Araling Panlipunan 4: Napapahalagahan Ang Mga Bahaging Ginagampanan NG Pamahalaan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Araling Panlipunan 4

NAPAPAHALAGAHAN ANG MGA


BAHAGING GINAGAMPANAN NG
PAMAHALAAN

Modyul 8
Panuto: Iguhit ang Tsek (/) sa patlang kung wasto ang pahayag at
Ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Ang nagbibigay ng prayoridad para sa ikabubuti ng
ating bansa ay ang mga negosyante.
_____ 2 Ang pagkontrol at pagtustos ng iisang kompanya ng
isang uri ng produkto ay tinatawag na monopolyo.
_____ 3. Layunin ng Cooperative Agency Reform Program
(CARP) na mabigyan ang mga magsasaka ng sariling bahay.
_____ 4. Ang Meralco ay halimbawa ng monopolyo.
_____ 5. Ang pagpupuslit ay tumutukoy sa iligal na pagpapasok
at pagluluwas ng mga kalakal buhat sa ibang bansa at palabas ng
ating bansa.
Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda
Nagbibigay ng pangangalaga at paglilingkod ang
pamahalaan sa mga inabuso at inabandona o pinabayaang
bata. Ang Batas Republika Bilang 7610 ay nagbibigay
sa mga bata ng natatanging proteksyon laban sa pang-
aabuso, pagsasamantala at diskriminasyon. Magkatuwang
ang Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice o
DOJ) Komisyong sa Karapatang Pantao (Cpmmission on
Human Rights) Department of Social Welfare and
Development sa pagpapatupad ng batas na ito.
Tumutulong din ang DSWD sa mga batang inabuso,ulila
,inabandona,mga batang lansangan at mga batang nasa
gitna ng dalawang pangkat na nag-aaway. Sa DSWD
pansamantalang inilalagak ang mga batang may ganitong
suliranin.
May golden acres naman para sa matatandang walang
kumukupkop na kamag-anak. May Batas Republika
Bilang 7432 naman na ipinatutupad para makatanggap ng
pribileheyo sa mga restawran,pagbili ng gamot pamasahe
sa pampublikong sasakyan at iba pa, ang matatandang
mamamayan o senior citizen.
Pabahay
Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng
tirahanang mga mamamayan lalo na yung maliliit na kita.
Malaking tulong para sa mamamayan ang mga murang
pabahay na ipinatatayo ng pamahalaan. Sa ating bansa lalo
na sa Metro Manila nagtayo ng mga pabahay ang
pamahalaan at dito inilipat ang mga impormal na
naninirahan.
May mga ahensyang tumutulong sa proyektong pabahay
ng pamahalaan.
Nagkakaroon ng murang pabahay ang mga mamamayang maliit
lamang ang kinikita sa tulong ng

 Government Service Insurance System, Social Security


System,

 Pagtutulungan sa kinabukasan, Ikaw, Bangko, Industriya


at Gobyerno (Pag-ibig Fund) at

 National Housing Authority.


Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
Sa panahon ng mga sakuna ang pangunahing
ahensyang nagtataguyod sa kapakanan ng mga
mamamayan ay ang National Disaster Risk Reduction
and Mangement Council. Sa pangunguna ng lokal na
pamahalaan ay ginagampanan nila ang kani-kanilang mga
tungkulin habang nakikipag-ugnayan sa mga ahensyang
tulad ng DSWD,Metro Manila Development Authority at
Philippines Atmospheric Geophysical and Astronomical
Services Administration.
Ang NDRRMC ang nagsisilbing tagapag-ugnay
ng iba-ibang ahensya ng pamahalaan o pribadong
institusyon upang mabigyan agad ng tulong ang
mga taong naapektuhan ng kalamidad.
Ang DSWD naman ay agarang nagbibigay ng
tulong sa mga biktima ng kalamidad kabilang na
ang mga pagkain,damit, at iba pang
pangangailangan o serbisyo.
Transportasyon at Komunikasyon
Pinauunlad din ng pamahalaan ang transportasyon at
komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa upang maging mabilis
ang pagluluwas ng mga produkto. Nagpapagawa ng mga tulay
daan, underpass overpass,skyway daang bakal at tunnel na nag-
uugnay sa mga lalawigan at hiwa-hiwalay na pulo ng ating
bansa. Pinalawak din ang mga kalsada o nautical highway upang
maging mas mabilis ang pagbibiyahe at pagluluwas ng mga
kalakal.
Pinangangasiwaan ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at
Lansangan ang pagbubukas at paggawa ng mga daan at tulay.
Ang Land Transportation Office ang
namamahala sa pagrerehistro ng mga sasakyan
upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng
mga mamamayan habang naglalakbay.
Malinis at Maayos na Pagkain
May mga ahensya na sumusubaybay sa presyo at kalidad
ng blihing pagkain at gamot.Ito ay ang National Food
Anthority at ang Bureau of Foods and Drugs. Nagpatayo rin
ng mga pamilihang bayan o palengke ang pamahalaan. Dito
ipinagbibili ang mga pagkain at iba pang produkto na
kailangan ng mga mamamayan. Tinitiyak ng mga inspektor
sa mga palengkeng ito na ang mga itinitinda rito ay may
maayos at malinis, hindi magiging sanhi ng pagkakasakit at
may tamang halaga.
Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan
Ang National Council on Disability
Affairs ang inatasan ng pamahalaan upang bumalangkas
ng mga patakaran at makipag-ugnayan sa mga gawain ng
lahat ng mga ahensya, publiko o pribado,tungkol sa mga
isyu ng kapansanan at alalahanin. Gaya ng nabanggit ang
NCDA ay naatasan upang manguna sa mga programa para
sa mga taong may mga kapansanan at maghatid ng ga
serbisyo sa mga sektor.
Ang NCDA ay naatasan din upang subaybayan
ang pagpapatupad ng ilang mga batas upang
matiyak ang proteksyon sa mga sibil at politikal ng
mga karapatan ng taong may kapansanan sa bisa ng
Republic Act No. 7277 (Magnat Cata for Disabled
Persons) Batas Pambansa Blg. 344( Accessibility
Law) Republic Act 6759 (White Cane Act) at ILO
Convention No. 159 (V0cational Rehabilitation of
Persons with Disabilities)
Sagutin:
1. Anu-anong ahensya ng pamahalaan ang tumutulong sa
sumusunod?
a. Pagkakaroon ng disenteng tirahan ng mga Pilipino
b. pagbibigay ng tulong para sa mga biktima ng
kalamidad
c. Pabahay
d. Transportasyon at komunikasyon
e. Malinis at maayos na pagkain
Tandaan Natin Ito!
May mga programa ang pamahalaan para sa mga
bata at nakakatanda, pabahay at pagtulong sa mga
biktima ng kalamidad. Mayroon din itong programa
sa transportasyon at komunikasyon . Ang
pagkakaroon ng malinis at maayos na pagkain at
pagtulong sa mga may kapansanan ay bahagi rin ng
paglilingkod ng pamahalaan.
Gawain A. Panuto: Ibigay kung anong ahensiya ng pamahalaan
ang tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap.
__________1. Bumabalangkas sa patakaran para sa may
kapansanan at alalahanin.
__________2. Namamahala sa pagrerehistro ng sasakyan.
__________3. Nagbibigay agad ng tulong sa kalamidad.
__________4. Nangangasiwa sa paggawa ng daanan at tulay.
__________5. Nagbibigay proteksyon sa mga batang inabuso,
ulila at inabandona.
Gawain B. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama
kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi.
________1. Ang mga senior citizen ay nakakatangap ng pribilehiyo
sa bisa ng Batas Republika Bilang 7610.
________2. Ang proyektong pabahay ng pamahalaan ay para sa
mamamayang malalaki ang kita.
________3. Ang Pilipinas ay nakakaranas ng iba’t-ibang kalamidad
tulad ng bagyo, baha, sunog at pagputok ng bulkan. _______ 4. Ang
DSWD naman ay agarang nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng
kalamidad gaya ng pagkain, damit at iba pang pangangailangan.
______ 5. Ang GSIS at SSS ay mga ahensiyang tumutulong sa
pabahay.

You might also like