Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

MGA HAKBANG SA

PAGGAWA NG MOVIE
TRAILER
•Ano ang movie/tv trailer?
Ang isang trailer ay isang preview na
nagtatampok bilang isang advertisement ng
isang pelikula na pa sa premiere sa sinehan. Ang
mga trailer sa nakaraan ay madalas na
ipinapakita sa dulo ng mga pelikula sa mga
sinehan. Gayunpaman, ito ay hindi epektibo
habang ang madla ay umalis sa cinema
pagkatapos matapos ang pelikula.
Ngayon, makikita mo ang mga trailer sa
simula ng mga pelikula. Ang teaser ay
isang mas maikling trailer na ginagamit
upang mag-advertise ng isang darating na
pelikula, sa pamamagitan ng pagbubuo
ng pag-asa at interes mula sa panonood
ng madla.
Ang mga teaser ay medyo maikli at
hindi maaaring maglaman ng
maraming impormasyon ng
nilalaman ng pelikula. Gayunpaman
kapwa sila ay ginagamit upang mag-
advertise at lumikha ng kamalayan
ng isang paparating na pelikula
ELEMENTO SA PAGGAWA
NG TV/MOVIE TRAILER
ISTORYA
Inilalahad dito kung ano ang konsepto
ng pelikula, hindi kailangang madetalye
STORY BOARD
Ito ang guhit o sketch ng kung
ano ang gusto mong ipalabas
DIREKTOR
Nakasalalay sa kaniya
ang pagiging malikhain
ng pelikula
SINEMATOGRAPIYA
Ito ang matapat na
naglalarawan ng
buhay o pamumuhay
ng tao sa pelikula
DISENYONG SET
Ito ang mga
giagamit na tagpuan
sa pelikula
BISA NG TUNOG
Ito ang bahaging naglalapat
ng musika sa pelikula.
Ibinabagay ang musika sa
tema at eksena ng pelikula
CAMERA OPERATOR
Tagakuha ng aktuwal
na shooting sa
pelikula
SOUND MEN
Taga-record ng dayalogo
sa bawat eksena. Siya
ang naghahanda ng mga
tunog at musikang
kailangan.
Mga Karaniwang uri ng anggulo
at kuha ng kamera sa pelikula
Establishing/Long Shot
Sa ibang termino ay tinatawag
na “scene setting”. Mula sa
malayo ay kinukuhanan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng
ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o
dokumentaryo.
Medium Shot
Kuha ng kamera mula tuhod
paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwan ito sa mga senaryong
may dayalogo o sa pagitan ng
dalawang taong nag-uusap o sa
isang paaksyong detalye.
Close-up Shot
Ang pokus ay nasa isang partikular
na bagay lamang. Hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid.
Halimbawa nito ay pagpokus sa
ekspresyon ng mukha; sulat kamay
sa isang papel.
Extreme Close-up
Ang pinakamataas na lebel ng
“close-up shot”. Ang pinakapokus
ay isang detalye lamang mula sa
clo  se-up. Halimbawa ang pokus
ng mata ay nasa mata lamang sa
halip na sa buong mukha.
High Angle Shot
Ang kamera ay nasa bahaging
itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi
tungo sa ilalim.
Low Angle Shot
Ang kamera ay nasa bahaging
ibaba, kaya ang anggulo o pokus
ay nagmumula sa ibabang bahagi
tungo sa itaas.
Birds Eye-view
Maaari ring maging isang “aerial
shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin
ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa
nito ay ang senaryo ng
buong karagatan at kabundukan na
ang manonood at tila isang ibon na
lumilipad sa himpapawid.
Panning Shot
Isang mabilis na pagkuha ng anggulo
ng isang kamera upang masundan
ang detalyeng kinukunan. Halimbawa
nito ay ang kuha sa isang
tumatakbong sasakyan o isang taong
kumakaripas ng takbo.

You might also like