Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

SISTEMA NG

HUSTISYANG
PANGKABATAAN:
KAKULANGAN SA
PAGDIDISIPLINA NG
MENOR DE EDAD
SA BAYAN NG CABIAO
Inihanda nina:
Mindi May R. Aguilar
Kyle M. Aguinea
April Anne T. Bandojo
Clarisse M. Emata
Ma. Sofia L. Miranda
Rasyonale
Mahalaga ang paksa na ito sapagkat maraming
menor de edad ang nasasangkot sa krimen at habang
tumatagal ay nadadagdagan pa ito. Kapansin-pansin na
karamihan sa mga kabataang sangkot sa krimen ay
mga biktima ng mga sindikato na naglalakas-loob na
gamitin ang mga bata para sa kanilang mga maling
gawain. Ayon kay Kristine Joyce M. Belonio sa kanyang
blog na Katarungang Pangkabataan: Ang Buhay sa
Likod Ng Mga Rehas? (2022), nakasaad sa RA 9344,
ang mga batang may edad labing-lima (15) taon pababa
ay hindi maaaring makulong.
Sa halip, sila ay ibinibigay sa DSWD
(Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at
Pagpapaunlad) para sa pagpapayo at
rehabilitasyon. Sa kasamaang palad, karamihan
sa mga batang ito ay tumatakas sa mga bahay
pambata na pinapatakbo ng gobyerno at
bumabalik sa kanilang mga nakasanayang
gawaing kriminal gaya ng hayagang
pagnanakaw. Dahil sa ipinatupad ng dating
senador na si Kiko Pangilinan, ang ilang mga
sindikato at mismo ang ibang kabataan ay
sinasamantala ang naturang batas para sa
kanilang proteksyon.
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-linaw upang mas
gabayan at proteksyunan ang mga menor de edad dahil
sa panahon ngayon na dumarami ang krimen sa ating
bansa maraming tao ang mapagsamantala at gagamitin
ang mga musmos na bata para lang sa kanilang
kagustuhan. Ayon pa kay Kristine Joyce M. Belonio
(2017), sa pamamagitan ng komprehensibo at maayos na
sistema para sa implementasyon ng katarungang
pangkabataan sa Pilipinas, maaari itong maging daan
upang maprotektahan ang ating mga kabataan, hindi
lamang laban sa kriminalidad ngunit pati na rin sa
kahirapan at kawalang pag-asa.
Layunin
Ang unang layunin ng konseptong papel na ito ay sagipin ang mga
batang nasa lansangan upang matulungan sila at mabigyan nang
magandang kinabukasan. Ang lipunang kanilang ginagalawan ay
maaari ring makaapekto sa pag-uugali ng isang bata.
Kung matutulungan ang mga menor de edad sa lansangan ay
mailalayo at mapoprotektahan sila sa mga sindikato o sa mga taong
nagtuturo ng masama sa kanila. Isa pa sa mga layunin nito ay ang
pagtatag ng bilangguan para sa mga menor de edad na na sangkot o
nakagawa ng krimen. Sa pamamagitan ng pagtatag ng mga
bilangguang ito ay magkakaroon ng puwang para sa pagpataw ng
tamang kaparusahan para sa mga menor de edad.
Layunin ng konseptong papel na ito ang itaguyod ang juvenile
prison upang mawakasan ang hindi patas na hustisyang nakakamit ng
mga biktima kahit na sila ay nasa itaas o mababang estado ng lipunan.
Nais nitong maipataw ang nararapat na kaparusahan para sa mga
taong nakagawa ng krimen lingid sa kanilang katayuan sa buhay. tao
Nang sa gayon ay makamit ng mga biktima ang katarungan para
sa kanila at mabibigyang kaparusahan ang may gawa ng krimen na
nararapat lamang sa kanya. Nais nitong makamit ang batas na
makatarungan at nakadepende ito sa kung anong krimen ang nagawa
ng isang indibidwal at hindi sa katayuan nito sa buhay. Ang katagang
"hustisya ay para lamang sa mayayaman" ay dapat baguhin sa
pananaw ng mga
Metodolohiya
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ay
gagamitan ng deskriptibong pananaliksik. Ayon kay
Minggu (2021), ang deskriptibong pananaliksik ay isang
makaagham na proseso o pamamaraan ng pagsisiyasat
o pagaaral upang humanap ng mga impirikal na datos
na magbibigay ng kalutasan sa isang umiiral na
suliranin. Ito ay naglalaman ng mga katanungang nais
na mabigyang pansin at linaw.
Isasagawa ito upang makakuha ng impormasyon
at kukunin ang mga respondante sa pamamagitan ng
paggamit ng stratified random sampling kung saan
kukuha sa bawat baranggay na nakapaloob sa bayan
ng Cabiao ng barangay justice. Ipinapanukala rin sa
papel na ito ay isasagawa sa loob lamang ng bayan ng
Cabiao. Pagkatapos ay pagsasama-samahin ang mga
nakalap na impormasyon mula sa interbyu na
isinagawa at malaman kung ano ang opinyon sa bawat
grupo.
Inaasahang
Resulta/Awtput
Inaasahang makakabuo ng pitong pahinang awtput ang
pananaliksik na isasagawa na tumutugon sa layuning papel na ito. Sa
pamamagitan ng makakalap na mga tugon mula sa pagsasagawa ng
interbyu o panayam sa mga respondente ay mapupunan ang mga
suliranin ng konseptong papel na ito. Ang mga isyu na nauugnay sa
hustisyang pangkabataan ay inaasahang mabigyang pansin at
maidulong sa nakatataas upang maresolba at mabigyan ng aksyon.
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang masagot at maisakatuparan
ang mga layuning nakatakda. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang
makapagbibigay ng kapakipakinabang na resulta hindi lamang para sa
mga batang nasangkot sa krimen, kung hindi na rin sa mga magulang
upang mas magabayan nila ang kanilang mga anak patungo sa
tamang landas. Inaasahan na magiging epektibong paraan ito upang
maligtas ang mga kabataan mula sa buhay na nakulong sa krimen,
karahasan at kahirapan.
Sanggunian
Belanio, Kristine. (2017, Mayo 25). Katarungang
Pangkabataan:Ang Buhay Sa Likod Ng Mga Rehas.
Mula sa https://philippineone.com/664-2/

Minggu(2021,Abril,25). DeskriptibongPananaliksik. Mula


sa:blogspot.com/2021/04/deskriptibong- pananaliksik-ayon-
kay.html?m=1
Wakas

You might also like