Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Epekto ng Kaisipang Liberal

sa Pag-usbong ng
Damdaming Nasyonalismo

Quarter 1– Week 1
Myrian D. Dioso
Teacher III
Sto. Cristo Integrated School
Suez Canal
Ito ay isang daungan sa pagitan ng taong 1834 at
1898, binuksan ang ilang mga daungan sa bansa
para sa kalakalang pandaigidig na higit pang
naging malawakan noong mabuksan ito noong
Nobyembre 17, 1869.
Ang Suez Canal ay ginawa ng inhinyerong Pranses na si
Ferdinand de Lesseps na nagdurugtong sa Mediterranean
Sea at Red Sea. Ito ang nagpaikli sa ruta sa pagitan ng
Silangan at Kanluran na ang tatlong buwang paglalakbay ay
maaari ng lakbayin ng isang buwan lamang. Dahil sa
pagbubukas ng mga daungang ito ay umunlad ang
ekonomiya ng bansa. Bumilis ang transportasyon,
komunikasyon, pagbuti ng pagsasaka, dumami ang mga ani
at produkto at maging ang mga negosyante at
mangangalakal. Naging dahilan din ito ng pagpasok sa
Pilipinas ng iba’t ibang paniniwala ng mga ideya mula sa
Europa na tulad ng kina John Locke, Jean Jacques Rosseau,
at Voltaire.
Sa pamamagitan ng mga balita mula sa mga babasahin
at maging mga narinig mula sa mga mangangalakal na
nakarating sa bansa tungkol sa mga kaguluhang
nangyayari sa Europa ay nagkaroon ng pagkaunawa ang
mga Pilipino tungkol sa pagkakaroon ng kaisipang
mapanghimagsik o rebolusyonaryo lalo na noong maantig
ang kanilang mga puso sa islogang “Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay, Pagkakapatiran.” na tanyag noong
French Revolution noong 1789-1799. Dahil din sa
paglaganap ng liberalismo, maraming Espanyol na liberal
ang pumunta sa Pilipinas. Isa na rito ang bagong hirang na
gobernador na si Carlos Maria de la Torre na kabilang sa
pangkat ng mga liberal sa Espanya.
Ang simula ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Carlos
Maria de la Torre noong Hunyo 23, 1869 ay nakatulong ng malaki
sa pag-unlad ng nasyonalismo sa puso ng mga Pilipino. Ang
nasyonalismo ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Sa
kanyang panunungkulan ay nabigyan ng ilang kalayaan at
karapatan ang mga Pilipino. Sa unang pagkakataon ay
naramdaman ng mga Pilipino na sila’y hindi mga alipin kundi mga
mamamayang bahagi ng isang lipunan. Hindi nagtagal ang
panunungkulan ni De La Torre dahil maraming mga Espanyol ang
kanyang nakaaway dahil sa pagiging mabuti niya sa mga Pilipino.
Gayunpaman, minahal siya ng mga Pilipino at ang kanyang
panunungkulan ay humikayat sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang
kanyang nasimulan.
Pag-usbong ng Uring
Mestizo
Sa ginamit na ilustrasyon, makikita ang pinakamaliit na bahagi ng
itaas ng piramide na binubuo ng mga iilang Espanyol na kinabibilangan
ng mg prayle, at kawani ng pamahalaan na binubuo ng mga peninsulares
o yaong mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya at ng mga insulares o
yaong mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. Ang gitnang bahagi
naman ay ang kaunting bilang ng mga Pilipinong binubuo ng kapitan at
mga kamag-anak nito kasama na rin ng mga Pilipinong may kaya sa
buhay tulad ng mga may-ari ng lupa at mga mestizo ang naging anak ng
mga Espanyol sa mga katutubo. Ang pinakailalim na bahagi naman ay
binubuo ng mga maraming karaniwang Pilipino na itinuturing na
mahihirap at hindi nakapag-aral na tinawag na Indio ng mga Espanyol.
• Noong mga taong 1880, nagkaroon ng pagbabago sa uri ng
mga taong kabilang sa ikalawang uri o gitnang bahagi ng
piramide. Ang mga nakapag-aral sa kolehiyo at unibersidad at
mga mangangalakal ay napabilang na rin sa grupong ito na
tinawag na mga Ilustrado. Ang mga Ilustrado ay yaong mga
pamilyang maykaya o nakaririwasa at nakapagpaaral ng mga
anak sa Espanya at iba pang bansa sa Europa. Sila ang mga
Pilipinong nagkaroon ng magandang katayuan sa lipunan at
nagsimulang maghangad ng pagbabago. Di nagtagal, ang mga
nakapag-aral ay bumuo naman ng pangkat ng Intelligentsia.
Dahil sa natamong kaalaman at karunungan ay lalong lumawak
at lumaki ang kanilang pang-unawa sa kahulugan ng kalayaang
dapat ipaglaban. Kabilang sa mga Pilipinong nakapag-aral sa
ibang bansa ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H.
Del Pilar, Juan Luna, Felix Hidalgo at marami pang iba.
Pagpapatibay ng
Dekretong Edukasyon ng
1863

