Professional Documents
Culture Documents
Q3 W6 Tekstong Naratib
Q3 W6 Tekstong Naratib
PAGSULAT NG DYORNAL:
Ano ang kahalagahan ng ginawang awtput
na pagbuo ng video commercial/ brochure sa
buhay ng tao? Ipaliwanag.
Unang Araw
DUGTUNGAN Mo!
Natutunan ko sa aralin (Tekstong Persweysib)
ang sumusunod:
_____________________________________
______________________________
Unang Araw
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na salita:
1.Commercial
2. Non- Commercial
3. Ethos
4. Pathos
5. Logos
Ikalawang Araw
Pagsasagot ng Mahabang
Pagsusulit
Ikatlong Araw
• Balik-Aral
• Palabaybayan
AKTIBITI
AKTIBITI
Panuto: Tukuyin kung anong pamagat ng
kuwento ang ipapakita sa mga larawan.
Pamamaraan sa Pagbasa
1. ISKIMING- Madaliang pagbabasa na ginagamit
upang magkaroon ng impresyon kung dapat o di-
dapat basahing Mabuti ang teksto. Paghahanap din
ito ng mga mahahalagang datos na maaaring
gamitin sa mga pamanahong papel o pananaliksik.
Nakatuon ito sa pagbabasa sa pangunahing detalye.
Pamamaraan sa Pagbasa
2. ISKANING- Hinahanap sa ganitong pagbabasa
ang mga tiyak na impormasyon na madaling
nagagawa sa mga tekstong maiikli, may malalaking
tipo ng pagkakalimbag at pamilyar ang teksto.
Ginagalugad lamang nito ang mga susing salita at
subtitles.
Pamamaraan sa Pagbasa
3. KASWAL- Pansamantalang pagbasa
ito sapagkat pampalipas-oras ang layunin
ng ganitong Teknik kung kaya’t magaan
lamang gawin.
Pamamaraan sa Pagbasa
4. KOMPREHENSIBO- Iniisa-isa rito ang bawat
detalye at inuunawa ang bawat kaisipan. Epektibo ito
para sa akademikong pagbabasa dahil sinusuri,
binibigyang-opinion, tinataya, binubuod, binabalangkas,
sinusukat, at hinihimay ang mga detalye ng teksto.
Layunin nito ang lubos na pagkatuto mula sa
masinsinang pagbabasa.
Pamamaraan sa Pagbasa
5. KRITIKAL- Tinitingnan sa Teknik na ito ang
kawastuhan at katotohanan ng tekstong binabasa na
magagamit nang personal upang maiangkop sa mga
pag-uugali at maisasabuhay nang may
pananagutan.
Pamamaraan sa Pagbasa
6. PAMULING- BASA – Hindi nahihinto ang mga
aral na dulot nito habang paulit- ulit na binabasa.
Halimbawa nito ang mga klasikong teksto tulad ng
Bibliya, mga akda nina Jose Rizal William
Shakespeare at ng iba pang dakilang manunulat.
Pamamaraan sa Pagbasa
7. BASANG-TALA – Teknik ito ng pagbabasa kasabay ng
pagsusulat. Itinatala ang mga nasusumpungang kaisipan o
ideya upang madaling makita kung sakaling kailanganin
muli ang impormasyong itinala. Gumagamit din ng
highlighter at marker ang mambabasa (kung pagmamay-ari
ang aklat) para madaling makita at balikan ang mga
impormasyong nais bigyang-diin.
Panuto: Basahin muli ang Tekstong
Pangmatemarika at Pang-agham na
pinamagatang Pinggang Pinoy.
Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano ang naging resulta ng National Nutrition Survey (NNS)
noong
1993-2014 tungkol sa mga matatandang edad 20 taong gulang
pataas?
2. Sino ang mga taong maituturing na may Chronic Energy
Deficient (CED)?
3. Bakit lumalala ang kaso ng obesity sa matatandang Filipino?
4. Sa iyong palagay, ano ang maipapayo mo sa mga tao upang
makaiwas sa sakit sa pagkakaroon ng Chronic Energy
Deficient (CED) at pagiging obese?
PAGSULAT NG DYORNAL:
Paano nakatutulong sa atin ang
mga pamamaraan sa pagbabasa?
Ipaliwanag
DUGTUNGAN Mo!
Natutunan ko sa aralin na
ang:
______________________
PANUTO: Tukuyin kung anong
pamamaraan ng pagbasa ang sumusunod:
1. Hindi nahihinto ang mga aral na dulot nito
habang paulit- ulit na binabasa.
2. Tinitingnan sa Teknik na ito ang kawastuhan at
katotohanan ng tekstong binabasa na
magagamit nang personal upang maiangkop sa
mga pag-uugali at maisasabuhay nang may
pananagutan.
PANUTO: Tukuyin kung anong
pamamaraan ng pagbasa ang sumusunod:
3. Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa ang
bawat kaisipan.
4. Ginagalugad lamang nito ang mga susing salita
at subtitles.
5. Nakatuon ito sa pagbabasa sa pangunahing
detalye.
Ikaapat na Araw
Balik-Aral
AKTIBITI
Sundin ang sumusunod na panuto:
1. Bawat mag-aaral ay susulat ng pangalan ng
isang bagay, tao, lugar o hayop, pantangi man
(hal. Benigno Aquino III) o karaniwan (pangulo)
sa isang maliit na papel. Pagkatapos isulat ay
tupiin ang papel at ibigay sa guro.
AKTIBITI
2. Bawat isa ay mag-iisip ng isang maikling
kuwento na binubuo lamang ng pito
hanggang sampung pangungusap. Dapat ay
kasama sa pagkukwento ang mga salitang
isinulat sa papel na mabubunot.
Gabay na Tanong:
1.Tungkol saan ang inyong ginawang
kuwento?
2.Sino- sino ang tauhan sa kuwento?
3.Ano ang mga makabuluhang pangyayari?
4.Paano kayo nagsimula kuwento?
TEKSTONG NARATIBO
Layunin nitong magsalaysay o magkuwento batay sa
isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring
ang salaysay ay personal na naranasan ng
nagkukwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-
isip lamang. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay
nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
TEKSTONG NARATIBO
Ito ay nagkukwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o
di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing
sanaysay). Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon at
kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora at
simbolo upang maging malikhain ang katha.
Iba’t ibang Elemento ng
Naratibong Teksto
1.PAKSA- Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan.
DUGTUNGAN Mo!
Sa buong linggo ng aralin nagkaroon ako
ng bagong kaalaman na kung saan ito ay
ang sumusunod:__________________
TEKSTONG
PROSIDYUR
• Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng
impormasyon at instruksyon kung paanong isasagawa
ang isang tiyak na bagay. Nagagamit ang pag-unawa
sa mga tekstong prosidyural sa halos lahat ng larang
ng pagkatuto. Halimbawa, recipe ng pagluluto sa
Home Economics, paggawa ng eksperimento sa
agham at teknolohiya, pagbuo ng aparato at
pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya o
pagsunod sa mga patakaran sa buong paaralan.
APAT NA NILALAMAN
LAYUNIN O TARGET NA AWTPUT- Nilalaman kung
ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng
prosidyur.
MGA KAGAMITAN- Nakapaloob ang mga kasangkapan
at kagamitang kakailanganin upang makompleto ang
isasagawang proyekto.
METODO- Serye ng mga hakbang na isasagawa upang
mabuo ang proyekto.
EBALWASYON-Naglalaman ng mga pamaraan kung
paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.