Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 23

WIKA

Inihanda ni:
Literatus, Jinky A.
Instructor I
TALAAN NG NILALAMAN

ANG WIKA
PINAGMULAN NG WIKA
DEPINISYON NG WIKA
IBA’T IBANG TEORYA SA
WIKA
IBA’T IBANG PANANAW SA
WIKA
WIKA
Ang wika'y kasangkapang
ginagamit ng lahat ng uri o antas
ng tao sa lipunan. Nagagamit ito
sa iba't ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao; pang-
ekonomiya, panrelihiyon,
pampulitika, pang-edukasyon at
panlipunan.
WIKA
Ang wika'y nawawala at namamatay
kung nauubos o umuunti ang
minoryang pangkat na gumagamit ng
nasabing wika ngunit patuloy naman
itong lumalaganap, umuunlad at
nagbabago kasabay ng pag-unlad ng
mayoryang pangkat na gumagamit
nito.
Saan nagmula ang
wika?
Wikang Egyptian- pinakamatandang wika
Egyptian- manlilikha ng pananalita ay si
Haring Thot
China- Son of Heaven Tien-Zu
Japan- Amaterasu
Genesis Story/Divine Theory- ibinigay ng
Diyos sa tao ang wika.
Babylonians- God Nabu
Hindu- Sarasvati na asawa ni Brahma.
Depinisyon ng
Wika
ito’y masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
na ginagamit ng taong kabilang
sa iisang kultura upang
makipagtalastasan.
Henry Gleason
Depinisyon ng
Wika
Ang wika ay isang likas at
makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
Edward Sapir
(1949)
Depinisyon ng
Wika
Ang wika ay isang sistema ng
mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan.
Caroll (1954)
Depinisyon ng
Wika
Ang wika ay isang set o kabuuan
ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon.

Todd (1987)
Depinisyon ng
Wika
ang wika ay isang arbitraryong
sistema ng mga tunog o ponema
na ginagamit ng tao sa
pakikipagtalastasan.

Buensuceso
Depinisyon ng
Wika
ang wika ay isang kabuuan ng mg
sagisag na panandang binibigkas
na sa pamamagitan nito ay
nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay-ugnay ang isang
pulutong ng mga tao.
Tumangan, Sr. et. al. (1997)
KATANGIAN NG WIKA
Ang WIKA ay SISTEMATIKO
Ang WIKA ay SINASALITANG TUNOG
Ang WIKA ay pinili at isinaayos sa
paraang ARBITRARYO
Ang WIKA ay nakabuhol sa KULTURA
Ang WIKA ay PANTAO
Ang WIKA ay NAGBABAGO
Ang WIKA ay ginagamit sa
pakikipagtalastasan
Ang WIKA ay MALIKHAIN
TEORYA/
PINAGMULAN
Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa
teoryang ito na ang lahat ng bagay
sa kapaliran ay may sariling tunog na
siyang kumakatawan sa nasabing
bagay. Mga tunog ang
nagpapakahulugan sa mga bagay
tulad ng kampana, relo, tren, at iba
pa.
TEORYA/
PINAGMULAN
Bow Wow – kalikasan. Dito ang
tunog ng nalikha ng kalikasan,
anuman ang pinagmulan ay ginagad
ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog,
ihip ng hanging, at iba pa.
Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang
tao ang siyang lumikha ng tunog at
siya ring nagbibigay ng kahulugan.
Dito ang tunog mula sa mga tao.
TEORYA/
PINAGMULAN
Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si
Psammatichos, ang wika ay sadyang
natutuhan kahit walang nagtuturo o
naririnig. Natutunan kahit walang
nagtuturo. Unconsciously learning the
language.

Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel.


Hango sa Bibliya
Teorya/ Pinagmulan
Charles Darwin – Ito ay nakasaad
sa aklat na Lioberman (1975) na may
pamagat na “On the Origin of
Language”, sinasaad niya ang
pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagtuturo sa kanya
upang malikha ng iba’t ibang wika.
Wika natutunan tungkol sa mga
pakikipagsapalaran.
Teorya/ Pinagmulan
TEORYANG YUM-YUM
nagsasaad na ang tao ay
tumutugon sa pamamagitan ng
kumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon.
Teorya/ Pinagmulan
TEORYANG YO-HE-HO.
• pinaniniwalaan na ang wika ay
galing sa ingay na nililikha ng taong
magkatuwang o nagtutulungan sa
kanilang gawain. Ito ay ay unang
nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar
noong ika-19 na dantaon.
Teorya/ Pinagmulan
TARARA-BOOM-DE-AY
mga tunog mula sa ritwal ng mga
sinaunang tao na naging daan upang
magsalita ang tao. Ang mga sayaw,
sigaw, o inkantasyon at mga bulong
ay binigyan nila ng kahulugan at sa
pagdaraan ng panahon, ito ay
nagbago.
Iba’t ibang Pananaw sa
WIKA
“Kung ano ang wika mo, iyon
din ang pagkatao mo”

-Virgilio Almario
Dalawang Aspekto ng
Gawi sa Wika (Trudgill,
2000)
1. Ang tungkulin ng wika sa
pagbuo ng panlipunang
relasyon
2. Ang papel na ginagampanan
ng wika sa paghahatid ng
impormasyon tungkol sa
tagapagsalita.
Ang wika ay isang Sistema
ng komunikasyon kung saan
ang tunog o simbolo ay
nagtataglay ng mga bagay,
kilos, at ideya.
WAKAS

You might also like