Group Ii: Ano-Ano Ang Hakbang Na Pamamaran Na Magagawa NG Kabataan Tungo Sa Kagalingan Sa Paggawa?

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

GROUP II

ANO-ANO ANG HAKBANG NA PAMAMARAN NA MAGAGAWA NG


KABATAAN TUNGO SA KAGALINGAN SA PAGGAWA?  
PRE TEST
PANUTO: Ayusin o buoin ang mga jumbled letters sa ibaba.

        DARIYORIPD
PRIYORIDAD
 PRE TEST

                OPLAN
PLANO
PRE TEST

OOLSABIN
SALOOBIN
PRE TEST

ALAKMANA
KAALAMAN
PRE TEST

VITYACTI OLG
ACTIVITY LOG
1. Tukuyin ang mga priyoridad sa gagampanang
gawain
    Alaminang layunin sa pagganap sa
ginagawang gawain. Makatutulong na tiyak at
maliwanag ang layunin sa paggawa upang
mabigyan ng kaukulang priyoridad ang
gaganaping gawain. Magkakapatong-patong
ang mga di-nagampanang gawain kung hindi
tiyak at maliwanag ang priyoridad mo sa
gagampanang gawain.
 2. Bumuo ng plano ng mga hakbang na magsisilbing
gabay sa pagtupad ng gawain
     Simulan ang araw sa pamamagitan ng
pagtingin sa iskedyul ng gawain na dapat
gawin. Bumuo ng listahan mga hakbang o
mga gawain o activity log na dapat bigyan
ng priyoridad sa mga itinakdang araw.
Nagiging higit na mabisa ang iskedyul kung
nailista na ang mga gawain na dapat
ipagpatuloy at tapusin ang mga bagong
gawain na dapat simulan sa kinabukasan.
3. Bumuo ng to-do list  batay sa activity log  na
binuo para sa gawain 
    Mulasa listahan o Activity Log, ilista
ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
gawain sa isang listahang karaniwang
tinatawag na To-do List. Ang listahang ito
ang magsisilbing gabay upang matiyak
na matatapos ang mga dapat gawin sa
bawat araw.
4. Gamitin nang lubos ang mga kaalaman,talento, at
mga kasanayan upang makabuo ng mahusay na
produkto mula sa iyong paggawa.
    Pagbutihin ang iyong mga kasanayan sa
pagsulat upang malinaw na maipahayag ang
mga konsepto na nais mong ipahayag sa
mabubuong proyekto.
    Gamitin din ang mga makabagong
paraan ng paglalahad ng iyong mga ideya sa
pagsulat ng mga ulat,pananaliksik, at mga
sulatin kung bahagi ito ng iyong itinakdang
paggawa.Hindi pa huli na mag-aral upang
matuto ng mga kasanayan tulad ng paggamit  
4. gamitin nang lubos ang mga kaalaman,talento, at mga
kasanayan upang makabuo ng mahusay na produkto mula
sa iyong paggawa.

-ng mga PowerPoint Presentation, Exel,


paggamit ng Internet, mga graphics na
tulad ng clip arts at mga larawan, mga
graph at maraming uri ng mga biswal at
paggamit ng Internet.
5. MAGKAROON NG Mabuting saloobin o
pakiramdam sa gagampaning gawain
       Ang taong may mabuting saloobin sa kanyang
gagampanang gawain ay higit na magiging
interesado at tutok na matapos ito. Kaugnay ang mga
positibong pakiramdam sa tiyak na layunin sa unang
hakbang na ating tinalakay. Halimbawa ng mga
mabubuting saloobin sa paggawa ay ang interes na
maagang maghanda ng mga kinakailangang gamit,
magplano ng mga hakbang sa pagsasagawa nito, at
magsimula ng mga aktuwal na pagkilos hanggang sa
mabuo at matapos ang gawain.
6. harapin ang mga stress  sa gawain sa
maayos at mabuting pamamaraan.
    Ang karaniwang pressure at stress ay
inaakala na nakatutulong sa pagiging
masigasig sa gawain. Subalit kung labis
ito, nababawasan ang kakayahan ng tao
na maging produktibo sa paggawa. Ang
labis na pressure at stress ay iniuugnay
din na isa sa mga sanhi ng mga suliraning
pangkalusugan ayon sa mga pag-aaral.
Narito ang mga praktikal na paraan ng
pamamahala ng mga pressure at stress
na magbubunga nang
mabuting kalusugan at kagalingan sa
iyong paggawa sa iba't ibang sitwasyon:
• Sikaping matulog
ng maaga at may
sapat na oras gabi-
gabi.
• Tapusin ang gawain
sa lugar ng
paggawa upang
hindi na
kailanganing
ipagpatuloy pa sa
bahay
upang makompleto.
• Alamin ang sanhi na pinagmumulan ng iyong stress
upang maplano na maalis o mabawasan ang tindi ng
epekto nito sa iyong pagkatao. Halimbawa, mula sa
ulat sa Stress Diary, maaaring ang kawalan ng
priyoridad o To-do List ang dahilan ng hindi
pagkompleto sa maraming bagay na inaasahang
magawa ng isang manggagawa. Ang kaalamang ito
ay makatutulong na makabawas sa stress sa
pamamagitan ng paglilista ng mga priyoridad na
kailangang unahin at tapusin sa bawat araw.
•Mag-iskedyul ng panahon
na makapagpahinga o
makapagrelaks sa pagitan
ng panahon ng paggawa.
Gawin ang mga bagay na
nagbibigay sa iyo ng lakas
at kasiyahan upang maging
malakas muli na
ipagpatuloy ang paggawa
na nais mong tapusin.
ORAL LEARNING:
PANUTO:Isulat ang salitang "totropahin" kung tama at
"jojowain" kung mali.

1.Nararapat na gumawa ng todo-list o activity log


upang malaman natin ang mga proyoridad o dapat gawin.
2.Dapat na tukuyin ang mga priyoridad sa gagampanang
gawain.
ORAL LEARNING:
3.Hindi paggamit ng lubos na mga kaalaman,talento at
mga kasanayan sa pagbuo ng mahusay na produkto
mula sa paggawa.
4.Hindi pagkakaroon ng mabuting saloobin o
pakiramdam sa gagampanang gawain.
5.Hindi pagharap sa mga  stress sa gawain sa maayos
at mabuting paraan.
GAWAIN SA PAGKATUTO:
Ibigay ang tamang sagot sa mga tanong sa ibaba.

1.Bakit mahalagang tukuyin muna ang mga priyoridad? 

2.Naranasan mo na bang bumuo o gumawa ng to-do list o


activity log?
GAWAIN SA PAGKATUTO:

3.Ano ang sitwasyon kung bakit ka gumawa ng


activity log?

4.Paano mo nalampasan ang stess o pressure sa


pamamagitan ng maayos na paraan?
GAWAIN SA PAGKATUTO:

5.Ano-ano ang mga aplikasyon na kinasanayan


para makagawa ng presentasyon?
THANK YOU!!!
STUDENT'S IN THIS PRESENTATION:

 REPORTER: Erin Buno & Angel Gladys Chaves 


 PPT: Louis Andre Baet & Jhoriess Capuno 
 CONTENT: Gabriel Denzel Jerez,Sean Michael Avena Lopez  &
Jona May Velasquez
  ACTIVITY: Vallerie Ann Barnedo,Nicole Tordecilla & Chazilene
Margaret Banawa

You might also like