Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Political

dynasties
aralin 7
2

Political dynasty
• Panunungkulan ng mga magkakamag-anak sa politika.
• Kapangyarihan o karapatang mamuno ay umiikot
lamang sa iisang pamilya o miyembro nito.
• May mga kilalang pamilya sa lipunan na napananatili
ang kapangyarihan sa kanilang angkan.
• Thin Dynasty – sunod-sunod na naihahalal sa
puwesto ang magkaka-pamilya.
• Fat Dynasty – sabay-sabay na nanunungkulan o
naihahalal sa puwesto ang magkaka-pamilya.
3
• Dahil sa paglaganap ng political dynasty, karamihan
sa mga namumuno sa pangunahing lungsod at
lalawigan ng Pilipinas ay mula sa mga prominenteng
pamilya.
• Halimbawa, ang lalawigan ng Batanes ay madaling
naikakabit sa pamilya Abad na nanungkulan sa
lehislatura mula pa noong 1965.
• Ilocos Norte - sa mga Marcos na
nagsimulangmmaging aktibo sa politika noon pang
1925.
• *Tingnan
Tarlac –ang
Cojuangco-Aquino
iba pang halimbawa ng political dynasty sa
kasaysayan ng ating bansa sa pahina 138-141 (lumang libro) at
pahina 195-199 (bagong libro).
4

Political dynasty sa ating kasaysayan


• Ang isyu ng political dynasty o ang tinaguriang
pasahan at pagmana ng puwesto sa pamahalaan ay
nagsimula na noon pa sa ating kasaysayan bilang
isang bansa.
• Ito ay epekto ng anim na daantaong kasaysayan ng
ating bansa mula pa noong panahon ng mga dayuhan
at nagpatuloy sa pagdating ng mga Espanyol at
Amerikanong mananakop.
5

Sinaunang panahon
• Making of a Filipino – isang
aklat ni Renato Constantino
kung saan sinabi niyang may
umiral na Sistema ng
pamahalaan at politika sa
Pilipinas noong sinaunang
panahon, bago pa man
dumating ang mga
mananakop na dayuhan.
Impluwensiya ng mga Espanyol at 6

amerikano
• Mas napapaboran ang mga pamilya ng mga mestizo at
maykaya sa buhay o ang mga tinatawag na Illustrado
na laging itinatalaga bilang Gobernadorcillo o
Alcalde.
Impluwensiya ng mga Espanyol at 7

amerikano
• Ang mga Illustrado ay sumali sa demokratikong
proseso na ipinakilala sa pamamagitan ng Philippine
Bill of 1902. Sa panahong ito, ang mga apelyido tulad
ng Cojuangco, Lopez, Marcos, Osmeña, at Aquino ay
nagsimulang makilala.
8

Lider ng Philippine
Assembly – Manuel L.
Quezon
Speaker ng Philippine
Assembly – Sergio
Osmeña
Impluwensiya ng mga Espanyol at 9

amerikano
• Napag-alaman mula sa pag-aaral na isinagawa ng
pulitikong siyentistang si Dr. Dante Simbulan na
simula noong taong 1946 hanggang 1963 ay may
kabuuang bilang na 169 na prominenteng pamilya ang
nahalal sa mga mahahalagang posisyon sa
pamahalaan.
• 584 – pampublikong opisyal
• 7 – presidente
• 2 – bise-presidente
• 42 – senador
• 147 - kongresista
Ang pagbabawal ng political dynasty 10

ayon sa saligang batas 1987


• Artikulo II, Seksiyon 26 ng 1987 Saligang Batas
ng Republika ng Pilipinas: “Dapat siguruhin ng
Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon
para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga
“political dynasties” ayon sa maaaring ipagkahulugan
ng batas.”
Ang pagbabawal ng political dynasty 11

ayon sa saligang batas 1987


• Hindi tahasang nakasaad sa ating Saligang Batas
kung paano pipigilan ang mga political dynasty.
• Kailangang magkaroon ng batas na magbabawal
dito at magpapataw ng karampatang parusa.
• May mga humiling na ipasa ng Kongreso ang Anti-
Dynasty Law ngunit hindi pa ito binigyan ng sapat na
atensiyon sa Kongreso mula pa noong taong 1987.
Ang pagbabawal ng political dynasty 12

ayon sa saligang batas 1987


• Noong ika-15 Kongreso ay isinulat at inihain ni
Senador Miriam Defensor Santiago ang Senate Bill
No. 2649 na kilala bilang Anti-Political Dynasty
Act.
Limitasyon sa termino ng 13

