Professional Documents
Culture Documents
Maikling Kuwento: Tunggalian Tao Laban Sa Tao at Tunggalian Tao Laban Sa Sarili
Maikling Kuwento: Tunggalian Tao Laban Sa Tao at Tunggalian Tao Laban Sa Sarili
Maikling Kuwento: Tunggalian Tao Laban Sa Tao at Tunggalian Tao Laban Sa Sarili
Virtual na Pagtuturo
(Pebrero 22, 2022)
(Ika-8 ng umaga)
Faraday, Fleming, Fermi, Fresnel, Fahrenheit,
Franklin, Feynman
Balik-aral:
Panuto: Isulat ang wastong sagot sa patlang.
Letra lamang ang isulat.
UBASAN
Pag-unawa sa Binasa:
1. Sino ang bida sa talinghaga? Ano ang kanyang ginawa sa
buong araw?
2. Sa mga grupo ng tao na tinawag sa ubasan, alin sa mga ito ang
mga hindi binigyan ng pagkakataong magtrabaho sa araw na
iyon? Matatawag bang “grasya” ang ginawang pagtawag ng
may-ari ng ubasan?
3. Ilang oras nagtrabaho sa ubasan ang mga unang tinawag?
Ilang oras nagtrabaho sa ubasan ang huling tinawag?
4. Magkano ang bayad sa isang araw ng pagtratrabaho? Sa iyong
palagay, tama ba na ang lahat ng mga nagtratrabaho ay
tumanggap ng pare-parehong halaga?
5. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol
sa dalawang uri ng manggagawa sa ubasan? Pangatuwiranan.
Mga Dapat Tandaan:
1. Tao laban sa Sarili - Nangyayari ito sa loob ng tauhan kaya itinuturing itong panloob
na tunggalian. Halimbawa nito ang usaping may kinalaman sa moralidad at
paniniwala. Karaniwang pinoproblema ng tauhan ay kung tama o mali, mabuti o
masama baa ng kaniyang pipiliin? Maaari rin naman itong umiikot sa pagsupil sa
sariling damdamin. Maaaring ang tauhan lamang ang nakareresolba sa hinaharap
niyang suliranin. Ang panloob na tunggalian ay nagbibigay ng humanidad sa tauhan,
kaya naman nagiging kapani-paniwala ang kaniyang resolusyon. Halimbawa: Ano
bang dapat kong gawin Panginoon, mayroon na siyang pamilya ngunit mahal na
mahal ko siya! Magpapatiwakal na ako upang matapos na ang lahat ng ito.
2. Tao laban sa Tao - ito ay karaniwang panlabas na tunggalian.
Dito, ang tauhan ay nakikipagtunggali sa isa pang tauhan. Ito ay
labanan ng protagonist o bida laban sa antagonista o kontrabida,
maaari ring ng mabuting tao laban sa masamang tao.
3. Tao laban sa kalikasan - Direktang naaapektuhan ng mga
puwersa ng kalikasan ang tauhan o mga tauhan. Halimbawa nito
ang karanasan ng mga tauhan pagkatapos ng isang natural na
kalamidad o ang biglaang pagsabog ng bulkan na nagbabanta sa
buhay nila. Ang tauhang natrap sa isang isla o palutang-lutang sa
gitna ng dagat sakay ng isang lifeboat ay halimbawa rin ng
tunggaliang tao laban sa kalikasan.
4. Tao laban sa Lipunan - Umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumihis
ang tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan. Nangyayari
din ito kapag ang tauhan ay tahasang bumabangga o bumubuwag sa kaayusang sa
tingin niya ay sumusupil sa kaniya. Kadalasan itong makikita sa mga nobelang
isinulat ni Dr. Jose P. Rizal, Liwayway Arce atbp. Dalawa ang maaaring kahinatnan
nito: magtagumpay ang tao o magapi siya ng sinumang kinakalabang Sistema.
5. Tao laban sa Tadhana – Sinasabing nangyayari ang tunggaliang ito kapag ang
tadhana ang nagdidikta sa mga nagyayari sa tauhan. Maaari niya itong labanan.
Tauhan ang magtatakda ng kaniyang kapalaran at gagawa ng paraan upang
baguhin ang takbo ng kaniyang buhay. Ngunit sa huli ay karaniwang nagwawagi
ang tadhana. Ang paggamit ng Time Machine upang makabalik sa kabila ng
kamatayan ay patok na halimbawa. Tipikal na halimbawa rin ang mga kuwento ng
mga ordinaryong tao na taglay ang itinadhanang kapangyarihan.
6. Iba pang tunggalian ay ang tunggaliang tao
laban sa Diyos o mga sobrenatural na nilalang.
Ang kadalasang suliranin ay may kinalaman sa
mga halimaw, alien, multo, lamang-lupa, at iba
pang nilalang.
Pagpapahalaga:
Ipaliwanag:
Paglalapat:
Sagutin ang mga tanong
1. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw ngunit ang tinanggap na
upa ay kapareho din ng isang oras lamang nagtrabaho,
magrereklamo ka rin ba? Bakit?
2. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng
pareho na upa kahit kulang ang oras mo sa paggawa ano ang
mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong
upa? Pangatuwiranan.
3. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan pare-pareho din ba ang upa
na ibibigay mo sa mga manggagawa? Bakit?
Maikling Pagsusulit:
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring
magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng
matatalinhagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat
taglayin ng tao.
a. pabula
b. parabula
c. anekdota
d. talambuhay
2. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay
nangangahulugang:
a. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
c. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
d. mahalaga ang oras sa paggawa
3. Makikita sa bibliya (Bagong Ti
pan) Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari
ng Ubasan
a. Mateo 20:11-16
b. Lucas 12:1-16
c. Mateo 20: 1-16
d. Lucas 12:11-16