Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

FILIPINO 9

USOK AT SALAMIN:
TAGAPAGLINGKOD AT
PINAGLILINGKURAN
PANGKAT DALAWA
Camasin Sophie Maureen Blake Leonor
Conner Dalauta Ayessa Mukara
Khamela Estrera Maxine Gamboa
JingCarl Labiano John Matthew Caingles
Shadrach Moreno
MGA
NILALAMAN

1 2 3 4

Buod Paksa Tono Kaisipan


01

Ang Buod ng Sanaysay


Banal na araw noon sa Jerusalem. Ang isang lalaking
matagal nang naninirahan doon ay nakita ng isang kakilala
niya mula sa akademya.

Inalok siya ng sakay nito na agad namang tinggap ng lalaki


papuntang kabayanan. Habang nagmamaneho, napag-
usapan nila ang ibang lahi.

Ipinagmalaki ng lalaki na mayroon siyang iba’t ibang lahi na


kapitbahay kabilang ang Kurdish, Iraqi, Amerikano,
Persian, at Israeli Ashkenazic o mga Isaraeli na may
karanasang Europeo. Nang mabanggit niya ang Persia, tila
hindi sumang-ayon ang lalaking nagmamaneho.

Sabi niya, ang mga Persian daw ang lahing


pinakamasama. Tinanong ng lalaki kung paano niya ito
nasabi.

Sumagot naman siya na halos lahat daw ay batid na


masama ang lahing Persian. Dito na nagpaliwanag ang
lalaki sa kaniyang kaibigan.
Ayon sa kaniya, hindi naman talaga masama ang ugali ng
mga Persian, bagkus ay sadyang matindi lamang ang
diskriminasyon sa panahon ngayon. Dahil lahat ay gustong
umangat, minamaliit nila ang ibang lahi.

Ginawa ring halimbawa ng lalaki ang pagkakaroon ng


paborito sa mga paaralan. Sinabi niya rin ang nangyaring
eleksiyon kung saan nagalit ang mga Afro-Asian Jews kina
Perez at Netanyahu.

Napag-usapan din nila ang mga lahing mapang-angkat na


pinaglilingkuran habang ang iba naman ay naglilingkod.
Dumaraing ang mga tagapaglingkod na nagiging ugat ng
galit ng ibang bansa. Nagtapos ang pag-uusap sa pagsasabi
ng lalaki na tayo rin naman ang nakaaalam ng tama at mali.
02

Ang Paksa sa Sanaysay na Usok at


Salamin: Paglingkod at
Pinaglilingkuran
ANG PAKSA NG SANAYSAY

Ang sanaysay ay tungkol sa isang taong nagnanais na maging


pantay ang turing ng bawat nilalang sa kanilang kapwa at mawala na
ang diskriminasyon. Siya ay nakatira sa isang kumunidad na
kinabibilangan ng mga taong mula sa iba't ibang lahi. Mula sa kaniyang
naririnig na kumento ng bawat isa sa kanilang kapwa, hindi niya
ikinatutuwa ang hindi lubos na pag-unawa sa isa’t isa at pagbibigay ng
pagkakataon sa kanilang sarili at kapwa na makita ang tunay na
katauhan maging kabutihan ng bawat isa anumang lahi pa nagmula.
03

Ang Tono ng Sanaysay


ANG TONO NG SANAYSAY

Ang Tono ng sanaysay ay seryoso. Pormal ang ginamit niyang wika


upang maipaliwanag ng lubos ang kaniyang nauunawaan at saloobin
tungkol sa Diskriminisasyon na nagaganap at nasasaksihan mula sa
kaniyang mga kakilala, kaibigan at sa kumunidad a kaniyang
kinabibilangan.
04

Ang Kaisipan ng Sanaysay


ANG KAISIPAN NG SANAYSAY

Nais na iparating ng may-akda na maling mali ang magparatang sa


ating kapwa dahil lamang sa nakaraang nagawa ng iilan, wala itong
maidudulot na kaunlaran at maganda sa lipunan. Kung nagagawa
namang makapamuhay ng ilang tao na mula sa ibang lahi at kultura
na hindi nakakasakit sa kapwa ano’t hindi ito magawa ng lahat. Ang
diskriminisasyon ay dulot lamang ng sobrang pagkilala sa karapatan at
pagpapahalaga sa sariling karunungan, mas pairalin sana ang
malasakit at pagmamahal dahil lahat ng tao ay nagnanais naman ng
payapa at magandang buhay. Ibigay natin ang pagkakataong ito na
hindi nagawa nang kasaysayan, huwag manatili sa nakaraan at
tingnan ang kabutihan at kakayahan ng bawat isa sa kasalukuyan.
FILIPINO 9

SALAMAT SA IYONG PAKIKINIG!

PANGKAT DALAWA
Camasin Sophie Maureen Blake Leonor
Conner Dalauta Ayessa Mukara
Khamela Estrera Maxine Gamboa
JingCarl Labiano John Matthew Caingles
Shadrach Moreno

You might also like