panunungkulan
• Bukod sa tuwirang pagbabawal sa mga dinastiyang
politikal, isinasaad din ng Saligang Batas ang
pagtalaga ng limitasyon sa termino o haba ng
panunungkulan sa gobyerno ng mga nahalal na
opisyal.
• Senador – 2 magkasunod na 6 na taong termino =
katumbas ng 12 taon.
• Kongresista, Gobernador, Alkalde, at lahat ng iba
pang lokal na opisyal – 3 magkakasunod na 3 taon =
katumbas ng 9 na taon.
Limitasyon sa termino ng 14

panunungkulan
• Sa pag-aaral na isinagawa ni Pablo Querubin noong
2013, napag-alaman niya na totoong nalilimitahan ng
Saligang Batas ang termino ng panunungkulan ng
bawat halal na opisyal ng pamahalaan subalit ang
kapangyarihan ay napananatili naman sa pamilya ng
opisyal sa pamamagitan ng pagpapamana ng posisyon
sa kanyang kamag-anak.
Mga ilang kilala at makapangyarihang 15

pamilya sa politika”
• Marcos – Ilocos Norte
• Ejercito/Estrada – San Juan City, Manila, Laguna, at Quezon
• Binay – Makati
• Singson – Ilocos Sur
• Cojuangco – Tarlac
• Recto at Laurel – Batangas
• Mangudadatu at Ampatuan – Maguindanao
• Revilla – Cavite
• Aquino – Tarlac
Limitasyon sa termino ng 16

panunungkulan
• Sa ika-11 Kongreso, nailunsad ang sistemang Party
List upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng
boses sa Kongreso ang mga grupong minorya.
17

sanhi ng political dynasty


1. Nakakukuha ng benepisyo ang mga makapangyarihang
pamilya.
2. Walang malinaw na depinisyon ng political dynasty.
3. May kakulangan ng malinaw na batas na magpapatupad ng
probisyon sa Saligang Batas laban sa political dynasties.
4. Pagkakaroon ng malalim na ugat ng mga political at
panlipunang estrukturang nagpapalaganap sa mga political
dynasty.
5. Patuloy na nagtitiwala ang mga Pilipino sa
makapangyarihang pamilya.
18

Epekto ng political dynasty


1. Ang mga makapangyarihang angkan o pamilya ay
nakapokus sa kaunlaran ng kanilang nasasakupan lamang
at hindi sa buong bansa.
2. Nahahadlangan ang reporma sa mga ekonomikong
institusyon ng mga dinastiyang nakikinabang sa tinatawag
na status quo.
3. May nakaambang na panganib na gamitin ang pondo at iba
pang yaman ng bansa para sa personal na interes ng iilang
maimpluwensiyang pamilya.
4. Nalilimitahan din ang pagpipilian ng taong-bayan ng mga
pinunong ihahalal kung iilang angkan lamang ang
namamayagpag sa kandidatura.
19

Epekto ng political dynasty


5. Sa pag-iral ng political dynasties lumalala ang kahirapan ng
maraming Pilipino sapagkat ang yaman at kapangyarihan ay
hindi naipapamahagi at, sa halip, ay nasa kamay lamang ng
iilan.
6. Lalong umiiral ang katiwalian sa pamahalaan dahil sa
political dynasties sapagkat Madali para sa mga Pilipino na
magbulag-bulagan sa mga pagkukulang at kamalian ng kanilang
mga kaanak.
Masasamang epekto ng political dynasty 20

(5 k)
• Kawalan ng Progreso
• Kahirapan
• Karahasan
• Korapsyon
• Kawalan ng check and balances
Mga pagkilos laban sa mga dinastiyang 21

politikal
• Ayon sa ulat ni Domini M. Torrevillas, isang grupong
pinangungunahan ng dating Bise-Presidente at
Senador Teofisto Guingona Jr. at ni Dante
Jimenez ng Volunteers Against Crime and
Corruption (VACC) ang naglakas-loob na magsumite
noong Oktubre 25, 2012 sa Korte Suprema ng
petisyong naglalayong mag-utos sa Kongreso na
gumawa ng batas na magbabawal sa mga dinastiyang
politikal at magbibigay-linaw sa tunay na kahulugan
nito na naaayon sa ating Saligang Batas.
22

Iba pang maaaring solusyon


 Pagkilos ng mga Civil Society Group
 Paghalal sa mga Kandidatong Independent
 Pagsugpo ng Katiwalian sa Pamahalaan
Maraming
salamat 

You might also like