Fil7-3q-Aralin 3.2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Aralin 3.

3:
A. Panitikan:
BULONG AT AWITING-BAYAN NG LUZON

B. Gramatika:
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
NG EMOSYON O DAMDAMIN
I. Panimula
Ang Aralin 3.3 ay tungkol sa bulong at awiting-
bayan mula sa Luzon. Bahagi rin ng aralin ang
pagtalakay sa Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin. Sa pagtatapos ng araling
ito, ikaw ay inaasahang makalilikha ng awiting-
bayan na ia-upload mo sa alinmang social
networking site batay sa mga pamantayan.
I. Panimula
Tuklasin kung masasalamin ba sa bulong at awiting-
bayan ang paniniwala at kaugalian ng mga taga-Luzon.
Gayundin kung paano makatutulong ang paggamit ng
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o
damdamin sa paglikha ng bulong at awiting-bayan.
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
Gawain 1. Magagawa Natin

A. Suriin ang kasunod na halimbawa ng mga bulong at


awiting-bayan.
1. Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan.
(Rosario Torres-Yu,1980
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
2. Itong ating kabukiran,
Sampung bahay at tahanan
Ibig nilang kuning tunay,
Maagaw sa ating kamay,
Tayo baga’y naaasal
Bagong buhay,
Tila patay.
(Deveza & Guamen, 1979)
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
3. Tabi-tabi po apo
Baka po kayo mabunggo.
(Deveza & Guamen, 1979)
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
4. Anak, upo ka sa bato.
Anak, upo ka sa bato,
At hihiluran ko ang likod mo.
Ang libag mo anak ko
Ang libag mo anak ko
Nakakahiya sa mga tao.
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
5. Dagang malaki,
Dagang maliit
Heto na ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan ng bagong kpalit.
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
Gawain 1. Magagawa Natin
B. Pangkatin sa dalawa ang binasang mga halimbawa ng
tula. Isulat sa kasunod na mga kolum kung saan nabibilang
ang bawat isa. Sipiin ang buong tula. Isulat din ang
kaugalian at paniniwalang nakapaloob dito. Gayahin ang
kasunod na pormat sa sagutang papel. Gawing landscape
ang pagkokolum.
II. Yugto ng Pagkatuto
Kaugalian at Kaugalian at
Bulong Awiting-bayan
Paniniwala Paniniwala
II. Yugto ng Pagkatuto
 Tuklasin
Gawain 2 . Mahusay na Hinuha

Unti-unti ka nang nakakakuha ng mga impormasyon


tungkol sa bulong at awiting-bayan. Batay sa iyong mga
nalaman tungkol sa bulong at awiting-bayan, sagutin ang
kasunod na mga tanong sa pamamagitan ng free map.
Gawin sa sagutang papel. (p. 206)
 Alam mo ba na…

ang bulong at awiting-bayan ay itinuturing na


matandang panitikan ng Pilipinas? Walang talang
naisulat ang ating mga ninuno tungkol sa mga
halimbawa nito, sapagkat nagpasalin-salin lamang
ang mga ito sa bibig ng mga tao noon hanggang
maisulat na ang mga ito sa aklat at ibang babasahin.
Linangin
Basahin at unawain ang ilang tala tungkol sa
mga bulong at awiting-bayan upang malaman mo
kung masasalamin ba sa mga ito ang paniniwala
at kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.
(pp. 207-209)
 Linangin
Gawain 3. Paglinang ng Talasalitaan
Basahin at unawain ang bawat aytem.
Isulat ang tsek sa kolum na mapipiling sagot.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang
papel.
Tanong Oo Hindi

1. Ibig bang sabihin ng makikiraan ay uunahan?

2. Nangangahulugan ba ang mabangga ng mabunggo?

3. Kapag sinabing makirot, may nararamdaman bang masakit?

4. Pababayaan ba ang ibig sabihin ng kalinga?

5. Gulapay na ba ang isang tao kapag hirap na hirap na?

6. Ibig bang sabihin ng pumapantay ay nakahihigit?


 Linangin
Gawain 4. Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Paghambingin ang bulong at awiting-bayan batay sa
binasang mga halimbawa. Gayahin angkasunod na pormat
sa sagutang papel. (p. 210)
2. Anong mga paniniwala at kaugalian ng taga-Luzon ang
nakapaloob sa mga binasang bulong at awiting-bayan?
3. Sa iyong palagay, ano ang nagging dahilan upang
makalikha ng mga bulong at awiting-bayan ang mga
ninuno ng mga taga-Luzon?
 Linangin
Gawain 4. Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang sumusunod na tanong.

