang
makatulong sa pagbuo ng paksa:

1. Ano-anong paksa ang maaring pag-usapan?


2. Ano-ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng
paksa?
3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad,
bansa, at daigdig ang ipinapakita o kaugnay ng
paksa?
5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay
sa ganitong mga suliranin?
6. Sino-sino ang kasangkot?
7. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
8. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at
iyak na paraan?
9. Paano ko pag-uugnayin at pagsusunod- sunorin ang
mga ideyang ito?
Paglilimita ng Paksa:
Mga Elementong makapaglilimita
ng paksa:
1. Panahon
2. Uri ng Kategorya
3. Edad
4. Kasarian
5. Lugar o espayo
6. Pangkat o sector na kinasasangkutan
7. Perspektiba o pananaw
Paksa: Teknolohiya at kabataan

1.Perpektiba

Nilimitahang Paksa:
Ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan
Nilimitahang Paksa:
Ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng social
media bilang bukal ng impormasyon
2. Panahon

Nilimitahang Paksa:

Ang epekto ng Internet at smartphone sa paggamit ng


social media mula noong 2010 hanggang sa
kasalukuyan
3. Uri
Nilimitahang Paksa:
Epekto ng pagsasalarawan ng lipunan at media sa
kagandahan

4. Edad
Nilimitahang Paksa:
Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18
sa impluwensiya ng Facebook
5. Kasarian
Nilimitahang Paksa:
Ang epekto ng pagpapalaganap ng teknolohiya sa sector ng
kababaihan

6. Lugar
Nilimitahang Paksa:
Ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Far Eastern
University
7. Pangkat
Nilimitahang Paksa:
Persepyon ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa
pagpapalaganap ng social media
• Maaring gamitin sa paglilimita ng paksa ang
kombinasyon ng iba’t ibang element upang higit itong
maging espisipiko. Tandaan na habang humahaba ang
pamagat ay lalong nagiging espisipiko ang iyong
paksa.
Halimbawa:
Persepsyon ng mga kababaihang mag-aaral na nasa edad
16-17 ng Institute of Education ng Far Eastern University
sa impluwensiya ng Facebook sa banidad ng mga
kabataan.

You might also like