Sa pamamagitan ng pagpapatibay nito, ang mga Pilipino ay


nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa mga
pampublikong paaralang espanyol subalit magkaiba ang
paaralan ng mga babae at lalaki.
Ang namumuno sa mga pampublikong
paaralang ito ay ang pamahalaan. Lahat ay
maaaring makapag-aral, mayaman man o
mahirap, Espanyol man o Pilipino. Nagtayo Nagkaroon din ng mga
paaralang bokasyonal na nagturo ng
rin ng paaralang normal sa ilalim ng tamang paraan ng pagtatanim,
kautusang ito na kung saan sinasanay ang pagkakarpintero, at pagpipinta para
mga lalaking nais maging guro. Maaaring sa mga lalaki at pananahi at
matapos ang kursong ito sa loob lamang ng pagbuburda naman para sa mga
babae.
tatlong taon at sila lamang ang maaaring
makapagturo sa mga paaralang-bayan.
Ipinagbabawal rin ng pamahalaan na
makapag-aral sa kolehiyo ang mga
kababaihan noon subalit ngayon ay maaari
nang mag-aral ang mga ito.
Ang edukasyong ipinakilala ng mga Espanyol ay
nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga
Pilipino. Ito ang nagbukas ng isipan ng mga Pilipino sa
kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran at tagumpay
sa buhay ng tao. Naging higit na masigasig ang mga
Pilipinong tumuklas ng karunungan sa iba’t ibang
larangan. Maraming mga natatanging Pilipino ang
nakilala dahil sa kahusayan sa pag-aaral kahit na
hinahadlangan pa ito ng mga Espanyol. Halimbawa
nito sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H
Del Pilar, at iba pa.
u b u k a s ng
y o n s a pagb ang
g e d u k as a n g d iw
l o n g d in an g m a g i sing n at
a ka t u u p a n ai s i p a
N
m g a P ilipino n g k a n i l ang k
ag i ng sa
mata n g awak a u h ay m
sm o . L u m sari l i n g b ng
sy o n a l i p a ra s a u k a s y o n
na i l a m ang ta s n g ed
d a n ang
pananaw t na tumaas ang sa s i m b a h
y a n . H i g i
a ka t u r u a n
s is i m b a , at N
ba o . A n g mg g a s a l, pag agkar
i n
mga Pilip ya ng kagandaha g higit na naging
n eduk oon din n
a n asyon g hi n
l ik o g i y o s a i n o . na g k di na
Kato l a ta ya s a D
g m ga P i li p ta n im sa olo nyal s maga
a n a m p a b u h a y n kultur kanil a b uh ndan
p a n g ga p s a a ng ka ang isi ay ng g epe
g g a p - t a n N aging nlura p an n mga kto a
ka ta n m
n kay ni
higit ia P il ng
kultu
ra. Pi
abab
a an g sa sa a na m pino dahi
Espan nilit n pagti ting s agan l
y ila ng ari d a an
ikina ol at mam ng pagar in ng mar ling kultu g
hi a am ra
lumik ya ang pa uhay na p lan ang w i sa saril .
h g a ik ing
sarili a ng tako ka-Pilipin rang Espa ang
lalo n t, o n
a sa m hiya, at m . Ang dam yol at
ga pa a da
ngka babang p ming ito
raniw a a
ang P gtingin sa y
ilipin
o.
Pagsagot sa
mga
Pagsasanay

You might also like