Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

4008s, 5008s at ang Monthly

Laboratory
(4008s - HEMODIALYSIS)

  Sa hemodialysis, ang mga lason sa katawan at sobrang tubig ay tinatanggal sa katawan sa
pamamagitan ng pagdaan ng dugo sa espesyal na pansala o artipisyal na kidney (dialyzer) sa tulong ng
makinang pang dialysis.

 Ang dugo mula sa katawan ng pasyente ay binobomba patungo sa ‘dialyzer’. Dumaraan ang dugo sa
mga malalambot ng tubo na nakalaan sa layuning ito. Nagbibigay ng gamot tulad ng heparin o
nagbibigay ng tubig-asin upang maiwasan ang pamumuo ng dugo habang dumaraan sa mga tubo at
‘dialyzer.’
(4008s - HEMODIALYSIS)

 Ang ‘dialyzer’ (artipisyal na kidney) ay isang espesyal na salaan kung saan dumaraan ang dugo upang
tanggalin ang sobrang tubig at lason sa katawan. Ito ay nagagamit ng hanggang sampung beses
depende sa kabuuang kundisyon nito matapos ang kada treatment.
 Ang ‘dialysate’ay isang solusyon na tutulong maglinis sa dugo habang dumaraan ito sa dialyzer.

 Kung mapapansin, ang 5008s machine ay kakikitaan din ng mga natukoy sa 4008s, saan sila
nagka iba?
(5008S - HEMODIAFILTRATION )

 Sa 5008s machine, single use na dialyzer ang gamit. Ibig sabihin sa kada treatment, bagong dialyzer
ang gagamitin. Yun ay dahil ang makina ng 5008s ay naka program na gamitin ang uri ng dialyzer na
yoon na kung tawagin ay “FX Series”.

 Mapapansin rin na wala nang saline na kakailanganin sa 5008s, yun ay dahil sa ang machine na ito
ang gumagawa na ng sarili nyang tubig na gagamitin para sa treatment.

 Ang paraan kung paano sinasala ang toxins o dumi sa dugo ay iba kaysa sa 4008s.
 Kung standard ang dialysis sa 4008s, mayroon namang pagpipilian gaya ng pre-dilution at post-
dilution sa 5008s
(5008S - HEMODIAFILTRATION )

4008s 5008s
-Diffusive Therapy (Hemodialysis) -Convective Therapy (Hemodiafiltration)
-Maaaring hanggang 10 beses ang gamit ng -Bago ang dialyzer kada treatment o SINGLE
dialyzer USE
- Kalidad ng tubig: Ultrapure (1 diasafe) - Kalidad ng tubig: Sterile (2 diasafe)
- Paraan ng pag linis: Diffusion (solutes - Paraan ng pag linis: Diffusion and
across semipermeable membrane) Convection (by pressure; can remove larger
molecules) *higher molecular cut off level
- Mas mababa ang presyo - May kataasan ang presyo
KAHALAGAHAN NG MONTHLY LABS

 Sa pamamagitan ng monthly laboratory results, malalaman ng isang taong nagdadialysis kung ano
ang nangyayari sa kanyang katawan base sa resulta ng mga exam na ginawa sa dugo
 Maaari din na malaman kung nagiging maganda at epektibo ba ang kanyang treatment plan
 Dahil sa mga resultang makikita sa monthly laboratories, ang mga hindi magandang resulta ay maaari
agad na maikonsulta sa doctor upang maagapan
 Nabibigyan ng ideya ang isang taong nagdadialysis sa mga bagay na dapat niyang baguhin na
makakatulong sa kanyang pangkalahatang kalusugan
KAHALAGAHAN NG MONTHLY LABS

 Kung may iniinom o itinuturok na gamot, maaaring malaman sa pamamagitan ng monthly


laboratories kung ito ay dapat bang itigil, palitan o patuloy na inumin depende sa payo ng doctor
 Maaaring updated ang 5008s machine kaysa 4008s at mayroon silang pagkakaiba sa kung paano
dinisenyo ang makina para malinis ang dugo ng isang taong dinadialysis, pero hindi ito sapat na
basehan upang sabihin na mas epektibo ang nagiging treatment ng isa kaysa sa isa pa.

 Nakasalalay pa rin ito sa pag sunod ng isang pasyente sa kabuuang treatment niya, ibig sabihin,
hindi lamang sa ischedule ng dialysis kundi sa ischedule ng pagpapaturok ng gamot, wastong
pagkain, tamang dami ng tubig at agarang pagsasagawa ng mga kinakailangan para sa mas
magandang kurso ng treatment.

You might also like