Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Welcome to A.P. 6 Class!

MERCEDES T. TUNGPALAN
Guro
Mga Hamon sa Kasarinlan Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga Layunin:
1. Naipamamalas ang mas malalim na
pag-unawa at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga
Pilipino tungo sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng
kasarinlan
2. Nakapagpakita ng pagmamalaki sa kontribosyon ng mga
nagpunyaging mga Pilipino sa pagkamit ng ganap na kalayaan
at hamon ng kasarinlan
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
 Ang karapatan ng isang tao ay napamakahalaga sapagkat
malaya itong gumawa ng mga bagay na ikabubuti at ikasasama
niya. Kaya lang minsan ito ay inabuso nang iba.
 Ngayon ay malalaman natin sa araling ito ang Parity Rights at
ang ugnayang kalakalan sa Estados Unidos. Basahin at
unawaing mabuti ang araling ito.
Pagtatalakay
Patakarang “Parity Rights” at ang Ugnayang Kalakalan sa
Estados Unidos
Malayang Kalakalan
 Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pamama- raan ng
paniningil ng iba’t ibang buwis na nasimulan noong panahon
ng mga Kastila. May- roong mga ginawang pagbabago gaya
ng pagpapalit sa cedula personal sa isang peseta ($0.10) at
pag-aalis ng mga monopolyo sa pagbibili ng opyo, sabungan
at alak. Ang mga salaping nakokolekta ay inilalagak sa isang…
Pagtatalakay
…pampublikong tesorero na pinanga-
siwaan ng Kagawaran ng Tesorero.

Batas Payne-Aldrich
 Noong taong 1909 ay ipinasa sa Kongreso ng Amerika ang
Batas Payne-Aldrich. Ito’y naglala- yong papasukin ang mga
piling produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. Naglagay ng
limitasyon sa pagpasok ng bigas, asukal, niyog, langis at
tabako sa Estados Unidos dahil sa pagtutol ng mga
magsasakang Amerikano. Ito’y kanilang…
Pagtatalakay
…ginawa dahil sa posibleng malaking kompetis- yon ang
mangyayari sa mga nabanggit na produkto. Samantalang ang
produkto ng mga Amerikano ay malayang makapapasok sa ating
pamilihan ng walang limitasyon sa bilang o dami nito.

Batas Underwood-Simmons
 Taong 1913 ay ipinasa ang Batas Underwood Simmons sa
Kongreso ng Amerika. Inalis ng batas na ito ang mga
restriksiyon sa lahat ng…
Pagtatalakay
…produktong pumapasok sa dalawang bansa. Dahil dito,
naging depende ang Pilipinas sa mga kalakal na galing sa Estados
Unidos. Naging positibo din ito sa pagdami ng mga iniluluwas
na produkto ng Pilipinas sa Estados Unidos. Lumaki ang bilang
ng mga iniluluwas na produkto. Batay sa istatistika noong taong
1914 at 1920 ay umabot ang iniluluwas na produkto sa 50%-
70%. Nang taon 1939 ay 85% ang ating nailuwas na
produkto sa Estados Unidos ngunit 65%
naman ang ating inangkat.
Pagtatalakay
Nakinabang nang malaki ang Estados Unidos sa nasabing
patakaran dahil kahit hindi mahahala- gang produkto ay
naipasok nila sa pamilihan ng Pilipinas at nagdulot ng mas
malaking tubo sa kanila. Naging mahilig kasi ang mga Pilipino sa
anumang produktong “stateside”.
Pagtatalakay
Parity Rights
 Hindi lamang ang kalakalan ang pi-
nakinabangan ng mga Amerikano
sa panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas kundi
maging ang ating mga likas na yaman. Bago pinagkaloob ng mga
Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas ay itinali muna tayo sa isa
pang patakaran: ang Parity Rights. Ang pataka- rang ito
inaprubahan ng Kongreso ng Pilipinas noong Hulyo 2, 1946.
Ito ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano na…
Pagtatalakay
…gamitin at pakinabangan ang mga likas na yaman ng
Pilipinas. Madaling napaunlad nito ang pangangalakal at
industriyang itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ang
pagtatatag ng mga industriyang Amerikano ay naging daan ng
pagdagsa ng mas maraming bilang ng mga produktong
Amerikano sa pamilihan ng Pilipinas.
Pagtatalakay
Ang Epekto ng “Colonial Mentality” Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Colonial Mentality o Isip-Kolonyal


 Nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na
yari sa United States. Naging ugali ang pagtangkilik sa mga
produktong gawa sa United States at napabayaan ang sariling
atin. Inisip nila na ang mga bagay na yari sa United States,
pati na mga gawain at ugaling Amerikano o nabibilang sa
maputing lahi ay higit na…
Pagtatalakay
…maganda at mabuti kaysa sa sariling atin. Sa madaling sabi,
nagkaroon sila ng colonial mentality. Kaya ang mga Pilipino ay
nakilala bilang mga maliit na kayumangging Amerikano (Little
Brown Americans).
Pagtatalakay
 Dahil sa mga Amerikano, nagbago ang pagpapa- halaga ng
mga Pilipino, naiba ang pakikitungo sa mga magulang.
Nawala ang pagmamano sa nakatatanda. Ang pagbati ng “Hi!”
ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-
anak na Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang
Ingles ang maraming Pili-
pino. Nagbago rin ang panana-
mit ng mga Pilipino. Bestida ang
naging kasuotan ng mga
babae.
Pagtatalakay
 Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may
handbag. Amerikana, polo shirt, at kurbata naman ang
naging kasuotan ng mga lalaki. Ang ilan sa ating mga pa-
ngalan tulad ng John,
Charles, Mary, at Ann
ay galing din sa mga
Amerikano.
Pagtatalakay
 Ang ilan sa mga pagkain ay nabago rin. Nadagdag ang
steak, hotdog, corned beef at soft drinks.
Paglalapat
Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod
na pangungusap.
__________ 1. Ang mga Pilipino ay nakilala bilang Little Brown
Americans.

__________ 2. Mas tinangkilik ng mga Pilipino ang sariling


produkto kaysa galing Estados Unidos.

__________ 3. Ang pagiging magalang ng mga Pilipino ay


binago ng idelohiyang Amerikano.
Paglalapat
__________ 4. Naging patok sa mga Pilipino ang mga pagkaing
galing Estados Unidos gaya ng corned beef, hotdog, at soft
drinks.
__________ 5. Ang Colonial Mentality ay kaisipang banyaga na
itinuro ng mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop sa bansa.
Paglalahat
 Bago pinagkaloob ng mga Amerikano ang kalayaan ng
Pilipinas ay itinali muna tayo sa isa pang patakaran: ang
Parity Rights. Ito ay nagbigay ng pantay na karapatan sa
mga Pilipino at Amerikano na gamitin at pakinabangan ang
mga likas na yaman ng Pilipinas.
 Nasanay ang mga Pilipino noon sa paggamit ng mga bagay na
yari sa United States. Sa
madaling sabi, nagkaroon sila ng colonial
mentality.
Pagtataya
Basahin mo at sagutin ang sumusunod na katanungan. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Anong mga produkto ng Pilipinas ang nilagyan ng limitasyon
sa pagpasok sa Estados Unidos?
A. bigas, asukal at tabako C. mais, tubo at pinya
B. saging, niyog at abaka D. bigas, niyog at pinya
2. Ang sumusunod ay mga batas ukol sa kalakalan at karapatan sa
likas na yaman ng Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito?
A. Parity Rights C. Underwood-Simmons
B. Tydings-McDuffie D. Payne-Aldrich
Pagtataya
3. Ano ang isinasaad ng Batas Underwood-
Simmons?
A. Naglayong papasukin ang produktong Pilipino sa
Amerika maliban sa bigas, asukal at tabako.
B. Naglayong alisin ang mga restriksiyon sa lahat ng
produktong pumapasok sa pamilihan ng Pilipinas at Amerika.
C. Nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at
Amerikano na gamitin at pakinabangan ang mga likas na
yaman ng Pilipinas.
Pagtataya
D. Nag-ambag ng mga makinarya para sa
paggawa ng mga produkto ng Amerika
na ipagbibili sa Pilipinas at sa iba pang karatig bansa.
4. Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo mahihikayat ang
mga kabataang Pilipino na tangkilikin ang produktong Pilipino?
A. Pagandahin ang kalidad ng produksyon
B. Dagdagan ang presyo ng mga produkto
C. Kontrolin ang katangian ng ating produkto
D. Pagkakaroon ng kalabisan at kakulangan sa…
Pagtataya
…mga produkto

5. Ano ang ipinalit sa pagmamano sa mga


magulang na kaugalian ng mga Pilipino?
A. Paghalik sa kamay C. Pagbati ng Hi
B. Pakikipagkamay D. Pagbati ng Ni Hao
Takdang-Aralin
Ipaliwanag ang inyong sariling pananaw at damdamin sa
sitwasyon. (10 puntos)
1. Bakit karaniwan sa ating mga Pilipino ay mas masigasig
bumili kapag gawa o galing sa ibang bansa?

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_________________________________________________

You might also like