Ang Alamat NG Ibong Agila

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

ANG

ALAMAT
NG IBONG
AGILA
Noong unang panahon nang si
Gilas ay bata pa lamang siya ay
isang batang babaeng pinalaking
puno ng prebilihiyo. Siya ay isang
anak na mayaman na nag-iisang
anak lamang. At lahat ng hinihingi
niya ay binibigay sa kanya. Ngunit
sariling atensiyon at pagmamahal
ay hindi maibagay ng kanyang mga
magulang.
Sa kakulangan ng atensiyon at
pagmamahal ay hindi rin si Gilas
pinapayagang lumabas ng bahay.
Imbes na tawagin na niya ang
kanilang bahay na “tahanan”,
iniisip niya itong kaniyang
kulungan.
Hindi siya makapunta sa mga lugar
na ninanais niya, kagaya na lamang
ng mga lugar na kaniyang makikita
sa kaniyang tirasa.
At dahil nga hindi siya pwedeng
makalabas, hindi rin ito pinapayagang
makipagkaibigan kahit lamang sa mga
anak ng kanilang mga taga-sunod.
Ngunit isang araw siya ay napuno na at
halos gabi-gabi siya’ng umiiyak habang
nagdarasal na sana siya ay maging
malaya na.
Dumating ang gabe, gabing-gabi na
iyon, napadaan ang kaniyang mga
magulang at nang marinig ang
kaniyang iyak at panalangin.
Biglang pumasok at kinumpronta nila si
Gilas. Sabay sabing “ANO ITO
GILAS?!”, “WALA PO IYON”, dahan-
dahang sinabi ni Gilas. Siya ay puno ng
takot at kaba.
“ANONG WALA!, ANO ANG TINGIN
MO SA AMIN MANG-MANG?!”
punong galit na isinabi ng kaniyang ina.
“IBINIGAY NAMAN ANG LAHAT-
LAHAT SA IYO AT DITO KANG NA
NALANGIN NA SANA MAKALAYO
KA SA AMIN?” malamig na tanong ng
kaniyang ama.
“WALA KANG UTANG NA LOOB,
GILAS!” mainit na sumbat ng kaniyang
ama.
Iyak nang iyak si Gilas nang marinig ang
masasakit na sumbat ng kaniyang mga
magulang.
“IBINIGAY NIYO SAKIN LAHAT PERO
PAGMAMAHAL AT ATENSIYON AY
HINDI SAPAT. NASAAN ANG
PAGMAMAHAL AT ATENSIYON NA
DAPAT IBINIGAY NIYO SA AKIN.
NASA IISANG BOBONG NGA TAYO
NGUNIT HINDI KO NAMAN RAMDAM
ANG IYONG PRESENSIYA.
KAYA KASALANAN KO BANG
MAGHANGAD AKO NA MAGING
MALAYA?” saysay ni Gilas na puno ng
hinagpis.
“OH SIGE! DAHIL GUSTONG-
GUSTO MONG MAGING MALAYA,
PINAPALAYA KA NA NAMIN.
SIGURADUHIN MO LANG NA
MULA BUKAS PAG GISING AT
PAGPUNTA NAMIN AY WALA KA NA
DITO! ITINATAKWIL KA NA
NAMIN!” puno nang galit ngunit may
kaunting konsensiya na isinabi ng
kaniyang ina.
Sabay paglabas nila sa kwarto ni Gilas
at iniwan nila siyang luhaan na puno ng
pagsisi at konsensiyang siya’y
nilalamon.
Pagsapit ng araw gumising na lamang
si Gilas sa isang nakapanindig
balahibong sitwasyon. Imbes na kamay
ang kanyang makita, pakpak ang
bumungad sa kanyang mga mata. Agad
siyang sumigaw ngunit imbes na
marinig niya ang kaniyang tinig, tunog
ng ibon ang lumabas sa kanyang mga
labi.
SI
Siya ay bumangon kaagad at biglang
napaisip ang mga sinabi at mga nasabi sa
kanya ng kanyang mga magulang. Hindi
niya alam kung pagsisihan niya ito o
hindi.
Pumasok ang kaniyang mga magulang sa
kanyang kwarto at kahit anino ni Gilas
ay wala silang makita. Ngunit may isang
ibon’g huni nang huni at doon lang nila
napagtanto na wala na pala ang nag-iisa
nilang anak, dahil rin sa mga isinumbat
nilang mga salita kay Gilas.
SI
Nagsisi silang isinumpa, pina-alis at
itinakwil nila ang kanilang kaisa-
isahang anak na si Gilas.
At doon nila nalaman na si Gilas ay
naging isang ibon at ipinangalanang
AGILA, dahil sa gusto niya itong
makalipad ng mataas at sa wakas
magkaroon na nang kalayaan.
Kaya ibinuka niya na lamang ang
kanyang mga pakpak at lumipad
palabas ng kanilang bahay.
SI
At sa wakas siya ay malaya at payapa
na. Ngunit may bumabulabog pa rin sa
kaniyang isipan, ang kaniyang mga
magulang . Mahigpit man ang pagtrato
na parang kulungan ang kaniyang mga
magulang ngunit magulang niya pa rin
sila. Hindi man siya nabigyan ng
pagmamahal at atensiyon na nararapat
sa kaniya, pero ang pagmamahal pa rin
niya sa kaniyang magulang ay kasing-
taas ng kaniyang paglipad.
ANG ALAMAT NG IBONG
AGILA

You might also like