Pagsusuri Sa Pelikulang Die Beautifull

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA III:

PAGSUSURI SA PELIKULANG
DIE BEAUTIFUL

ARA MAE CAMASO


INTRODUKSYON

• Sa paksa na ito pagtutuunan ng pansin ang iba’t ibang isyu


at hamon sa kasarian at lipunan. Naglalaman ito ng mga
gawain nahahamon sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-
aaral na masuri at maunawaan ang usaping may kinalaman
sa kasarian at lipunan na malinaw na inilalarawan sa mga
pelikulang lokal at dayuhan.
DISCUSSION
PAGSUSURI NG PELIKULA

• Pamagat ng Pelikula: Die Beautiful, sapagkat tungkol


ito sa isang transgender na namatay na ang tanging hiling
sa kanyang matalik na kaibigan ay bihisan siya at gawing
kamukha ng iba’t-ibang kilalang celebrities bilang pag-
alala sa kanya.
• Direktor Jun Robles Lana
• Prodyuser Jun Robles Lana at Ferdinand Lapuz
PANGUNAHING TAUHAN

• Trisha Echevarria (Paolo Ballesteros) - Isang ganap na bakla


na walang ibang ipinangarap kundi ang maging isang “Beauty
Queen.” - Dumanas ng mga pasakit sa buhay.
• Barbs (Christian Bables) - Matalik na kaibigan ni Trisha - Ang
naging kasangga ni Trisha sa lahat ng bagay.
• Gladys Reyes -Kapatid ni Trisha
• Joel Torre - Malupit na tatay ni Trisha - Nagtakwil kay Trisha at
tumutol sa kagustuhan ng anak.
TEMA NG PELIKULA

• Isinalaysay ng kuwento ito kung paano nakatagpo ng


kagalakan at kasiyahan ang isang transgender na babae sa
maraming bagay na dumarating sa kanyang buhay, kahit na
sa harap ng pang-aabuso, kawalan ng pag-asa, pagtataksil,
at dalamhati.
BUOD NG PELIKULA

• Suki ng mga gay beauty pageants ang transgender na si Trisha


Echevarria (Paolo Ballesteros). Ngunit sa kabila ng taglay nitong
ganda at alindog ay lagi siyang umuuwing talunan, ngunit sa huling
beauty pageant na kaniyang sinalihan, matapos mapunta sa kaniya ang
tanong na buong buhay niya'y ang tanging tanong na kaniyang
memoryado ang sagot ay sa wakas kay Trisha napunta ang korona.
Ngunit ilang minuto lang matapos itong makoronahan ay bigla siyang
binawian ng buhay dahil sa aneurysm. Ngayon ay kinakailangang
sundin ng kaibigan nitong si Barbs (Christian Bables) ang mga bilin ni
Trisha para sa kaniyang lamay, ang bihisan siya ng iba't-ibang hitsura
araw-araw mula kay Angelina Jolie hanggang kay Beyonce.
SINEMATOGRAPIYA

• Maganda ang pagkagamit ng visual effects upang mabigyang diin ang


mga bagay na nais ipakita sa manonood. Wala naman masyadong
musika ang inilapat. Ang nagpaganda lang doon ay ang natural na
tunog at mga ingay na hindi naman kalakasan at sakto lang para
marinig ang pag-uusap. Maraming Flashbacks sa Die Beautiful,
bagay na dapat bantayan ng mga manonood upang mabuo niya ang
palukso-luksong takbo ng kwento ng buhay ni Trisha. Angkop ang
lahat ng mga tagpuan sa pelikula. Sapagkat, natural na tagpuan ang
ginamit at iniduong sa kung ano ang totoong nais ipabatid ng palabas.
KAHALAGAHANG PANTAO

• Paglalapat ng Teoryang Realismo


• Oo makatotohanan ang mga pangyayaring tinalakay sa pelikula. Ang
pelikula ay nagpapakita kung ano ang pangkaraniwang nangyayari sa
lipunan-ang mga young effeminates na may mga crush sa mga guwapo na
batang lalaki na kinamumuhian ng mga kamag-anak lalo na ang mga ama
na hindi tanggap ang kanilang anak na maging isang bakla; na nagnanais
na maging isang babae kapalit ang kanilang kapalaran. Ang pelikula ay
nagpapakita din ng karaniwang gawain bilang isang parlorista at beaucon
(beauty contestant) habits, ang pagbabayad sa ibang lalaki para sa sekswal
na kasiyahan,ang katotohanan, na sa kanilang pagtanda ay pinapanatili ang
mga lalaki upang may mag-aalaga sa kanila sa katandaan hanggang
kamatayan.
PAGLALAPAT NG IBA PANG TEORYANG
PAMPANITIKAN

• Teoryang eksistensyalismo - Ang eksenang pinagbabawalan si Trisha na


umalis sa kanilang bahay, ngunit nagpumilit pa rin ito na umalis at
pumunta sa kanyang kaibigang bakla para sumali sa beauty pageant.
• Teoryang Humanismo - Ang eksenang si Trisha ay sumasali sa mga
beauty pageant.
• Teoryang Queer - Ang eksenang sumama si Trisha sa mga grupo ng mga
kalalakihan at inabuso.
• Sa kabuuan, naiiba ang pelikulang Die Beautiful dahil ito ay tumatalakay
sa pangyayari sa buhay ng isang bakla at ito ay minsan lamang
ginagawang paksa sa isang pelikula.
REFLECTION

• Ipinaramdam ng pelikula sa mga manonood kung papaano ang


buhay ng isang simpleng Pinoy transgender. Hindi lahat ay
nabiyayaan ng supportive na pamilya at isa na dito si Trisha na
kinatawan ang mga bading na mayroong magulang na hirap
intindihin ang kanilang pinagdadaanan. Dapat nating igalang ang
kasarian ng ating kapwa dahil wala tayong karapatan na
husgahan ang buong pagkatao nila. Hindi sukatan ang kasarian
ng isang tao kung hanggang saan ang tagumpay na pwede niya
makamit.

You might also like