4. Isa-isahin ang nilalaman ng bawat halimbawang


bulong at awiting-bayan. Gayahin ang kasunod na
pormat sa sagutang papel. Para sa bulong, isulat ang
pamagat nito at para naman sa awiting-bayan, isulat
ang lugar na pinagmulan nito. (p. 210)
 Linangin
Gawain 5. Pagpapayaman ng Nilalaman

Ilapat at isulat sa mga kasunod na piraso ng


bato ang kasunod na halimbawa ng mga awiting-
bayan ayon sa ipinahahayag nito. Gawin sa
sagutang papel na gagayahin ang mga kapirasong
bato. (p. 211)
 Linangin
Gawain 6. Pagsasanib ng Gramatika

Bukod sa bulong at awiting-bayan, ang


kuwentong-bayan ay kinapapalooban din ng
paniniwala at kaugalian gaya ng kasunod na
iyong tekstong babasahin. Iyong bigyang-pansin
ang pagpapahayag ng damdamin o emosyon.
 Linangin
Gawain 6. Pagsasanib ng Gramatika

Pagbasa sa nilalaman ng akdang:

SI MALAKAS AT SI MAGANDA
(Kuwentong-bayan mula sa Maynila)
(pp. 212-213)
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
NG EMOSYON O DAMDAMIN

Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin.


Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap na
nagsasaad ng masidhing damdamin, gayundin ang mga pahayag na
nagtatanong.
Ipinakikita ng kasunod na mga halimbawa na ang tandang
padamdam at maging ang tandang pananong ay ginagamit ding signal
sa pagpapahayag ng ilang masidhing damdamin. Maging ang gamit ng
bantas na tuldok ay maaaring magamit sa pagpapahayag ng emosyon
o damdamin nang ayon sa nilalaman nito.
Halimbawa:

1. Paghanga: Wow! Ganda! Matindi Galing!


2. Pagkagulat: Sus! Grabe! Aba! Sobra!
3. Takot: Inay! Huwag! Sunog!
4. Tuwa: Yehey! Salamat! Wow!
5. Pag-asa: Harinawa. Sana nga.
6. Pagtataka: Bakit? Talaga?
Ang isa pang paraan ng pagpapahayag ng emosyon
o damdamin ay pangungusap na tiyakang
nagpapadama ng damdamin ng nagsasalita.

Halimbawa:

1. Totoong galit na galit ako sa iyo.


2. Sa ginawa mong pang-iiwan sa akin,
nagtatampo ako sa iyo.
3. Naaawa ako sa mga batang lansangan.
Ang pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa
paraang nagpapahiwatig o hindi tuwirang inihahayag ang
damdamin o gusting mangyari ay ginagamit din sa
pagpapahayag ng emosyon.

Halimbawa:

1. May matutuluyan naman tayo sa Palawan.


2. Baka abutin tayo ng hatinggabi sa birthday
party ni Amie.
3. Maganda palang maging pinuno.
Pagsasanay 1. Tukuyin ang damdaming
ipinapahayag ng bawat patak ng tubig. Gayahin
ang pormat sa sagutang papel. (p. 214)
Pagsasanay 2. Bumuo ng sariling halimbawa ng
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon
o damdamin. Gawin sa sagutang papel. Iwasang
gamitin ang mga naibigay na. (p. 215)
Pagsasanay 3. Batay sa kasunod na larawan,
sumulat ng iba’t ibang pahayag na may emosyon
o damdaming nakapaloob. Gawin sa sagutang
papel.
(p. 215)
Gawain 7. Pag-uugnay sa Retorika
Sumulat ng isang bulong o awiting-bayan na
ang paksa ay tungkol sa araw-araw na buhay ng
ilang lugar sa Luzon. Isaalang-alang ang
pagpapahayag ng emosyon o damdamin. Gawin
sa sagutang papel.
 Pagnilayan at Unawain
Sagutin.

• Masasalamin ba sa bulong at awiting-bayan ang


paniniwala at kaugalian ng mga taga-Luzon?

• Paano makatutulong ang iba’t ibang paraan ng


pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha
ng bulong at awiting-bayan?
 Ilipat
Composer ka ng isang banda. May magagandang
kaugalian at paniniwala sa isang lugar sa Luzon na
halos hindi alam ng maraming Pilipino. Kasama ang
bokalista at gitarista bubuo kayo ng awiting-bayan.
Plano ninyong i-upload ito sa alinmang social media
upang mapakinggan ng kabataan at iba pang
mamamayan. Itataya ang inyong nilikhang awiting-
bayan sa sumusunod na pamantayan:
 Ilipat
Pamantayan
a. Nagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga taga-Luzon 3

b. Naglalahad ng mabubuting kaugalian at paniniwala ng isa sa mga lugar sa Luzon 3

c. Malinaw ang pagpapahayag 4

d. Malikhain 3

e. Nahihikayat ang tono o himig 3

f. Gamit ang social media, hindi bababa sa 10 ang magla-like 4


20
KABUOAN
PUNTOS
Binabati kita at iyong napagtagumpayan
ang mga gawain sa Aralin 3.2
maaari mo nang pag-aralan
ang Aralin 3.3.

You might also like